Revelation band launches debut album titled Amor y Sueno


Revelation, a band that originated from Zamboanga, will have performances on June 14 and June 17. Their debut album Amor y Sueno is already available in record bars. It is composed of (from left) siblings Isaac, Shalmai, Jimboy and Nuel Calisang.



"Naisip namin na bumuo ng banda at tawagin itong Revelation para maipakita namin ang aming talent. Let's do something to reveal ourselves," pahayag ng vocalist/keyboardist ng Revelation na si Jimboy Calisang nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng kanilang debut album na ginawa sa Ratsky Tomas Morato noong Friday, June 5.

Mga bata pa sila ay mahilig na talaga ang magkakapatid na sina Jimboy, Shalmai, Nuel at Isaac sa musika. In fact, naging miyembro silang lahat ng isang gospel choir noong maliit pa sila. Kaya naman nang sila'y lumaki na, hindi na naging sorpresa na mas lalo pang tumindi ang hilig nila sa pagkanta kahit na iba't-ibang uri ng music ang type ng bawat isa.

"Kumpleto na kasi kami: may drummer, bass player, soloist and pianist. Bago pa nabuo ang banda, kumakanta-kanta na talaga ako. Tapos ang isang brother ko drummer, ang sister ko kumakanta rin. Pero magkakaiba ang type namin sa music," kuwento pa ni Jimboy.

"When we formed ourselves into a band, nabuo ang kagustuhan namin to do our own kind of music. Kaya ang album namin ay fusion kasi mahilig kami sa iba't-ibang type ng music. Mahirap kami talaga pagsamahin sa isang genre lang kaya nag-fusion kami and it's very exciting kasi nakapag-explore kami ng iba't-ibang levels ng aming musicality."

"Multi-dimensional level ang ini-explore namin pagdating sa music. It's like a breakthrough. Exciting ang fusion saka we would like to bridge the gap. Pag sinabi na ako rap, ito rock lang, parang may variant tuloy. Kaya nga let's unite and do fusion ng music. And we found it's even better pero may limitation pa rin naman in certain ways," kuwento pa ni Jimboy.

Five years ago ay pinangarap na nila na makapag-record sila ng album. Nang maimbitahan silang mag-compete sa 2007 World Championship of the Performing Arts, lao silang naging inspirado to pursue their dream na makapag-recording. "We waited for quite a long time pero it was worth the wait. Lahat ng songs namin sa album ay original material at mapapakinggan mo ang fusion sa bawat kanta. At ang bawat kanta may kuwento," sabi pa ng vocalist ng Revelation Band.

DEBUT ALBUM. Isa pang kakaiba sa 12-track debut album nila ay ang pag-include nila ng isang Chabacano song sa line-up. Gusto nilang i-highlight ang pagiging natives nila of Zamboanga kaya ang paglalagay nila ng Amor y Sueno ay pagkilala sa kanilang pinagmulang bayan.

"Amor y Sueno [ang pangalan ng album]. Ibig sabihin ng sueno ay dream so never leave your dream. Keep on dreaming until you fulfill your dream," pahayag pa ng soloist ng Revelation Band na malapit nang magtapos ng kanyang Masters Degree in Music (Major Voice) mula sa UP Diliman.

Ang sister niyang si Shalmai ay nagtapos ng Midwifery, si Isaac ay isang registered nurse samantalang si Nuel ay nag-graduate with a bachelor's degree in Marine Transportation.

Tatlong kanta ang kanilang inawit sa during the album launch: "Ikaw," ang carrier single ng album na isang bouncy tune na sinulat nina Jimboy, Shalmai, Marlon at Andrew Guevera, gayundin ang "Amor," at "Sueno."

Nakapag-guest na sila sa mga shows nina Jed Madela at Diether Ocampo. Sa ngayon ay busy ang Revelation band sa promo ng kanilang album and they are looking forward na magkaroon muli ng isang solo show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Revelation, ang iba pang mga singers na mula sa Zamboanga ay sina Buddy Zabala ng Eraserheads/The Dawnat Bossa Nova Queen Sitti Navarro.


Mapapanood ang Revelation sa Sta. Lucia Mall, Cainta, Rizal on June 14 at sa Ormoc City onJune 17. For booking inquiries,call STAGES at 818-1111 loc. 225 or 0917-8822838.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN