Gretchen Espina explains her year-long absence


Gretchen Espina showed off her hour-glass figure during the 59th anniversary celebration of GMA-7. The Pinoy Idol winner lost 24 pounds during her year-long hiatus from showbiz.



It's been a year since Pinoy Idol premiered on GMA-7 on June 28, 2008. Recently na lang muli nasilayan ang beauty ng grand prize winner na si Gretchen Espina na matagal din nawala sa eksena matapos siyang magwagi sa naturang reality talent search.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gretchen sa Master Showman Presents noong Sabado, June 27, ipinahayag ng Pinoy Idol winner na nagpahinga muna siya at nagpagaling matapos ang kanyang triumph sa contest last year.


"I was advised by GMA management na magpahinga muna kasi during the time of the contest, nagkasakit ako, I developed nodules sa aking throat during that time. Ang advise nga ng doctor ko that time ay mag-stop muna ako sa pagkanta but how can I do that when I was in the middle of a contest. Itinuloy ko na lang kasi mahirap naman tumigil. Kaya kahit na medyo paos ang boses ko, I went on sa contest," says Gretchen, who now boasts of an hour-glass figure after losing weight.

"GMA wanted me to rest. Parang they were experimenting na instead of launching me after I won, pinaghintay muna nila ako ng isang taon, to prepare for a career in showbiz. Usually kasi ang ginagawa pag nanalo, isinasalang kaagad tapos after six months, wala na. GMA wanted na once I go out, dire-diretso na ang career ko."


Pati ang kanyang hair color ay iniba ni Gretchen while she was out of circulation. Ipinagpatuloy muna niya ang kanyang pag-aaral ng kursong European Studies, major in Spanish sa UP Diliman. Nakatakda siyang mag-graduate next semester.


Naging busy siya sa recording ng kanyang debut album under BMG Records. Nakatakda na siyang mag-pictorial para sa kanyang album cover on Wednesday, July 1. Pero labas na sa airwaves ang kanyang debut single titled "Kasalanan Nga Ba?"


Didn't she feel bad sa naging move ng GMA-7 na pinagpahinga muna siya. Umani tuloy siya ng mga batikos at negative feedback dahil sa halip na ilunsad ang kanyang career ay pinagpahinga muna siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"May tiwala naman ako sa GMA. As an artist, may kontrata ako with them. Sila ang mas nakakaalam kung ano ang dapat gawin sa career. In a way, they are plotting the course of my career. Ito na talaga ang start. When they launched me sa 59th anniversary ng GMA-7, sabi nila sa akin dapat dire-diretso na ito. Full blast na ang career," wika niya.


"Kung siguro if GMA didn't explain to me kung bakit kailangan akong maghintay ng one year bago ako mai-launch, I would have felt bad. But the thing was, may iba naman akong ginagawa like I recorded my album. May mga trabaho rin naman sila na ibinibigay sa akin at kumikita naman ako so okay lang po."


Aware din si Gretchen sa intriga na nanalo nga siya as Pinoy Idol pero natengga naman ang kanyang career. In fact, naglunsad na nga ng bagong search—Are You The Next Big Star—hindi pa man nagte-take off ang career ni Gretchen.


"Marami ngang nagtatanong sa akin kung ano na ang nangyari sa akin? May plano raw ba ang GMA-7 for me? Okay naman sa akin kasi like they launched new show. Sana ‘yung mga makukuha nila ngayon ay may potential talaga. Okay naman sa akin. Hindi naman ako nainip na matagal ako naghintay. Sabi nga nila, patience is a virtue. Kailangan sa industriyang ito, patience. Sabi ni Direk Louie [Ignacio] sa akin, maghintay lang ako. Hindi naman ibig sabihin komo nakapasok ka na, ganoon kabilis mo rin mararating ang narating mga big stars na. Kailangan matuto ka rin maghintay, magpakumbaba at mag-aral," pahayag pa ni Gretchen.


Now that you are back at magsisimulang muli, ano naman ang nararamdaman mo?


"Pakiramdam ko para akong rubber band na hinigit para pag ini-release mo ay talagang aarangkada. This is it. Given na ang tagal kong naghintay. Nag-training ako vocally. Kumuha rin ako ng dance lessons kasi feeling ko hindi ako magaling magsayaw. Kailangan pag-aralan ko talaga para kung may ibigay sa akin na project, alam ko na kung ano ang gagawin ko," kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Okay na rin ang condition ng kanyang throat. Isang buwan daw siyang hindi nagsasalita to preserve her voice, unlike noong finals ng Pinoy Idol na dumudugo raw sa loob ng kanyang throat.


"Kahit na sinasabi ng mother ko noon na tumigil na ako sa contest kasi delikado pero sayang suporta ng mga tao. Kung titigil ako, sabi ko kawawa naman sila na sumusuporta sa akin."


What can the viewers expect sa pagbabalik ni Gretchen Espina?


"Expect a different Gretchen. Expect someone who is improving or has improved sa aking craft. Expect also a more sexier Gretchen kasi 24 lbs ang nawala sa akin. Nag-diet talaga. Nang pinanood ko uli ang nga videos ng Pinoy Idol, napansin ko na mataba ako. Parang feeling ko dati, hindi naman ako mataba pero when I saw the videos, I realized mataba pala ako. Kaya nagpapayat ako.


"Ngayon siguro mas mapapakita ko ang passion ko sa singing. Wala nang gaanong pressure. Pag walang pressure kasi mas magandang pakinggan. Mas vocal sa puso. Mas excited ako kasi matagal akong nawala at naghintay. Dahil binuksan na nila ang door, this is it," pagwawakas ng ng first Pinoy Idol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN