Sarah Geronimo will hold fourth major concert, Record Breaker, on Nov 7

by Nora Calderon
Sep 21, 2009
Sarah Geronimo's fourth major concert titled Record Breaker will take place at the Araneta Coliseum on November 7, 2009. The female Viva artist is also slated to release her new album titled Christmas Girl this October.

For the fourth time, muling pasasayahin ng Pop Princess na si Sarah Geronimo ang kanyang mga fans sa isang major concert. Gaganapin ang Record Breaker sa Araneta Coliseum on November 7. Ito ang follow-up sa kanyang previous concert titled The Next One.

Viva Record Concert and Events announced the coming concert sa isang presscon sa Patricia Hall ng Annabel's Restaurant in Tomas Morato, Quezon City last week.


May bago ba siyang ipakikita, bukod sa pag-awit niya ng mga hit songs niya at mga songs sa bagong album niya na iri-release before the concert?

"Much bigger raw po ito at talagang paghahandaan namin ang bawat number," nakangiting wika ni Sarah. "As of now, kahit po sa akin, ayaw pa rin nilang sabihin kung sinu-sino ang magiging guest ko sa concert, surprise daw po muna kasi kinakausap pa nila."


It was only in 2003 nang magkaroon ng first major solo concert si Sarah as a professional singer, ang Popstar: A Dream Come True at the Music Museum. Naging very successful ito and after two months, bumalik siya for a repeat.

Continue reading below ↓


Since then, the stage has become a big, wonderful part of Sarah's world, not only in the Philippines but also abroad, performing before her Filipino fans, as a solo artist or as part of the The Champions Tour.


Her latest, ang Night of the Champions 2 North American Tour in 2008, ang pinaka-hectic at pinakamatagal na concert tour ni Sarah, performing in Vancouver, British Colombia, Edmonton, Alberta, Calgary, Winnipeg, Manitoba, Toronto, Ontario, Montreal, Quebec; and in San Jose, California and Houston, Texas.

For a change, magpapa-sexy na ba siya like Lady Gaga when she performed here last month?

"Naku, nanood po ako ng concert ni Lady Gaga, nagustuhan ko, kaya lamang hindi ko po kayang gayahin ang mga isinuot niya," natatawang wika ni Sarah. "Kahit po ang favorite kong si Beyonce, hindi ko kaya ang mga isinusuot niya. Siguro po, kung kakanta ako ng mga songs nila, dadaanin ko na lamang sa attitude ang performance ko. Hindi ko po talaga kaya."

Continue reading below ↓


Tinanong din si Sarah kung ano ang gagawin niya sakaling may boyfriend siya at saktan din siya, tulad ng pananakit kay Rhianna ng boyfriend nitong si Chris Brown?

"Hindi po pwede sa akin iyon," at napahagikhik si Sarah. "Hindi po ako papayag na saktan ako ng lalaki, ako ang mananakit sa kanila kapag ginawa nila sa akin iyon. Kaya nga po kahit pinipilit nila akong makipag-boyfriend na, hindi ko po ginagawa, tama na muna iyong may inspirasyon ako ngayon. Pinipili ko pa ang right man for me, someone who is a man of God, someone who will make me a better person, hindi iyong ipapahamak pa niya ako."

Pero hindi pa rin magpapahinga si Sarah, dahil after ng Araneta concert, pupunta pa siya ng Europe.

"May concert po ako sa Rome and Milan in Italy. Tinatapos ko rin po ang Christmas album ko sa Viva Records, ang Christmas Girl na iri-release na namin next month, sa October. Kasabay ko pong ginagawa ang isang studio album for Viva Records din na iri-release namin before the concert. Kaya talagang very busy po ako ngayon, next na po ang lahat tungkol sa acting ko. Mas priority ko talaga ang music ko ngayon," patapos ni Sarah.

Continue reading below ↓
Sa mga gustong manood ng Record Breaker, available ang mga tickets at all SM Ticketnet outlets. Ticket Prices: Patron A (P 3150), Patron B (P 2625), Lower Box (P 2625), Upper Box A (P 1250), Upper Box B (P 630), General Admission (P 315). For inquiries, call Viva Concerts and Events at telephone no. 687-5853 local 620 and 627.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo's fourth major concert titled Record Breaker will take place at the Araneta Coliseum on November 7, 2009. The female Viva artist is also slated to release her new album titled Christmas Girl this October.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results