Erik Santos sings theme song for 150th anniv of Red Cross


Erik Santos will sing the theme song of Red Cross titled "Ang Bagong Umaga." It will be included in the soon to be released Star Records album titled I Move I Love.



Isa si Erik Santos sa featured artists sa album na gagawin para sa 150th anniversary celebration ng Red Cross International. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer sa taping ng music video na ginanap noong Sabado, May 9, sa ABS-CBN Studio 4.

Kasama rin sa nasabing project ng Star Records sina Toni Gonzaga at Yeng Constantino.

"We are celebrating the 150th year anniversary of Red Cross International and siyempre kasama ang Pilipinas diyan. Magkakaroon ng isang malaking event on June 24 sa Mall of Asia. Magiging record breaking ito dahil dadaluhan ito ng maraming tao na gagawa ng human formation ng Red Cross logo," pahayag ni Erik nang makausap ng PEP.

Dugtong pa ni Erik, malaking karangalan para sa kanya na mapili na kumanta ng theme song ng Red Cross titled "Ang Bagong Umaga." Ang Star Records album naman para sa Red Cross ay titled I Move I Love.

"Binigyan kasi nila [Red Cross] kami ng malaking responsibilidad na maging ehemplo sa kabataan para ihatid ang mensahe ng Red Cross. The song talks about pagkakaisa, hindi lang ng mga Pilipino at mga kabataan kundi pati na rin sa buong mundo," wika pa ng singer na tinaguriang Prince of Pop.

Ang event sa MOA sa June 24 ay recognition day rin para sa lahat ng Red Cross volunteers at sa mga gustong maging volunteers pa.

"Excited ako sa project na ito kasi first time kong maging involved sa ganitong klase ng project. One more thing, magandang way ito para yung mga blessings na natatanggap ko ay maibalik ko sa mga tao. It's my way of giving back to the people ang mga blessings na natatanggap ko," pahayag pa ni Erik.

Itong project ng Red Cross ang unang advocacy project that Erik became a part of and he's really excited about it. Never pa naman siya naging donor ng dugo sa Red Cross dahil takot siya sa karayom pero ayon sa singer, marami pang ibang projects ang Red Cross na puwedeng maging involved ang sinuman, hindi lang sa pagdo-donate ng dugo.

"I am willing to help Red Cross sa kanilang ibang advocacies na gagawin nila in the future. Handa akong tumulong at maghandog ng aking serbisyo," patuloy pa ni Erik.

May mga personal advocacies din si Erik pero hindi naman niya ipinamamalita ang mga ginagawa niyang pagtulong. "I am not vocal sa mga ginagawa kong pagtulong like I always do outreach programs tapos pag birthday ko, mayroon akong benefit shows," kwento pa niya.

Part ng event ng Red Cross ang album launch para from Star Records kung nag-record sina Erik, along with Toni Gonzaga and Yeng Constantino, ng mga kantang aspirational at inspirational.

Wala raw lovelife si Erik ngayon pero masaya siya dahil dalawang semesters na lang at ga-graduate na siya ng Psychology mula sa Centro Escolar University.

Nakatakda rin siyang gumawa ng isang album sa America na ipo-produce ni Jim Brickman. Mga third week of May ang alis niya papuntang Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN