Pinoy Pop Superstar's Brenan releases self-titled album


Brenan, the 1st runner-up noon of Pinoy Pop Superstar Season 1, is now busy promoting his self-titled debut album.



Finally, may matatawag na ngang solo album si Brenan, ang 1st runner-up noon sa Pinoy Pop Superstar Season 1. Sa naturang reality talent show ng GMA-7, si Jonalyn Viray ang kinilala bilang winner.

May ilang taon na naging regular sa SOP si Brenan and it was only late last year nang mawala na raw siya sa naturang variety show.

But for Brenan, it even became a blessing na nang mawala raw kasi siya sa SOP, ‘yon naman ang time na kinuha siya ng Bellhaus Entertainment at pinapirma ng kontrata. Last week nga ay na-launch na sa Hard Rock ang kanyang self-titled album.

"Sa ngayon, wala po ako sa SOP. Yun nga po, nagkaroon ng mga bagong production number, before they transferred to the new studio, it so happened that our production number was removed at parang ni-repackage ang ibang artist for other number."

Pero dugtong din niya, "If I'm still there, I wouldn't have met Bellhaus. Siguro ngayon wala akong solo album. Wala yung ganitong Brenan ngayon. Kumbaga, marami rin akong natutunan from the show. But coming out from the show and immersing my show into bar gigs, yung environment sa labas at sa mga tunay na musikero, kumbaga, talagang na-open ang mind ko na marami rin akong na-experience na hindi ko mae-experience kung nandoon pa rin ako."

Does he feel na parang hindi talaga siya nabigyan ng tamang break after Pinoy Pop Superstar?

"Not really, yung GMA Records, yung dati kong label, nag-push naman sila sa amin after ng contest. At nakagawa kami ng album before at yung single ko, nagamit din sa ilang shows ng GMA-7. Mahirap lang din siguro dahil yung album ko, tatlo kami."

Dumating ba siya sa point na nakaramdam din ng inip dahil parang ang tagal bago siya nagkaroon ng album?

"Actually, siguro, merong time na parang naiinip ako. Pero kumbaga, I just think of the positive side because I know what I can do. I know kung ano ang kaya kong gawin and I know na darating din ang time ko. Kumbaga, nandiyan na ang opportunity na meron akong TV exposure.

"Kumbaga, may recall na rin ako sa tao. I just keep on pushing and finding ways kung saan ako ili-lead na chance to show what I got."

Katwiran din niya, "I believe, everything happens for a reason. Yung mismong pagsali ko sa contest, talagang hindi siya basta-basta sumali lang ako. Before, I used to be a worship leader sa church namin."

R&B ang type of music niya, ito talaga ang sa tingin niya forte niya?

"Actually, hindi naman ako hard core R&B sa pakikinig sa music or sa listening ko. Pero it so happened na noong bata ako, narinig ko sina James Ingram at doon ako na-inspire. And my dad taught me how to sing when I was four.

"At yung mga kinakanta ko noon, Matt Monroe, Nat King Cole, Elvis. Regine Velasquez, Whitney Houston. Siyempre, yung range ko noon is high pa. Noong lumalaki na ko, siguro around 6, doon ako nag-start."

Ayon kay Brenan, ang daddy raw niya was part of combo before hanggang sa mag-solo rin.

For others na mas kilala siya sa tunay na pangalan, ang surname niya ay Espartinez, but they opted not to use it anymore at Brenan na lang daw dahil mas madaling tandaan.

For Brenan's first solo album, he has 8 original tracks, including his first single, "Di Nagpaalam," na siyang ginagamit na theme song ngayon for the Koreanovela Chil Princesses and one revival song, ang "Forevermore" ng Side A Band.

Although being managed by Bellhaus Entertainment, co-management pa rin daw ang mga ito with Artist Center . And now that he finally has an album, ang next goal naman daw niya ay ang makapagsulat na rin ng sarili niyang kanta.

"As of now, I am honing my writing skill for my next album po siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN