Ronnie Liang will go sexy for his May 23 concert


In his May 23 concert titled Ronnie Liang Revealed, the balladeer says that he will reveal his upper body at Metro Bar, West Avenue.



Kung dati ay nakilala at nakahon sa sobrang wholesome image si Ronnie Liang, sa nalalapit niyang concert on May 23 in Metro Bar, West Avenue, titled Ronnie Liang Revealed ay isang kakaibang Ronnie ang mapapanood natin.

Sexy, oozing with more sex appeal, isang kakaiba at mas exciting na concert ang pinangako sa amin ni Ronnie na makikita sa kanya ng mga taong manonood ng nalalapit niyang concert.

"The concert is titled Ronnie Liang Revealed, it's parang other side of Ronnie so may pagka-sexy ang concert na ito, maraming iba't-ibang suprises for my fans and sa audience. My guests are Jed Madela, Laarni Lozada and Yeng Constantino."

"May pagka-sexy kasi mostly di ba pag sinabi mong balladeer, naka-suit, tago lahat, pero this time, medyo may kaunting flesh akong ipapakita, ipapakita ko yung upper part ko. We're very excited for this kasi siyempre something new."

Bukod sa isang sexy na Ronnie ang makikita dito, sexy din ang selections of numbers na gagawin niya sa concert na ito.

"Mga Ricky Martin, Ricky Iglesias, mga kanta ni Santana, iba't-ibang songs na bagay sa concert. Di sila masyadong malaswa, yung mga moves nila, enjoy lang pero di magaslaw pero sexy. Nandun yung build ng katawan, nandun yung sexiness pero di bastos."

Sa ngayon ay lumabas na rin ang mga sexy billboards sa para sa isang jeans company kunsaan endorser si Ronnie. Aminado ang singer na dito nagsimula ang idea why they decided na unti-unti nang iwanan ang conservative image niya before.

"Dun nag-start yun, nagkaroon kami ng pictorial na medyo sexy ng kaunti para sa Paddocks. Nilabas na yung iba sa SM Rosales, sa SM Cavite, by June nationwide in all SM Supermalls."

Agad naming tinanong kung sa palagay ba niya ay edge niya ang pagiging sexy ng image sa ibang mga kapanabayang singers tulad nila Chrsitian Bautista at Erik Santos.

"Bawat isa kasi may kani-kaniyang forte, may kanya-kanyang image. Sa akin ito yung focus namin ngayon, tama na yung ballad talaga, at least makilala ako as sexy balladeer.

"Gusto lang talaga naming ipakita yung other side of me na di na ako masyadong konserbatibo, di na pihikan, di na mahinhin, than I'm open to changes. Kumbaga may kaunting spice na although sa ASAP pag pinapakanta kami, kailangan talagang naka-suit."

Sa pagbabago ng image, bukas na rin kaya si Ronnie na baka pagpantsyahan siya ng marami lalo na ng mga nasa third sex?

"Parte talaga yun ng showbizness. At least kahit papaano nagbibigay ka ng inspirasyon sa iba. Kung gusto nilang magpantasya. We cannot stop them."

Masaya ring ibinalita sa amin na two months from now ay ilalabas na ang bago niyang album under Universal Records.

"May bago akong album under Universal to be released two months from now. We just signed all the papers for that album and sobrang excited din kami. It's half revivals and half original so sana suportahan nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN