Dingdong Dantes was inspired to do an album because of Marian Rivera


Dingdong Dantes says that the term "girlfriend" is too shallow to refer to his deep relationship with Marian Rivera (inset). The matinee idol is currently promoting his debut album The Dingdong Dantes Experience.


Busy ngayon si Dingdong Dantes sa pagpo-promote ng kanyang kauna-unahang album, ang The Dingdong Dantes Experience kunsaan, apat na music videos ang mapapanood na ginawa ni Dingdong dito. Bukod dito, may kasama pa itong mini-scrapbook of pictures niya na maaaring makuha sa special edition copy ng album.

Noong Linggo, July 19, officially ni-release ang naturang album under Universal Records at bukod sa SOP, personal din ngang nag-promote si Dingdong sa Showbiz Central.

Ayon kay Dingdong, "Ako, I'm very happy that the Universal came up with the idea and in fact, they presented to me an opportunity na lalong mag-enjoy ang mga fans. And through this album, ito ay compilation ng paggawa ko ng four music video. So, itong experience na ginawa ko sa pagsu-shoot ng music videos na ito, na never kong inisip na magiging part ako ng music.

"Dati kasi, nanoood lang ako at nagtatanong, kailan kaya ako magiging part eng music video? Now, I was given the chance and through this album, I would like to share the experience sa mga gustong bumili."

Si John Lapus ang nag-interview kay Dingdong at ang tanong nga niya rito ay kung ano raw ang pakiramdam na dati, part lang siya ng isang dance group, pero ngayon, heto na raw ito ngayon. How does it feel to be dancing in almost all of the music videos?

"Siyempre, maganda rin paminsan-minsan na tatanggalin ang kalawang sa pagsasayaw. So, through this album, ‘yung ni-launched kanina sa SOP, there's a small part there na pinasayaw nila ‘ko. Masaya naman."

Ayon kay Sweet, multimedia star raw ang actor dahil may movie, may soap opera at ngayon naman, may album. Si Marian din daw ay naglabas rin ng kanyang dance album.

Natawa si Dingdong sa tanong ni Sweet kung more or less daw ba, si Marian ang nag-influence sa kanya to do an album?

"Well, siyempre isa sa mga...oo naman. Siyempre, malaking inspirasyon talaga dahil nabuhay ang mga kabataan dahil sa kanya."

Sa huling interview raw ni Dingdong, nasabi niyang si Marian ay importante pa sa importante. Ano raw ang ibig niyang sabihin du'n?

"Well, kasi you know...words can only mean so much. Kahit ano pang description ang ilagay natin, kahit ano pang adjectives, walang tamang salita ang makakapag-describe para sa kanya. So, philosophically, puwede mong sabihin na mas importante pa sa salitang importante."

Ani Sweet, tutulungan na raw niya si Dingdong at "girlfriend." Puwede na nga bang matawag na girlfriend?

"Parang mababaw, e...gusto kong gumawa ng sariling term, pero, hindi ko pa naiisip, e."

Sa August 2 ay birthday na ni Dingdong, paano siya magse-celebrate nito?

"Sa ngayon wala pa but I'm planning something on August also. Two major things na ilo-launch ko sa August, so, abangan na lang nila yun."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN