Pop Icons fill the Big Dome with music and laughter


(From upper left, clockwise) Mark Bautista, Sam Milby, Erik Santos, Christian Bautista, and Piolo Pascual gave their all during their post-Valentine concert titled Pop Icons. After rocking the Big Dome last February 21, they will perform in Bacolod this Saturday, February 28.



Big success ang Pop Icons concert, produced by Sunday Night Productions at ASAP Live, na ginanap sa Araneta Coliseum last Saturday, February 21. Tampok sa concert na ito ang limang pop icons ng kasalukuyang henerasyon na sina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, Rockoustic Heartthrob Sam Milby, Prince of Pop Erik Santos, Asia's Pop Idol Christian Bautista at Pop Heartthrob Mark Bautista. Ang concert na ito ay directed by Rowell Santiago with musical direction from Louie Ocampo.

Personal na nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Pop Icons. Sa Araneta ay namataan ng PEP sa audience ang mga sikat na celebrities na kinabibilangan nina Gary Valenciano (na nagkaroon ng successful repeat concert ng Gary V Live at 25 the night before ng Pop Icons concert) with wife Angeli Pangilinan-Valenciano, KC Concepcion, Vina Morales, Ai-Ai delas Alas, Angelu de Leon, Yeng Constantino, Zanjoe Marudo, Mariel Rodriguez, Jed Madela, LJ Moreno, Karylle, Jeffrey at Arnee Hidalgo, Melissa Ricks, Janus del Prado, Mickey Munoz, Rita Avila, Vicki Belo with daughter Cristalle Belo-Henares, Ben Chan ng Bench at Joy Lim. Present din ng gabing iyon ang mga executives ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes, Deo Endrinal, Johnny Manahan, Mariole Alberto, Ronald Arguelles at Bong Osorio. Marami ring managers at directors ang nagpunta na kinabibilangan nina Direk Joyce Bernal, Direk Erik Reyes, Boy Abunda, Wyngard Tracy, Carlo Orosa, Audie Gemora, Erik Raymundo, at Girlie Rodis.

Nagsimula ang concert sa pamamagitan ng pagpapakilala sa big screen ng bawat isang pop icon habang tinutugtog ang signature song ng bawat isa: "Wherever You Will Go" for Sam, "This is The Moment" for Erik, "I Need You" for Mark, "The Way You Look At Me" for Christian, at "Dahil Ikaw" for Piolo.

And then tumaas na ang big screen at tumambad sa audience ang limang pop icons. Napuno na ng hiyawan at tilian ang buong Araneta nang magsimula nang kumanta ang lima na nakasuot ng in black and white combination with leather jackets.

Hindi na magkamayaw sa tilian ang mga tao nang kantahin nila ang "Boys Do Fall In Love." Talaga namang nagtayuan ang mga tao dahil isa-isang bumaba sa stage ang mga pop icons.

After ng opening ay kinumusta ng lima ang Valentine's Day ng mga audience. Anila, sa mga walang ka-date noong Valentine, pwedeng sila na ang ka-date nila sa post-Valentine concert na iyon.

Sumunod na number ng mga pop icons ay kinatampukan ng mga awitin ng mga tinaguriang Ultimate Pop Icons of the '70s na kinabibilangan ng mga grupong Beatles, Beegees at Hall & Oats.

After that ay nagpasalamat ang lima sa mga pumunta para panoorin ang concert nila.

"Salamat at binuo n'yo ang pangarap namin na magsama-sama sa concert na ito," ani Erik. Sabi naman ni Piolo, "With these guys, I found my true friends."

"It all started sa ASAP three years ago, and now here we are," wika naman ni Christian.


POP ICONS PAY TRIBUTE TO BOY BANDS. Sumunod na number ay ang sikat na boybands medley na kinabibilangan ng "Swear It All Over Again" ng Westlife, "This I Promise You" ng ‘N Sync, Words ng Boyzone, "Quit Playing Games With My Heart" ng Backstreet Boys, at "Because of You" ng 98 Degrees. Sa huling boyband song na Pop ng ‘N Sync ay talagang naghiyawan ng malakas ang mga tao dahil sumayaw ang mga pop icons habang kumakanta. Nag-standout si Mark sa number na ito dahil sa ginawa niyang paggiling sa stage na ikinaaliw ng mga audience.

After ng explosive number na iyon ay nag-exit ang apat at naiwan si Piolo sa stage na inawit ang "I Don't Want You To Go," na theme song ng Love Me Again, ang movie niya with Angel Locsin under Star Cinema.

Then si Piolo naman ang nag-exit at pumasok naman ang magkaibigang Champions na sina Erik at Christian at inawit ang "Bridge Over Troubled Water."

Lumabas na ulit sina Piolo, Sam at Mark and joined Erik at Christian para kantahin ang mga undying love songs na "For The Longest Time," "Breaking Up Is Hard To Do" at "Can't Take My Eyes of You." Sa number na ito ay talagang lumabas ang magandang blending sa boses nilang lima. Guwapong-guwapo ring tignan ang lima sa kanilang formal suits.

Nag-exit naman sina Mark at Sam, at naiwan sina Piolo, Erik at Christian para sa awiting To All The Girls I Love Before. Nagtukusuhan pa ang tatlo tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanila ngayon: si LJ Moreno kay Erik, si Karylle kay Christian, at si KC Concepcion kay Piolo.

Um-exit naman ang tatlo at in-introduce ang dance number nina Sam at Mark with the G-Force. Lumabas ang pagiging machoh ng dalawa dahil sa suot nilang mga vest. Nagpakitang-gilas sa pagsasayaw ang dalawa kung saan may sexy dancing pa sila with their partners using chairs as props. Talagang hataw ang number na iyon dahil nag-cartwheel pa ang dalawa, nag-ala-gymnast pa si Sam, at ipinakita ni Mark ang kalambutan ng kanyang katawan plus nag-headstand pa.

Exit ulit sina Sam at Mark, at pumasok naman ang naka-vest din na sina Piolo, Erik at Christian na aminadong hindi sila mga dancers pero pa-comedy na nag-tumbling pa ang tatlo para ipakitang may kaya rin silang gawin.

AI-AI BRINGS PIOLO TO HIS KNEES. This time, kumuha ng bawat isang girl sa audience ang tatlo para haranahin on stage. Ang kinuha ni Christian ay si Garlic na staff ng ASAP, si Ai-Ai delas Alas naman for Erik, at si Direk Joyce Bernal for Piolo. Kinanta nila ang sikat na "Beautiful Girl" ni Sean Kingston pero big band style ang areglo.

Super-riot ang number na ito dahil umandar ang pagiging naughty ni Ai-Ai on stage na hinihimas-himas ang legs ni Erik. At hindi pa nakuntento dahil lumipat naman kay Piolo na laking gulat sa biglang paghipo ni Ai-Ai sa maselang bahagi ng katawan niya sa baba. Talaga namang napaluhod sa hiya si Piolo. Pero wala pa rin siyang nagawa nang lapitan muli ni Ai-Ai at nagsimulang himasin ulit ang kanyang katawan. Sobrang iwas ang ginawa ni Piolo para hindi na maulit ni Ai-Ai ang ginawang panghihipo. At tawa na lang sila nang tawang dalawa.

After that number ay bumaba na ang mga girls pero si Ai Ai ayaw pang bumaba sa stage at sabi pa'y, "Ayoko pang bumaba. Ang sarap dito. Ang daming santol. Grabe, ang sarap!"

Nang makababa na si Ai-Ai at saka pa lang nakabalik sa kanyang sarili si Piolo at nagbibirong sinabi sa komedyana na, "Ma'am Ai, pakasalan mo ako ha!"

PAST LOVES. Sa sumunod na number ay nagtuksuhan ang mga pop icons habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga babaeng naging bahagi ng kanilang buhay. Bawat isa ay nakatokang kumanta kung ano ang nararamdaman nila sa lalabas na picture ng babae sa big screen. For Christian, lumabas sa screen ang picture ni Rachelle Ann Go, at kinanta niya ang "Remember Me" ni Renz Verano. For Sam ay si Anne Curtis at kinanta niya ang "Di Ko Kayang Tanggapin" ni April Boy Regino. Picture naman ni Sarah Geronimo ang lumabas for Mark, at kinanta niya ang "Muli" ni Rodel Naval. For Erik naman ay si Rufa Mae Quinto at kinanta niya ang "Halik" ng Aegis.

Nag-react naman sina Erik, Christian, Mark at Sam nang ang lumabas na picture para kay Piolo ay si KC Concepcion. Sabi ni Erik, "Hindi naman past iyan e, future ‘yan."

Pabirong nagmalaki pang sinabi ni Piolo na, "Anong magagawa ko nandito siya. Siya lang ang nadito sa lahat ng babaeng lumabas diyan sa screen." At inialay ni Piolo kay KC, na nasa audience nga, ang kantang "Nandito Ako" ni Ogie Alcasid. Very meaningful ang ilang lines sa song na "Kung sakaling iwanan ka niya / huwag kang mag-alala may nagmamahal sa iyo / nandito ako." Parang pinatutungkulan na nandito lang siya lagi para kay KC, sakaling iwan man siya ni Richard Gutierrez, ang naging leading man ni KC sa dalawa niyang pelikula. Naka-score ng pogi points si Piolo doon.

Grupo namang kinanta ng mga pop icons ang sikat na "No Air" nina American Idol Season 6 winner Jordin Sparks at Chris Brown.

Nag-exit sina Mark, Christian at Erik habang naiwan naman sina Piolo at Sam sa stage. Kinumusta ni Piolo ang pagta-Tagalog ni Sam ngayon. At nagkaroon pa sila ng tila Tagalog exercise for Sam.

Ginawa nila ito para i-introduce ang susunod na number tampok ang mga awitin ng mga sikat na OPM icons.

Exit sina Sam at Piolo habang pumasok naman sina Erik, Mark, at Christian. Isa-isa silang kumanta ng tribute para sa mga OPM icons. Kinanta ni Christian ang "Nakapagtataka," originally sung by Hajji Alejandro. "Ngayon at Kailanman" naman ni Basil Valdez ang inawit ni Mark. Si Erik naman ay kinanta ang "May Bukas Pa" ni Rico Puno.

After that exit ang tatlo at pumasok naman sina Piolo at Sam para sa kanilang OPM songs. Nag-duet sila sa "Harana" ng Parokya ni Edgar.

Bumaba naman sa stage si Piolo na may dalang mga rosas para sa mga girls sa audience, habang kinakanta niya ang "Don't Know What To Say" ni Rig Segreto. At hindi magkamayaw ang audience sa pagtayo at pagtili kay Piolo.

Sumunod namang pumunta sa audience also with roses si Sam habang kinakanta ang "Minsan Lang Kitang Iibigin" ni Ariel Rivera. Katulad ni Piolo, pinupog din ng mga fans si Sam.

Sa stage namam, nag-duet naman sila sa "Hindi Magbabago" ni Randy Santiago.

After that, kumpleto na ulit silang lima sa stage para kumanta ng song of praise para sa Diyos. Anila, ito ay bilang pasasalamat sa very successful concert, sa successful careers ng bawat isa sa kanila at pasasalamat sa pagkakaroon nila ng maraming mga fans at supporters.


SINGER-TURNED STAND-UP COMEDIAN. Naging comedy naman ang sumunod na part ng concert nang ipakita ni Erik ang kanyang galing sa pang-i-impersonate. Ginaya nga ni Erik ang pagkanta nina Piolo, Sam, Christian, at Mark. Lumabas ang pagiging komedyante ni Erik dito at pabirong in-advise pa ng apat na mag-work na lang siya sa mga sing-along at comedy bars.

Siyempre hindi mawawala sa concert ang pagkanta ng signature song ng bawat isang pop icon. Inawit ni Sam ang latest single niyang "Ikaw Pa Rin," "I Need You" naman kay Mark, "The Way You Look At Me" kay Christian, "I'll Never Go" kay Erik, at Kailangan Kita" kay Piolo.

Bago ang kanilang finale song ay nagpasalamat muna ang mga pop icons sa lahat ng mga sumuporta at nanood ng concert. Dedicated ulit kay God ang last song nilang "Do I Make You Proud" ni American Idol Season 5 winner Taylor Hicks. At nag-exit na nga silang lima sa stage.

Siyempre, hindi pa nakuntento ang mga tao kaya nag-more pa ang mga ito. Sa pagbalik ng mga pop icons ay mga dance music na ang kanilang mga kinanta kabilang na ang "Boogie Wonderland."

Umakyat pa sa stage si KC at nakisayaw sa mga pop icons. Inihatid at inalalayan pa ni Piolo ang mega-daughter sa pagbaba nito sa stage.

Sa huli ay kinanta nila ang dance hit na "Low" ni Flo-rida at nakisayaw na rin ang mga audience hanggang sa matapos ang kanta.

Kitang-kita sa mga mukha ng mga lumalabas sa Araneta na talagang nag-enjoy sila sa concert. Kaya congratulations kina Piolo, Sam, Erik, Christian at Mark!

Last leg ng kanilang series of Pop Icons concert na ito ay sa Bacolod on February 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN