Simon Wood releases 12-track debut album


Aside from promoting his self-titled debut album, Simon Wood will also take part in the Viva-produced The Next One: Philippine Tour of Pop Princess Sarah Geronimo.



Twelve years old pa lamang si Simon Wood nang umuwi sila ng Pilipinas ng daddy niyang si Victor Wood at mommy Ophelia Ponce. Now that he's already 20, sinunod din niya ang yapak ng father niya, at siya ang pinakabagong recording artist ng Viva Records.

Ini-launch na si Simon noong May 12 ng Viva Records sa debut album niyang SW Simon Wood sa Annabel's restaurant in Tomas Morato, Quezon City. Kasama niya ang mommy Ophelia niya pero wala ang daddy niya dahil nasa Tagaytay raw. But ayon sa isang source, hindi raw talaga sumama si Victor, gusto nitong ma-focus ang launch sa kanyang anak.

Nang mag-migrate ang daddy niya sa San Francisco, California, doon nito na-meet ang mommy niya. They lived in Hayward, San Francisco, California at dalawa ang kanilang naging anak, si Simon ang eldest at ang sister niyang si Sydney Victoria, 18, is now in London taking-up fashion designing. May care homes daw ang mommy niya roon pero ibinenta nito nang mag-decide ang parents niyang umuwi ng Pilipinas, nagsawa na rin daw ang daddy niya at na-miss na nito ang Pilipinas sa twelve years na nag-stay ito sa U.S.A. Nine daw sila lahat na magkakapatid sa father niya, magkakakilala sila at nasa States din ang mga kapatid niya kaya sila lamang ng daddy at mommy niya ang magkakasama sa bahay nila sa may Antipolo City.

Paano siya napasok sa Viva Records? Daddy ba niya ang nagpakilala sa kanya kay boss Vic del Rosario?

"My mom is doing business with boss Tito Vic and sabi raw niya her son is also singing, baka gusto nitong marinig," kuwento ni Simon na fluent nang mag-Tagalog pero may twang pa rin ang pagsasalita niya. "Yon, pinarinig ko ang song ni daddy na 'Malupit Na Pag-ibig' na sarili niyang composition at iyon din ang napili nila to be my carrier single, ang 'Luluha Ka Rin (a.k.a. Malupit Na Pag-ibig).' I have my own composition in the album, 'Pangarap Ko Natupad Sa 'Yo,' kasi aware ako na gusto ng mga tao ang Tagalog songs."

The other songs in the 12-track album are "Love Will Keep Me Alive," "Everything I Own," "Pangako," "What Am I Living For," "How Can I Tell Her," "Don't Fade Away," "Wonderful Tonight," "Every Breath You Take," "Muntik Nang Maabot Ang Langit" and "Next In Line."

But Simon is no novice to the entertainment industry. A few years back, he enjoyed a brief hosting job in a children's show which aired in seven Asian countries.

"But I realized that my true passion was music," patuloy ni Simon. "I started doing front acts in my dad's concerts. I worked in the recording studio of my dad, composing, arranging and eventually recording my own songs. I learned to play the piano and on my own, I learned to play the guitar. I took up formal voice lesson at UP [University of the Philippines]."

Thankful si Simon to boss Vic del Rosario sa pagsasabi nitong he will be the next big recording artist ng Viva Records at he hopes that he can meet their expectations. Ayaw raw muna niyang mag-artista, gusto niyang mag-concentrate sa singing.

Kumusta ang relasyon niya sa daddy niya at ano ang advice na ibinigay nito sa kanya?

"I love my dad and I developed a real concern for him. I look up to him, I watch all his shows. This album is my tribute to him. His advice to me, just be kind to everyone and always pray before you perform."

To prove kung gaano niya kamahal ang daddy niya, narinig na raw niya lahat ng songs sa 44 albums na ginawa ng daddy niya. Bakit hindi mga songs ng daddy niya ang isinama sa album niya?

"Patikim lang muna iyong "Luluha Ka Rin," natatawang wika ni Simon. "My next album will be a revival of his songs, babaguhin lamang namin ang ilang arrangements."

Biniro ng press si Simon kung kilala ba niya si Madam Auring?

"Madam Auring? Kilala siya ng daddy ko."

Magiging chick boy din ba siya like his dad?

"My dad, mahilig siya sa pretty and sexy girls. Natatawa na lamang ako kapag sakay kami ng kotse, tapos may makikita siyang mga girls sa daan, sasabihin niya, "o, tingnan mo, ang se-sexy nila." Since I'm eighteen, I had four girlfriends, we just broke-up ng fourth girlfriend ko. Sa States, puppy love lamang iyon kasi I'm just 12 years old then."

Alam ba niya na gusto nang ibenta ng daddy niya lahat ng musical compositions nito?

"Yes, pero nagbago na ang isip niya, hindi na niya itutuloy ibenta kasi may worth pa raw pala ang mga compositions at iba pa niyang songs."

To show Viva's confidence sa talent ni Simon, he will soon be launched on ASAP '09. Simon hopes maka-duet daw niya si Sarah (Geronimo) na kapwa Viva artist din niya.

He will take part in the Viva-produced The Next One: Philippine Tour ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, sa De La Salle Sentrum, Lipa, Batangas on June 12; Bren Guiao Convention Center, Pampanga on June 20; CSI Stadia, Dagupan on June 26; Limketkai Atrium, Cagayan de Oro City on July 3; St. La Salle Coliseum, Bacolod City on July 17; Waterfront Hotel, Cebu on July 31 and in San Agustim Gym, Iloilo City on August 21.

He will also join the grand promo event "OPM's Best Summer Mall Fest" of Viva Records and Vicor Music at SM North EDSA on May 16.

Nagpasalamat si Victor sa entertainment media na nag-attend sa album launch bago siya nagparinig ng ilang songs from the album at ang carrier single niyang "Luluha Ka Rin (a.k.a. Malupit Na Pag-ibig)."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN