Miki Hahn releases second album titled Intimately Acoustic


Miki Hahn's 14-track album titled Intimately Acoustic is now available in record bars. This is the 20-year-old's second album under Viva Records.


Si Miki Hahn ay binigyan ng parangal ng 21st Aliw Awards for the Best Performance by a New Female Recording Artist dahil sa debut album niyang That Vibe.

Ginawa ang album under Viva Records nang 18 years old pa lang ang magandang dalaga, na ang buong pangalan ay Micaela Miriam Leticia Campa Hahn. Ang kanyang ama ay half-German at ang kanyang ina ay half-Spanish.

Hindi man masyadong na-promote ang kanyang first album, hindi nawalan ng pag-asa si Miki na muli siyang mabibigyan ng pagkakataon to have another album. Sabi nga niya, "I wasn't disappointed, the songs just weren't me. I was given the songs and told to sing them."

At tama nga, at the age of 20, narito na ang kanyang second album, na tinawag na Intimately Acoustic, again under Viva Records.

Sa launching ng Intimately Acoustic kaninang tanghali sa Jay-T's Manukan Resto sa Mother Ignacia Street, Quezon City, sinabi ni Miki na may naitulong ang unang album niya sa second album:


"Naging magandang stepping stone naman para sa akin ang album na iyon kasi nagkaroon ako ng chance to get into a recording studio and become acquainted with every step of recording," sabi ng batang singer.

Kung ang una raw niyang album ay mas pop, ang twist sa second album ay iyong pop songs daw dito ay binigyan ng acoustic flavor.

Sabi nga ni Miki, ito raw ang tipo ng mga awitin na talagang gusto niya. Excited niyang sinabi na mas hands on talaga siya sa paggawa ng Intimately Acoustic, kaya the album reflects the kind of music na talagang gusto niya.

Medyo old school na matatawag ang kanyang musical influences. Type niya ang music ni Alicia Keys, who happens to be her favorite singer, at pareho pa nga raw sila ng birthday (January 25). Pero type din niya ang music nina Sarah Geronimo at Billy Crawford.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Even if she comes from an affluent and private family, suportado raw si Miki ng kanyang parents pagdating sa kanyang musical career. The youngest in a brood of three, dati niyang manager si Jessica Rodriguez, na ayon sa kanya ay matagal ding nanligaw sa kanyang parents bago pumayag ang mga ito na pasukin ni Miki ang daigdig ng showbiz. She entered the Viva Artist fold three years ago.

Pero singing talaga ang hilig ni Miki, at kahit na nasubukan na niya ang acting via the TV series Lipgloss on TV5, mas pinili niya ang pagkanta. Siya kasi ang kontrabida sa Lipgloss, at kahit na maganda ang feedback sa kanyang acting, pagkanta pa rin ang kanyang priority.

Kahit nga kinukuha pa siya ng Lipgloss for a third season, tumanggi na siya dahil mas ginusto niya na mag-concentrate sa kanyang Intimately Acoustic album.

"When I was still in grade school and high school, I would appear in plays kaya kahit paano ay may background na ako sa acting. Pero passion ko talaga ang singing. Love ko rin ang acting kasi I am able to take on a character and make it my own. Pero iba talaga ang dating sa akin ng singing. When I am singing, I'm in my own world. Iba 'yong high when I sing," pahayag pa ni Miki.

Nag-join na rin si Miki ng audition for the next MYX VJ, pero she is not turning her back on singing.

About her album Intimately Acoustic, winika nga ni Miki na ang mga awiting nakapaloob dito are the type of songs na talagang gusto niyang awitin. Nagkataon lang daw na nauso ang acoustic at naisipan ng kanyang album producer na si Siv Fontanilla na acoustic ang maging tema ng kanyang newest album.

The album contains 14 tracks of varying music genre, but all are rendered acoustically: "Never My Love," "What Can I Do," "Ain't No Sunshine," "Dream A Little Dream," "Tom's Diner," "You Won't See Me," "Whenever I Call You Friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dagdag pa: "Son of a Preacher Man," "Midnight at the Oasis," "With or Without You," "Annie's Song," "At Last" and the carrier single "The Signs," originally popularized by the Swedish pop group Ace of Base. May ilan songs din siya na tinanggal sa line-up kasi parang di raw commercial ang dating ng mga ito.

Hilig lang niya talaga ang pagkanta pero kumuha pa rin si Miki ng voice lessons. Lahat naman daw ng mga singers ngayon ay kumukuha ng voice lessons. Miki took voice lessons from the University of the Philippines Conservatory of Music, from Annie Quintos of The Company, from Pilita Cabahug, and from Ryan Cayabyab.

"Hindi naman ako nalito sa mga natutuhan ko sa kanila dahil I took the best parts of each lesson at pinagsama-sama ko," sabi niya.

Nang dumako ang usapan sa kanyang lovelife, sinabi ni Miki na hindi niya boyfriend si Alfonso Martinez, ang anak nina Albert at Liezl Martinez, na lagi niyang kasa-kasama. Magkaibigan lang daw sila at mga three years nang magkakilala. Nang tanungin kung nililigawan siya ni Alfonso, sagot niya ay si Alfonso raw ang tanungin ng press.

"Hindi siya nanliligaw, pero ever since before ay magkaibigan na kami. Magkabarkada kami kaya hindi ko alam kung nanliligaw ba siya. Hindi naman kami nagdi-date, although naipakilala na niya ako sa kanyang family and I also introduced him to my family. Nakilala ko na rin ang kanyang lola [Amalia Fuentes]," pahayag pa ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN