Ronnie Liang releases his debut album

by Ruel J. Mendoza
Apr 3, 2007
Pinoy Dream Academy second runner-up Ronnie Liang realizes his dream with the release of his debut album under Universal Records.


Nagkaroon na ng katuparan ang mga pangarap ni Ronnie Liang bilang isang singer dahil na-release na ang kanyang debut album sa ilalim ng Universal Records.



May title na Ang Aking Awitin ang album ni Ronnie at naglalaman ito ng 13 songs—limang remakes at walong originals. Kasama rin dito ang duet nila ni Nikki Gil. Ang magiging carrier single niya ay ang original song na "Ngiti" na siyang magiging theme song ng bagong teleserye ng ABS-CBN 2 na Hiram Na Mukha, kung saan bida sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann.



Napakinggan na namin ang album ni Ronnie at kaboses na kaboses niya si Ariel Rivera. If not, much better pa. Tuwang-tuwa nga si Ronnie dahil isa sa mga paborito niyang singers si Ariel at flattering daw na maikumpara ang boses niya sa isang mahusay na mang-aawit.



Unti-unti na ngang naabot na ni Ronnie ang kanyang mga pangarap lalo na noong itanghal siya bilang second runner-up sa Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN after siyang ma-disqualify sa Pinoy Pop Superstar Season 2 ng GMA-7. Nagpapasalamat si Ronnie na kung hindi raw nangyari ‘yon, malamang na wala siya sa PDA at hindi matutupad ang mga dreams niya.

Continue reading below ↓



"Naging strength ko rin yung nangyari sa akin sa Pinoy Pop Superstar. Yung naging experience ko naman doon ay forever kong ite-treasure," sabi niya.



Paano kung hindi siya natanggal? Ano kaya ang nangyari sa kanya?



"Hindi ko rin po alam. Baka maganda rin ang nangyari sa akin. Iba-iba naman lahat, e. Siguro naman may maganda pa ring mangyayari 'tulad sa nangyayari sa akin ngayon," pahayag ni Ronnie.



After Holy Week ay tuloy na ang alis ng Pinoy Dream Academy finalists sa kanilang US tour na in-organize ng Dream Big Productions. Bago umalis si Ronnie ay nakapag-taping siya ng isang episode para sa Your Song ng ABS-CBN 2, kung saan ka-partner niya ang 2005 Miss International na si Precious Lara Quigaman sa episode na "Salamat."



Nanghinayang nga si Ronnie dahil wala raw silang kissing scene ni Lara. Pero okay lang daw dahil alam niyang hindi pumapayag na magpahalik ang ka-partner niyang beauty queen.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Dream Academy second runner-up Ronnie Liang realizes his dream with the release of his debut album under Universal Records.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results