Paolo Santos releases fourth album, Back To Basics


Paolo Santos has just released his fourth album titled Back to Basics. He is tapped to sing the theme song for the wedding special of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo as well as the theme song of the couple's upcoming TV show George and Cecil.



Nakangiti pang tumanggap ng mga requested songs si Paolo Santos, pagkatapos niyang kantahin ang ilan sa mga cuts sa fourth album niya, ang Back To Basics from Ivory Records & Video sa Chef & Brewer Cafe sa Ortigas Center in Emerald Avenue, Pasig City. Back to Chef & Brewer din si Paolo kunsaan una siyang kumanta nang magsimula siyang maging acoustic singer in 2003.

Nakausap ng PEP at ng ilan pang entertainment media si Paolo bago ang launch. Bago raw lahat sa kanya ang takbo ng kanyang career ngayon na for a while, may mga lumabas daw balita na natipos (typhoid) siya kaya siya nawala sa music scene. Nagalit ba siya nang marinig niya ang balita na ito?

"No, hindi naman, dahil hindi naman totoo," nakangiting wika ni Paolo. "Hindi rin naapektuhan nito ang career ko dahil tuluy-tuloy ang pagkanta ko, bukod sa mga gigs ko sa Ortigas and Manila, may mga out-of-the-country shows din ako. Wala lamang kasi akong publicity noon, walang nagsusulat kung saan ako tumutugtog.

"Aaminin ko, dati the media was my enemy, akala ko they were not the reason of my success. Pero ngayon 180 degree turn ako, simula nang tawagan ako ni Steven Tan ng Ivory Records & Videos. Matagal na raw niya akong hinahanap. Gusto raw nila akong igawa ng album, all revivals, nagkataon na iyon talaga ang gusto ko ring gawin, nauna lamang sila. Kaya after naming nag-usap, pumili na kami ng songs out of the 30 listed songs.

"First time kong kakanta ng songs nina Gary Valenciano, Ariel Rivera, Randy Santiago, Pops Fernandez and others. Hindi naman nagtagal ang pagri-record namin ng 10 songs plus ang dalawang bonus tracks, ang 'Moonlight Over Paris' (the 2009 version) at ang 'Send Me One Line' (originally by Spyro Gyra). Pwede rin ninyo akong sabayang kumanta dahil ang isang CD ay minus one ng mga songs ko.

"And I'm being handled now by Noel Ferrer. Palpak kasi lahat ng mga naging managers ko kaya ngayon Noel will disprove it," natatawang wika ni Paolo.

Ano ang feeling niya ngayon na with the new album ay mayroon na nga siyang manager na magha-handle ng lahat ng gagawin niya?

"Since nag-start akong acoustic singer, never pa akong nag-sign ng contract, di ako sanay mag-guest sa radio, TV at mag-mall show," sagot ni Paolo. "Pero ngayon, ini-enjoy ko na ito. Big deal sa akin ang presscon na ito, I need you to spread the word that I'm still around. And I ask forgiveness to all the people I've hurt."

Iba ang kasiyahan ni Paolo ngayon, laging may ngiti sa lips niya, nawala iyong parang lagi siyang seryoso. Si Jiji Jorge, ang asawa niyang lawyer, ba ang reason nito?

"Yes, at iyong isa kong song, ang 'Photograph,' ay dedicated ko sa kanya at paborito kong kantahin. We were married [noong] October 2008 sa Guadalupe Church in Makati City. Ang reception namin sa Bagaberde in Roxas Blvd. at kalahati ng mga guests namin, puro musikero. Pinag-duet pa nila kami ni Jiji, ang kinanta namin, "Bakit Ngayon Ka Lang?" May tono naman ang boses ng wife ko," pagbibiro pa ni Paolo.

Ang ilan pang tracks ng album ni Paolo, "Don't Say Goodbye," "Gaya ng Dati," "Don't Say Goodbye," "Everyday," "Million Miles Away," "Yakap," "Naglalambing," "Walang Hanggang Paalam," "Isang Tulog Na Lang (Duet with Bituin Escalante)" May TV launch si Paolo sa third week of May at mag-iikot din siya sa mga radio shows at sa mga malls.


SPECIAL THEME SONGS. May bonus pang natanggap si Paolo nang araw na iyon ng launching niya. Siya ang kakanta ng "Kuwento Nating Dalawa," na lyrics ni Jose Javier Reyes at music ni Maestro Ryan Cayabyab. Ito ang gift ng dalawa sa wedding special nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na ipalalabas sa ABS-CBN sa May 17. First time din iyon ni Paolo na kakanta ng theme song ng TV show ng mag-asawa, ang George & Cecil na ang pilot telecast ay sa May 31, bago ang Sharon. Bakit siya ang napili ng dalawa na kumanta ng theme song, close ba siya sa mga bagong kasal?

"Yes, they are my friends, they are so nice to me, ipinagluluto pa ako ni Juday."

May message ba siya sa mga newlyweds?

"My congratulations to you guys. I know you're both workaholics, but don't take yourselves for granted. This is also my gift to you. Wish you good fortune, good health, more projects.

That day, lumabas rin ang balitang idinemanda na ni Nina ang dating boyfriend na si Nyoy Volante, na mga kaibigan niya, ano ang masasabi niya dito?

"Opinion ko lamang ito, na dapat nag-usap na lamang sila out of court. Matatanda na kayo,ayusin na lamang ninyo iyan. Nyoy, bayaran mo na lang, Nina, huwag ka na lamang humingi ng interest."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN