Myrus says that Claire dela Fuente likes his revival of "Sayang"


Myrus was honored to be nominated for the Solo R&B category of the Philippine Radio Music Award. He is currently promoting his latest album Love Cycle, Repackaged.


Sa kabila ng pagiging baguhan pa lang sa music industry, lumilikha na rin ng ingay ang pangalan ni Myrus. Una siyang nakilala sa kanta niyang "Laging Ikaw" na naging theme song sa Tinderella episode ng Daisy Siete. Ngayon naman ay bukambibig at gumagawa na ng ingay ang revival niyang kantang "Sayang" na unang pinasikat ni Claire dela Fuente.

May bali-balita pa na dahil sa pagre-revive ni Myrus ng nasabing kanta, nagalit daw ang betaranang singer kay Myrus.

"May nakarating nga sa amin na parang di nga raw niya nagustuhan yung pagkaka-revive ko, medyo na-discourage ako ng kaunti pero okay naman pala, nagka-usap kami ni Ms. Claire.

"Nag-usap kami sa facebook, ‘yong road manager ko ang nagsabi sa akin na i-add ko raw si Tita Claire sa facebook ko, inadd ko naman siya. Dun na kami nag-usap hangang sa kinuha niya ang number ko, tinawagan niya ako, tapos tumawag din siya sa manager ko, kay Sir Cris Cahilig.

"According to Tita Claire, close to the original version daw ‘yong revival ko ng 'Sayang.' Kumbaga di siya niliko ng sobra to the point na nakakainis na siyang pakinggan so okay naman sa kanya ‘yung revival ko ng song niya. Okay na okay sa kanya."

Aminado si Myrus na nandun ang sobra-sobrang kaba nung nire-revive niya ang "Sayang."

"Sa totoo lang, lahat naman ng artist, ‘yon ang ikinakatakot nila. Siyempre kailangan pag nag-revive ka ng kanta sana matapatan mo ‘ypng original o mas maganda pa. Happy naman ako sa kinalabasan ng 'Sayang' coz even si Ms. Claire, gusto niya ‘yong kanta. Medyo sa bagay na ‘yon, okay na ako, nawala na yung kaba ko. Nung una kasi kabadong-kabado, 'ano ang gagawin ko? tama ba ang ginawa ko? Baka di niya magustuhan? Baka magalit siya or baka ‘yung mga tao di magustuhan ‘yung kanta.' Pero okay naman pala."

Ikinuwento sa amin ni Myrus na gusto nga raw ni Ms. Claire na pag ni-launch niya ang nasabing kanta on TV ay mag-duet silang dalawa. Ang maganda, kahit di pa sila personal na nagkikita ng singer, may nabuo na ring friendship sa kanilang dalawa.

"Actually pinag-uusapan nga namin yun sabi niya sa akin dapat daw may drama yung launching namin pareho. Siyempre siya ang mauuna kasi siya yung original tapos saka ako papasok. Ngayon pa lang ay excited na siya.

"Di pa kami nagkikita ng personal pero sobrang bait niya sa akin. Nung sinabi ko sa kanya na sana sa launching ko nandun siya, nagpaalam siya right away kay Boss Vic kung puwede nga raw siyang pumunta sa launching ko."

Sa ngayon ay mainit rin ang pagtanggap ng tao sa album niyang Love Cycle, Repackaged.

"Okay naman yung Love Cycle, ‘yung ini-release namin this August repackaged version ng Love Cycle. Dinagdag namin yung 'Sayang' tapos yung collaboration song namin ng Dice and K9, yung 'Kaya Mo Pala.' Mga original songs yun, nandun ‘yung Ikaw Na Lang, Bakit Di Ko Nasabi? Loving You, Laging Ikaw and Puwede Ba?"

Tulad ng ibang mga singers, fulfillment para kay Myrus pag naririnig niya na on air ang mga kanta niya.

"Masaya talaga, iba yung pakiramdam mo. Naisip ko kung paano ko siya na-record tapos hayan lumabas na yung kanta. Ang masaya pa nun pag naririnig mo na marami ang sumasabay, masaya yun kasi ang ibig sabihin, na-appreciate nila at may hook yung kanta kasi nakakanta nila. Kumbaga may recall sa kanila."

Last May nga ay na-nominate si Myrus sa Philippine Radio Music Award for Solo R&B along with Jaya and Jay-ar. Hindi man nanalo, masaya na ang baguhang singer na nahanay siya sa mga hinahangaang singers.

"Bago lang yun, I was nominated in the Solo R&B category, ma-nominate lang okay na. Nandun sila Jaya, sila Jay-r na hinahangaan ko. As a new artist, ang saya-saya ng pakiramdam na kahit papaano napapansin ako. Malaking karangalan para sa akin yun," pagtatapos ni Myrus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN