Myrus will join Lea Salonga in charity concert, November 30


Sony Music artist Myrus (in photo) will finally have the chance to perform with Lea Salonga as they topbill the Echoes of Dreams Charity Concert to be held on November 30 at the Araneta Coliseum.


Dream come true para sa baguhang recording artist ng Sony Music na si Myrus ang makasama ang nag-iisang Lea Salonga. Mangyayari na ito sa isang charity concert na gaganapin sa Big Dome sa darating na Nobyembre 30.

Ngayon pa lang ay gusto nang paghandaan ni Myrus ang kanilang pagsasama sa Echoes of Dreams Charity Concert sa Araneta Coliseum na inorganisa ng Center for Arts Foundation sa pakikipagtulungan sa iba pang mga non-government organizations.

"Di ako makapaniwala nung unang binalita sa akin that I'll be working with Ms. Lea Salonga. It's a dream come true talaga. She's one of the most respected singers here and abroad," sabi ni Myrus.

"Echoes of Dreams is an inspiring and noble project na dapat nating suportahan. Marami itong matutulungang mga nangangailanangan at makapagbibigay rin ito ng daan para sa ibang mga baguhang artists kagaya ko na maipakita ang kanilang galing sa musika," dagdag nya.

Parehong nasa bakuran ng Sony Music ang dalawang singers. Ang international label ang naglabas ng debut album ni Myrus na pinamagatang Love Cycle at ang repackaged version nito na nagtataglay ng pinasikat niyang cover ng orihinal na kanta ni Claire dela Fuente, ang "Sayang."

Kasalukuyang pinpatugtog ang "Sayang" sa mga FM stations di lang dito sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsya gaya ng Cebu, Davao, Naga, Dagupan, Iliolo at Bacolod. Kahit lalaki pa si Myrus, mas mataas pa ang tuno nito kaysa sa orihinal na version ni Claire.

"Happy ako sa pagtanggkilik ng mga tao sa ‘Sayang.' Sana bumili sila ng album ko para marinig nila ang iba't ibang istilo ko sa pag-awit," wika ni Myrus.

Dahil sa hit ang "Sayang," binigyan si Myrus ng 18 album promo shows ng SM Supermalls simula noong Agosto hanggang Nobyembre.

Hinihintay na lamang ni Myrus ang kanyang big break sa telebisyon. Di naman malayong mapansin sya ng ABS-CBN o GMA 7 lalo na't very talented siya, may stage presence, at malakas ang appeal sa masa.

"I think dream naman ng lahat ng singer na makasama sa isang variety show on TV. I hope I get that chance sooner," hirit ni Myrus.

Alaga si Myrus ng Chris Cahilig Consultancy (with Tel. Nos. 706-3373, 3830171 and mobile number 0921-4446914.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN