Jed Madela releases his album Songs Rediscovered 2


Jed Madela has recently released his latest album titled Songs Redicovered 2, The Ultimate OPM Playlist under Universal Records.



After the success of his past albums kung saan naging big hits ang mga ito, isang new album ang handog uli ni Jed Madela para sa kanyang mga tagahanga. Ito ay ang Songs Redicovered 2, The Ultimate OPM Playlist under Universal Records. Ayon sa mahusay na singer, espesyal ang nasabing album sa kanya hindi lang dahil may koneksyon sa kanya ang bawat kantang nakapaloob dito kundi siya may personal touch sa pagbuo ng bago niyang album

"Ang maganda kasi dito, sobrang personal na album ito, sobrang heartfelt ang album na ito. I can say na ‘yung mga songs dito, connected sa buhay ko," sabi ni Jed sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "for example, 'A Smile In Your Heart,' it's my first contest piece nung grade two ako and sumali ako sa contest na ‘yun. "Yung Maybe and Hold On, ito ‘yung dating mga pinaka-hits na kinakanta ko sa banda. All those songs are very close to my heart. Kumbaga kinalakihan natin ang while rehearsing the songs, siguro nare-reminisce ko ‘yung memory ko, this song reminds me of something or someone."

"May say ako sa mga napiling kanta pero may theme kami ng Universal. Naglista kami ng hundreds of songs, tapos ni-narrow down to 16 songs na pinmakasikat nung ‘80s and ‘90s. Sobra akong saya kasi halos lahat ng napili ko pumasok like ‘yung pinaka-favorite ko ‘yung To Love Again, I need You Back, Can we Start All Over Again, Maybe, and Special Memories."

Masaya ring binalita ni Jed na hands on siya sa nasabing album na tumutok talaga siya mula sa pagle-layout ng cover ng album na ito.

"Hands on akong nag-design, I worked hand on hand with the artist of Universal and siyempre dun sa mga photographers and stylist na kinuha namin. I'm so thankful to some of my friends who have been very supportive, nagsa-suggest sila, nagbibigay ng ideas. Ako mismo yung nakaupo sa harap ng computer, tutok talaga, pag di ko gusto yung pictures, yung layout, sinasabi ko."

Kapansin-pansin ngayon ang paglo-lose ng weight ni Jed. Inamin sa amin ng singer na ang album na ito ang isa sa rason kung bakit nagbawas talaga siya ng timbang.

"One of the reasons why I lost weight, aside of course for TV. Itong album kasng ito is really one of my best album. I spent so much time and effort with the songs, ‘yung pagre-record, sa packaging so sobra akong excited to promote this album kasi alam kong di ako mapapahiya sa album na ito."

May good news din si Jed sa mga fans niya who will but his new album.

"Double disc ito coz may kasama na siyang minus 1 so din a sila maghihgintay na lumabas ang minus 1 kasi kasali na siya. Iba siya coz it's a different sheet so medyo tumagal ang packaging saka pinag-isipan anmin talaga ng husto. Iba yung hitsura ng album so I can say it's a collector's item."

Composed of 16 tracks, ang mga kantang kasama dito ay To Love Again, Friend of Mine, I Need You Back, Give Me A Chance, Friend of Mine, A Friend, Can't Find No Reason, A Snile In Your Heart, Got To Believe I Alawys Stay In Love This Way, Special Memories, Can We Start All Over Again, Hold On, Maybe, Everyday. Available na sa record bars ang album ni Jed Madela titled Songs Rediscovered 2, The Ultimate OPM Playlist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN