Yeng Constantino's album goes platinum

by Ruel J. Mendoza
Mar 5, 2007
Yeng Constantino receives the Platinum Record Award from Star Records' marketing manager Cynthia Roque and Dream Big Productions' business unit head Laurenti Dyogi during the ASAP '07 recently.

In just two weeks, Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer Yeng Constantino's debut solo album entitled Salamat has already reached platinum. Ito ay patunay na isa siya sa fastest-rising stars ng recording industry ngayon.

Nakabenta ng more than 15,000 units ang album ni Yeng sa unang linggong release nito sa market, giving Yeng a Gold Record Award. A week later, nakakuha na ito ng Platinum Record Award dahil higit-kumulang na 30,000 units na ang nabenta ng debut album niya.

Sa programang ASAP '07 in-award ang Platinum Record Award ni Yeng at kasama pa nga niya ang kanyang idol na si Sarah Geronimo sa pagtanggap nito.

"Sobrang saya ko po, kasi bukod sa nag-platinum na ang album ko, naka-duet ko pa ang idol kong si Sarah. Dream come true po ito para sa akin kasi idol ko po talaga siya," ngiti pa ni Yeng.

Dahil sa phenomenal success ng kanyang debut album, si Yeng ang napili ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation as Most Promising Female Recording Artist.

Continue reading below ↓

Ang 10-track album ni Yeng ay ni-release ng Dream Music ng Star Records. Pito sa mga kanta dito ay original compositions ni Yeng, kabilang na ang hit song na "Hawak Kamay."

Read Next
Read More Stories About
Yeng Constantino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino receives the Platinum Record Award from Star Records' marketing manager Cynthia Roque and Dream Big Productions' business unit head Laurenti Dyogi during the ASAP '07 recently.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results