The Dingdong Dantes Experience reaches Gold just one week after release


"Sa totoo lang, hindi ko talaga ine-expect yun. Although, siyempre, kahit sino naman ang gumawa ng album would want or would wish na sana maka-Gold Record. So, sa pangyayaring yun, mas binigyan ako ng guarantee na marami palang taong naniniwala sa akin," says Dingdong Dantes.


Exactly one week after its release, nakatanggap na ng Gold Record Award ang album ni Dingdong Dantes, The Dingdong Dantes Experience, as certified by Philippine Association of the Record Industry, Inc. (PARI).

Noong July 26, sa SOP ay iginawad kay Dingdong ang kanyang Gold Record Award ng mismong producer ng album na si Kathleen Dy-Go ng Universal Records. Kung matatandaan, isang linggo bago ang pagtanggap ng aktor ng Gold Record Award ay ni-launch niya sa SOP ang kanyang album.

First attempt ni Dingdong na magkaroon ng album. At the same time, first of its kind din na mag-produce ng katulad ng ginawa niyang MTV album sa Pilipinas, kaya malaking bagay na sa maikling panahon na umabot na ito agad sa Gold.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong pagkatapos ng awarding, tila hindi pa rin makapaniwala ang aktor na nakakuha na siya ng Gold Record Award.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga ine-expect yun," sabi ni Dingdong. "Although, siyempre, kahit sino naman ang gumawa ng album would want or would wish na sana maka-Gold Record. So, sa pangyayaring yun, mas binigyan ako ng guarantee na marami palang taong naniniwala sa akin.

"So, para sa akin, mas dapat lang na maging careful ako sa lahat ng ginagawa ko at hindi ako yung gagawa ng bagay na kung anu-ano lang. Kailangan na I always make sure na hindi ko masisira yung tiwala nila sa akin."

For a first time artist to venture into recording, sinabi namin sa kanyang nadaig niya pa ang veteran recording artists. Pero isang bagay ito na kinontra agad ni Dingdong.

"No, I don't like to put it that way," aniya. "Dito kasi sa ginawa kong ito, ayokong i-equate or i-compare man lang ang sarili ko sa mga totoong recording artists. In the first place, in this project, hindi naman ako nag-recording. Yung mga kanta rito ay hindi ko naman isinulat. Ginampanan ko lang sa pagitan ng pag-portray sa MTV and created a DVD that will entertain people. I have high respect for our recording artists and I know that I cannot be like them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naunang ini-release ng Universal Records ang CD-DVD copies ng The Dingdong Dantes Experience. Ngayong linggo naman ay ire-release ang Book+DVD-CD nito. So, if ever, can we expect a Platinum Record award for his album?

"No expectation naman," sagot ni Dingdong. "Basta ang importante sa akin, makita nila ang DVD. Para sa akin, yun ang makakapagsabi ng experience na tinutukoy ko sa album, at nandoon din ang mga pictures at yung book ay puwede niyang gawing journal nila."

Sa ngayon, nagpapasalamat si Dingdong sa mga sumuporta na at sa nagpaplano pang sumuporta.

Posible kayang magkaroon ng Part 2 ang album?

"Well, 'yang mga bagay na 'yan, naniniwala akong ang Universal Records na ang makakasagot. Sa ngayon, mas maganda sigurong i-enjoy muna natin ang anumang experience meron sa album na ito," ani Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN