Richard Poon grateful for his God-given musical talent

by Archie de Calma
May 27, 2009
Big band crooner Richard Poon is not afraid of competition; in fact, he welcomes it. "Maganda ang competition, it will make you realize na you can't be too arrogant. Tipong reality check yun," says the male singer.

Marami nang nagsisisulputang gustong tularan o talbugan ang na-establish na style sa pagkanta ni Richard Poon. Dumayo muli kamakailan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Tuesday night performance niya sa Eastwood para hingin ang panig ni Richard sa isyung ito, kasama ang pag-uusisa sa iba pang mga bagay-bagay na napapag-usapan tungkol sa kanya.


"I welcome it, walang problema sa akin," sabi pa niya. "Kaya namang walang pumasok na standards, akala kasi nila, hindi pupuwede.


"For the longest time, ako lang yata ang naglakas ng loob. So, I have proven na puwede pala. Nang makalusot ako, marami natuloy ang nagsusunuran.

"I welcome that, kasi, naniniwala ako na immortal ang standards. Pero, gusto ko rin siyempre ng makabagong pop song. But, standards, they are here to stay.

"Yung ganda ng standards, it would outlive all the fads now. Given another thirty more years, buhay pa rin ang standards," tuloy-tuloy na sabi pa ni Richard.

Continue reading below ↓

The crooner has hit the jackpot. Nag-double platinum ang I'll Take Care of You album niya, at sinundan na ito nang kaka-release lang na For You. Nananatiling ganoon pa rin ang estilong nagustuhan ng publiko sa kanya.

"Maganda ang melody kasi ng standards, kahit walang piano. I welcome younger people to get into standards," dugtong pa ni Richard.

Mas maraming bata raw ang pumasok sa estilong yun, nas marami rin silang maiimpluwensiyahan. "Marami ang makaka-realize na puwede ring ma-appreciate ng mga bata ang standards. Hindi pala pang-matanda lang.

"Ako naman, I like competition. Personally, I will never know how good I am until you compete with somebody very new.

"Sometimes kasi, mayabang ako, parang feeling ko, okay na ako. Then, somebody strong comes along. Kaya maganda ang competition, it will make you realize na you can't be too arrogant. Tipong reality check yun.

"The only way to know how good you are is, kung magagaling ang mga kalaban mo. Gusto ko ‘yan. I love competition. Maganda sa industry, okay para sa akin," sabi pa niya.

Continue reading below ↓


What is amazing about this crooner is his talent on giving new songs standard arrangements. Pati old songs, parang nagagawa rin niyang bago.

"It's a God-given gift," sabi ni Richard. "Bata pa lang ako, I never understood, while listening to the radio of my mom, pinipihit mo yung bilog na may sinulid para mabago yung station.

"I would listen to 88.3 for jazz, 89.9 for pop, 96.3 for lite rock, go to 98.7 for classical, go to NU 107 for rock... lahat ‘yan, pinapakinggan ko.

"Hirap kasi ako, walang nakakaintindi talaga sa kung ano ang gusto ko sa music. Nakakaramdam ako ng saya kapag nakakapakinig ako ng naiibang arrangements," lahad pa niya.

"Yung iba kasi, isang genre lang ang pinagkakainteresan. May kilig sa kanya ang iba't ibang klaseng musika. Hindi ko naiintindihan. Ngayon ko lang masasabing God-given yun. Yun ang gift ko, kaya madali akong nakaka-shift to salsa, switch to bossa, I can even play rock on guitar.

Continue reading below ↓
"I can turn to big band, kasi I listen to jazz. I can take a jazz song and turn it into bossa. puwede akong mag-multi-genres dahil sa napapakinggan ko," sabi pa ng male singer.


Hindi nga niya hiningi ang talentong ito pero ibinigay pa rin ng Diyos sa kanya.
Read Next
Read More Stories About
richard poon, music, album
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Big band crooner Richard Poon is not afraid of competition; in fact, he welcomes it. "Maganda ang competition, it will make you realize na you can't be too arrogant. Tipong reality check yun," says the male singer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results