1st WAKI OPM Music Awards winners revealed


During the 1st WAKI OPM Music Awards, Yeng Constantino (left) received the Album of the Year award while Gary Valenciano (right) was named as the Bespren Entertainer of the Year.



Ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall noong April 25, Sabado, ang kauna-unahang WAKI OPM Music Awards na organized ng radio station na WRR 101.9 for Life.

Si Sarah Geronimo ang tinanghal na Female Vocalist of 2008 for the song "You Changed My Life" samantalang ang Pinoy Dream Academy runner-up na si Bugoy Drilon ang nagwagi na Male Vocalist of 2008.

Kapwa nila hindi natanggap ang kanilang mga awards. Nasa States pa si Sarah for a series of concerts kaya di siya nakasipot sa awards night. Si Bugoy naman ay nakaalis na nang tawagin ang kategoryang ito. He was in the awards night earlier kung saan nagwagi ang awitin niyang "Paano Na Kaya" na Senti Hit of the Year. Inawit rin niya later in the program. Nagtatalon sa tuwa si Bugoy matapos ang kanyang acceptance speech.

Malaking shocker naman hindi lang para sa amin kundi maging sa ibang press people at mga taong dumalo sa WAKI OPM Music Awards ang pagkapanalo ni Bea Alonzo as Breakout Star of 2008 for the song "Missing You" na included sa kanyang debut album.

Marami kasi ang hindi nakakaalam na may album si Bea. Hindi nga nag-react masyado ang audience nang tawagin ang pangalan niya as winner. Tinalo niya sina Bugoy Drilon, Laarni Lozada at KC Concepcion.

Wagi rin si Bea sa Listener's Choice Award (Female) para sa Missing You. Tinalo naman niya sa kategoryang ito sina KC Concepcion, Toni Gonzaga, Yeng Constantino at Sarah Geronimo.

Nagwagi naman si Erik Santos as Listener's Choice Award (Male). Kinanta rin niya ang "May Bukas Pa," na titulo rin ng top-rating drama series ng ABS-CBN.

Ginawaran naman ng 101.9 for Life si Gary Valenciano ng Bespren Entertainer of the Year. Nag-perform si Gary with his son Gabriel Valenciano. Bumalik siya muli onstage to do the song "Tayong Dalawa." Bonus ito dahil dapat "Shake It" lang ang kakantahin nila ni Gab, with matching choreography.

Nagwaging Album of the Year ang Journey ni Yeng Constantino samantalang napiling Song of the Year ang "Betamax" ng grupong Sandwich.

Marami sa mga winners ang hindi nakadalo like si Willie Revillame, Project 1, at Gloc 9.

Guest performers naman ay pawang mga banda tulad ng Cueshe na hindi tumigil sa pagkanta kahit na pumapasok sa concert hall ang ulan. Nagbukas pa ng payong ang ibang tao sa audience dahil pumapasok sa venue ang ulan.

Bago nga kumanta sina Gary V at ang anak niyang si Gabriel ay nilampaso muna ang stage dahil nabasa ito.

Ang iba pang guest performers ay ang Sandwich, Sitti, Pedicab, Hale, Moonstar 88, Paraluman at Calla Lily.

Nagsilbing hosts ang mga DJs na sina Toni, Laila at Billie, kasama ang stand-up comedian na si Pooh.

Ang iba pang nagwagi ay ang mga sumusunod:

Best Novelty Song - Giling Giling (Willie Revillame)

Best Collaboration - Ang Sarap Nito (Project 1)

Dance Hit of the Year - Sumayaw Ka (Gloc 9)

Best Kantamercial - Sarap Dito (Project 1) Coca Cola commercial (performed by Itchyworms)

Band of the Year - Itchyworms for their album "Penge Naman Ako Niyan)


Ang judges sa WAKI OPM Music Awards ay sina Mel Villena, Eli Bruce Capuyan (101.9 For Life station manager), Moy Ortiz of The Company and Mr. Ogie Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN