Janno Gibbs releases 11-track Orig album


Janno Gibbs has recently released his 11-track all-original album titled Orig. For the song "Igiling," he asked Mark Herras, LJ Reyes, Chynna Ortaleza at Miggy Tanchangco to dance its music video.



Nagbigay ng pocket interview ang GMA Records para sa Orig album ni Jannno Gibbs sa Old Spaghetti House sa Sct. Esguerra, Timog, Quezon City, last Wednesday, February 18.

Bagit Orig ang pinili niyang title ng album niya?

"Pawang original compositions ko kasi ang 11-track album ko," sagot ni Janno. "Medyo nga may pressure sa akin ito dahil kapag original songs, hindi madaling tumatak sa isip ng mga tao, hindi tulad ng revivals.

"Inisip din namin na gumawa ng revivals. Madali lang kasi ‘yon, pipili ka lang ng kanta, ipapa-arrange mo, ire-record, may album ka na. Pero sa dami ng gumawa na ng ganitong album, naisip namin na ano pa ang pwede naming gawin? Ang mga pop songs, parang nasagad na. Kaya pinag-isipan ko ang mga songs na pwede kong gawin, kapag sinuwerte naman, may mga songs namang hindi mo ini-expect, sumisikat din.

"I'm thankful nga sa GMA Records sa album kong Fallin' [his last album], kasi umabot ito sa Platinum kahit ang hirap talagang kalaban ang piracy. Nakakatuwa nga dahil kahit ang ASAP [rival show ng SOP], noong nagbigay sila ng tribute sa mga recording artist na nagkaroon ng Platinum records, isa ako sa binigyan nila. Kahit hindi ko ito na-receive personally, tinanggap naman sa akin ni Vhong Navarro," lahad ng tinaguriang King of Soul.

Paano ba mag-compose ng kanta si Janno?

"Ako, kahit sa cellphone lang, kapag may naisip ako, kahit chorus lang, nire-record ko. Kapag kailangan ng ganoong klase ng song, ‘yon, saka ko itutuloy ang pag-compose. Una muna sa akin ang whole idea ng song, then ang melody, saka ang lyrics.

"In this album, first time kong nakapag-compose ng song na may ka-duet ako. First time ko ring naka-duet ang R&B Princess na si Kyla sa ‘Ang Aking Puso.' Fan ako ni Kyla at matagal ko na siyang gustong maka-duet sa album."

"Carrier single ko ang 'Igiling,' isang upbeat song na alay ko sa paborito kong si Ricky Martin. Madalas kasi sa SOP, kapag Ricky Martin song, sa akin nila ibinibigay kaya naisip ko, bakit hindi ako gumawa ng sarili kong composition.

Iginawa ko rin ito ng music video, pero ayaw kong masabihan akong matanda na para gumiling pa, inimbita ko sina Mark Herras, LJ Reyes, Chynna Ortaleza at Miggy Tanchangco para sumayaw sa music video.

"Personal favorite ko ang 'Haven't Stopped Loving You' na tungkol sa isang guy na itinago ang feelings niya sa dati niyang girlfriend na happy na sa bago nitong boyfriend, iyon pala at the back of his mind ay in-love pa rin siya sa dating girlfriend. Wala naman akong pinatutungkulan dito, naisip ko lang ang idea na 'yon na sequel ko sa una kong song na "Fallin.'"

Ang iba pang cuts ng album ay ang "Don't Know Why," "Ready to Fall," "Huling Babae," "Obvious Ba," "Para-Paraan," "Payong Kaibigan" at ang theme songs ng GMA-7 shows na Codename: Asero at Gagambino na siya rin ang nag-compose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN