The VOIZboys will hold its first concert on August 8


The VOIZboys composed of (from left) Ronnie Liang, Nico Antonio, Jay-R Siaboc, and Guji Lorenzana will have their first concert at the Metro Comedy Bar on August 8, 2009.


Simula nang magkaroon na ng segment na grupo-grupo ang mga nagpo-production number sa Sunday variety show na ASAP '09 ng ABS-CBN, nabuo rin dito last March ang quartet na composed nina Ronnie Liang, Nico Antonio, Jay-R Siaboc at Guji Lorenzana.

Hanggang sa tinawag na nga ang grupo nila as VOIZboys at napapanood sa "Full Circle" segment ng ASAP '09.

Nakitaan na agad ng potential ang grupo nilang apat dahil sa magandang response raw kaagad ng televiewers sa kanila. Even sa TFC ay positive ang feedback sa VOIZboys.

Kaya kahit masasabing may mga solo career na ang mga lalaking ito, they were specifically chosen by Mr. Johnny Manahan of Star Magic to complete the group. Si Ronnie ay maglalabas na ng kanyang second album, gayundin with Jay-R. Si Guji naman ay nagsisimulang makilala dahil sa kanyang acting at singing samantalang si Nico ay nahanay naman sa mga independently produced films.

Nico is more suited to the ballads genre while Guji and Jay-R have a preference for rock at si Ronnie naman for pop. At kung may maganda nga raw sa apat, their music can complement each other.

This coming August 8, sa Metro Comedy Bar sa West Avenue unang silang ilo-launch through their first major concert titled The VOIZboys.

Nang makausap sila ng press, lahat sila ay excited sa event dahil hindi raw nila inakalang aabot sila sa ganito. May mga iba pang plano sa group nila and they are all hoping na sana nga raw, makagawa rin sila ng kanilang album.

Magiging special guest ng VOIZboys si Pokwang with Arpie and the Multivitamins bands.

Tickets are priced at P1,000 and P500 at mabibili sa Ticketnet. Puwede rin tumawag sa 347-7505 o 412-6514 for inquiries.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN