Yeng Constantino will soon release third album under Star Records


"Natutunan ko na it's not about your next hit song. Yung kailangan langma-enjoy mo lang yung ginagawa mo. Naririto na ako. Naabot ko na angpangarap kong maging singer," says Yeng Constantino about her popularity in the past.



Isa si Yeng Constantino sa aawit ng theme song kaugnay ng 150th anniversary ng Philippine National Red Cross. Kasama niya rito sina Erik Santos at Toni Gonzaga. Close to her heart pala talaga ang Red Cross kay Yeng dahil naging volunteer din siya nito noong 2007 at 2008.

"Nang lapitan nila ako to sing the theme song, nag-oblige talaga ako, walang second thoughts," nangingiting sabi ni Yeng.

Komposisyon ni Jonathan Manalo ang theme song na pinamagatang "Bagong Umaga." Aside from this, ire-release na pala ang third album ni Yeng from Star Records.

"Recording lang talaga. Huwag nila akong i-expect sa acting dahil hindi ko talaga linya 'yan," natatawang sabi pa ni Yeng.

"More of a musician talaga ako. Yun ang talent ko. May ten compositions ako sa bagong album. Lahat ng laman ng album, gawa ko talaga ang kanta."

Fun daw talaga ang nilalaman ng album. Hindi masyadong sentimental ang kabuuan. First and second album daw niya kasi, parang lumalabas na sineseryoso niya ang lahat.

"Natuto lang akong mag-enjoy sa album na ito," nasabi na lang ni Yeng. "Nag-enjoy lang ako sa studio at nag-recording lang ng mga kanta. May mga nagsasabi sa akin na i-enjoy ko lang at huwag magpa-pressure."

Isa sa mga awiting dapat hintayin sa bagong album ni Yeng, yung "Jeepney Love Story." Secret pa raw ang iba. Anyway, hindi ba siya affected sa hits na nagawa ng bagong Pinoy Dream Academy graduates na sina Laarni Lozada (para sa hit na "Kung Iniibig Ka Niya," theme song ng Kambal sa Uma) at Bugoy Drilon ("Paano Na Kaya?")?

"Wala namang dahilan para ma-insecure ako, kasi, sila na mismo, sina Buigoy at Laarni, tumatawag pa sa akin ang mga 'yan para humingi ng advice at tips. Lalo na si Bugoy, kasi, bago pa lang siya, marami pa siyang hindi alam. Ipinapaliwanag ko naman.

"Hindi ako nagdaramot sa kanila, kung humihingi sila ng suporta. Sila rin naman, alam kong naa-appreciate nila yung ipinapakita ko sa kanila. Kaya mahirap paniwalaan yung mga isyung kesyo nai-insecure daw ako," natatawa na lang si Yeng.

Kasi naman, wala pa raw bagong hit si Yeng since "Hawak-Kamay." Aminado si Yeng na mahirap ngang pantayan ang unang achievement niya as a singer-composer.

"Pero, okey naman ang pagtanggap ng mga tao sa unang dalawa kong albums," sabi pa niya. "Masaya na ako sa ganoon. Sabi ko nga, I have learned just to enjoy what I'm doing. Ayoko nang magpa-pressure na kailangang may bonggang hit na naman. Naniniwala akong hindi basta naipaplano 'yan.

"Basta ako, gawa lang nang gawa ng kanta. Pasasaan ba't isa sa mga 'yan, lulusot din. So far, masaya ako dahil marai na rin akong nagawang kanta, pero yun nga lang, siyempre, pinakasikat talaga yung 'Hawak-Kamay'.

"Naiintindihan ko rin kung bakit ang mga tao, naghahanap sila ng parang 'Hawak-Kamay' rin, na ganoong klaseng song na mamahalin din nila. Sa second album, na-pressure ako na kailangang maglabas ako ng ganoon.

"Natutunan ko na it's not about your next hit song. Yung kailangan lang ma-enjoy mo lang yung ginagawa mo. Naririto na ako. Naabot ko na ang pangarap kong maging singer, e. Hindi pa ba sapat 'yun? Ganoon na lang ang attitude ko, pero patuloy pa rin akong nagsisikap para magustuhan pa rin ng mga tao ang ginagawa ko," sabi na lang ni Yeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN