It's been a year since Pinoy Idol premiered on GMA-7 on June 28, 2008. Recently na lang muli nasilayan ang beauty ng grand prize winner na si Gretchen Espina na matagal din nawala sa eksena matapos siyang magwagi sa naturang reality talent search.
Sa panayam ng PEP (Philippine
Entertainment Portal) kay Gretchen sa Master Showman Presents noong
Sabado, June 27, ipinahayag ng Pinoy Idol winner na nagpahinga muna
siya at nagpagaling matapos ang kanyang triumph sa contest last year.
"I was advised by GMA management
na magpahinga muna kasi during the time of the contest, nagkasakit ako,
I developed nodules sa aking throat during that time. Ang advise nga
ng doctor ko that time ay mag-stop muna ako sa pagkanta but how can
I do that when I was in the middle of a contest. Itinuloy ko na lang
kasi mahirap naman tumigil. Kaya kahit na medyo paos ang boses ko, I
went on sa contest," says Gretchen, who now boasts of an hour-glass figure after losing weight.
"GMA wanted me to rest. Parang
they were experimenting na instead of launching me after I won, pinaghintay
muna nila ako ng isang taon, to prepare for a career in showbiz. Usually
kasi ang ginagawa pag nanalo, isinasalang kaagad tapos after six months,
wala na. GMA wanted na once I go out, dire-diretso na ang career ko."
Pati ang kanyang hair color
ay iniba ni Gretchen while she was out of circulation. Ipinagpatuloy
muna niya ang kanyang pag-aaral ng kursong European Studies, major in
Spanish sa UP Diliman. Nakatakda siyang mag-graduate next semester.
Naging busy siya sa recording
ng kanyang debut album under BMG Records. Nakatakda na siyang mag-pictorial
para sa kanyang album cover on Wednesday, July 1. Pero labas na sa airwaves ang
kanyang debut single titled "Kasalanan Nga Ba?"
Didn't she feel bad sa naging
move ng GMA-7 na pinagpahinga muna siya. Umani
tuloy siya ng mga batikos at negative feedback dahil sa halip na ilunsad
ang kanyang career ay pinagpahinga muna siya.
"May tiwala naman ako sa
GMA. As an artist, may kontrata ako with them. Sila ang mas nakakaalam
kung ano ang dapat gawin sa career. In a way, they are plotting the
course of my career. Ito na talaga ang start. When they launched me
sa 59th anniversary ng GMA-7, sabi nila sa akin dapat dire-diretso
na ito. Full blast na ang career," wika niya.
"Kung siguro if GMA didn't
explain to me kung bakit kailangan akong maghintay ng one year bago
ako mai-launch, I would have felt bad. But the thing was, may iba naman
akong ginagawa like I recorded my album. May mga trabaho rin naman sila
na ibinibigay sa akin at kumikita naman ako so okay lang po."
Aware din si Gretchen sa intriga
na nanalo nga siya as Pinoy Idol pero natengga naman ang kanyang career.
In fact, naglunsad na nga ng bagong search—Are You The Next Big
Star—hindi pa man nagte-take off ang career ni Gretchen.
"Marami ngang nagtatanong
sa akin kung ano na ang nangyari sa akin? May plano raw ba ang GMA-7
for me? Okay naman sa akin kasi like they launched new show. Sana ‘yung
mga makukuha nila ngayon ay may potential talaga. Okay naman sa akin.
Hindi naman ako nainip na matagal ako naghintay. Sabi nga nila, patience
is a virtue. Kailangan sa industriyang ito, patience. Sabi ni Direk
Louie [Ignacio] sa akin, maghintay lang ako. Hindi naman ibig sabihin
komo nakapasok ka na, ganoon kabilis mo rin mararating ang narating
mga big stars na. Kailangan matuto ka rin maghintay, magpakumbaba at
mag-aral," pahayag pa ni Gretchen.
Now that you are back at magsisimulang
muli, ano naman ang nararamdaman mo?
"Pakiramdam ko para akong
rubber band na hinigit para pag ini-release mo ay talagang aarangkada.
This is it. Given na ang tagal kong naghintay. Nag-training ako vocally.
Kumuha rin ako ng dance lessons kasi feeling ko hindi ako magaling magsayaw.
Kailangan pag-aralan ko talaga para kung may ibigay sa akin na project,
alam ko na kung ano ang gagawin ko," kuwento pa niya.
Okay na rin ang condition ng
kanyang throat. Isang buwan daw siyang hindi nagsasalita to preserve
her voice, unlike noong finals ng Pinoy Idol na dumudugo raw sa loob
ng kanyang throat.
"Kahit na sinasabi ng mother
ko noon na tumigil na ako sa contest kasi delikado pero sayang suporta
ng mga tao. Kung titigil ako, sabi ko kawawa naman sila na sumusuporta
sa akin."
What can the viewers expect
sa pagbabalik ni Gretchen Espina?
"Expect a different Gretchen.
Expect someone who is improving or has improved sa aking craft. Expect
also a more sexier Gretchen kasi 24 lbs ang nawala sa akin. Nag-diet
talaga. Nang pinanood ko uli ang nga videos ng Pinoy Idol, napansin
ko na mataba ako. Parang feeling ko dati, hindi naman ako mataba pero
when I saw the videos, I realized mataba pala ako. Kaya nagpapayat
ako.
"Ngayon siguro mas mapapakita
ko ang passion ko sa singing. Wala nang gaanong pressure. Pag walang
pressure kasi mas magandang pakinggan. Mas vocal sa puso. Mas excited
ako kasi matagal akong nawala at naghintay. Dahil binuksan na nila ang
door, this is it," pagwawakas ng ng first Pinoy Idol.