Richard Poon not afraid to experiment with different musical styles


Richard Poon's 12-track double disc album titled For You is now available in major Odyssey and O Music stores, andother major record bars nationwide.



Dumalo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng bagong album ng crooner na si Richard Poon na ginanap sa Eastwood Mall Open Park noong Biyernes, May 15. Ang kanyang special double disc album na For You ay mula sa MCA Universal.


Sa Q&A portion na ginanap bago sumalang si Richard sa kanyang free concert, inamin ng mahusay na crooner na hindi siya takot mag-experiment pagdating sa kanyang musika.


"I am a very adventurous person. I like doing things that many people think hindi ko kaya. I like to my standards with bossa, with R&B music. Maybe in the future, I'd like to try something new," wika niya.


"I got to talk to Jay-R and I told him that for my third album, I'd like to try to mix my ballads with rap and R&B. Hindi ako takot na mag-experiment. Ayoko nang nakakakahon ako. I like working out of the box. And I think okay din naman ang kalalabasan," sabi pa ng crooner na mainstay ng ASAP '09.


Bago pa man ginawa ni Richard ang kanyang For You album, nagkaroon na siya ng series of concerts sa Eastwood City tuwing Martes ng gabi kung saan na-exposed na siya sa iba't-ibang klase ng audience. Sa ganitong mga pagkakataon ay nagkaroon siya ng chance to size up his audience. He could sense already kung ano ang kanilang mga gustong marinig ng mga songs, kung saan sila nage-enjoy.


Sa kanyang mini concert ay kumanta rin Richard ng medley ng mga Tagalog songs tulad ng "Laklak" ng grupong Teeth, "Di Ko Kayang Tanggapin" ni April Boy Regino, "Miss Na Miss Kita" ng Father and Son, just to prove na kaya rin niyang kumanta ng Tagalog songs.


Paraan na rin niya ito upang ipakita sa mga tao na versatile din siya as a singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Inawit din ni Richard ang ilang cuts from his new album like "Complicated" ni Avril Lavigne, "Through the Fire" ni Chaka Khan and at "Close to You" ng The Carpenters kung saan naka-duet niya ang kanyang elder sister.


Ang For You ay follow-up project ni Richard sa kanyang certified Platinum debut album na I'll Take Care of You Platinum Edition.


Kasama sa bago niyang album ang crowd-favorites tulad ng "Kumot at Una," "You and I" at "Kahit Ika'y Panaginip Lang." May modern hits rin tulad ng "Complicated" at "For You"pati na rin classics tulad ng "Close to You," "Blue Moon" at "Portrait of My Love."


Matutuwa rin ang mamimili ng For You album ni Richard Poon dahil mayroon itong minus one version ng lahat ng mga kanta.


Available na ang 12-track album na ito sa major Odyssey at O Music stores, pati na rin sa major record bars nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN