Mocha Girls release CD pack containing their revealing photos


Buyers of the Mocha Girls' Take A Sip CD pack get an invite to the exclusive party that will take place on October 13, at Mugen Bar, Metrowalk Ortigas.


Back to the music scene na naman ang popular girl group na Mocha Girls ngayong naka-out na ang kanilang CD pack na naglalaman ng kantang "Take A Sip."

Dahil hindi tumitigil ang Mocha Girls, na kinabibilangan ng members na sina Mocha, Hershey, Grace at Bez, sa pag-e-explore ng mga bago at "wild" ideas para sa ikasisiya ng kanilang mga fans, nabuo ang CD pack na ito na kinapapalooban ng very sexy at very revealing photo journal na first time gawin ng grupo.

The Take A Sip CD pack is exclusively available at all GBX Boutiques nationwide. May added bonus pa dahil ang naturang CD pack also comes with a free ticket for the exclusive party featuring the Mocha Girls on October 13, 9 pm, sa Mugen Bar in Metrowalk Ortigas.

"Ang laki nga ng pasasalamat namin sa GBX dahil sa pagtitiwalang ibinigay nila sa grupo namin. Siyempre sikat na shoe brand iyan hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa kaya it's really a big honor for us. Kaya naman naging all out na rin kami sa pagpapa-sexy sa kasamang photo journal sa CD pack. Sana magustuhan ng mga fans namin gayundin ng mga buyers ng GBX ang bagong handog naming ito," masayang sabi ng leader ng grupo na si Mocha nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Mocha Girls. Para sa buwan ng Setyembre, nag-pose si Hershey para maging Online Babe ng FHM.


RECOGNIZING INDIVIDUAL POTENTIALS. Masayang-masaya rin ang Mocha Girls dahil bukod sa napatunayan na nila ang kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw bilang isang performing group, ngayon ay napapansin na rin ang talent at potential ng bawat isa sa kanila. Lately kasi ay nabibigyan na ng opportunity ang bawat isa sa kanila na maging cover ng mga sikat na men's magazines.

"Haping-happy po ako kasi nare-recognize yung bawat isa sa amin. We are recognized as a group and as individuals, so sa area na yun I find it successful for all of us," paliwanag ni Grace.

Dagdag pa ni Hershey, "Ang success po ng isa ay success ng lahat. Nandito lang po kami to support each other. Kung sino po sa amin ang nangangailangan ng support ibibigay po iyon ng grupo."

"Sa mga nangyayari sa grupo namin ngayon and also sa amin as individuals, mas lalo pa pong nagiging tight ang samahan namin. Napakarami po ng blessings na dumarating at ipinagpapasalamat po namin ito sa lahat ng mga sumusuporta sa amin," sabi pa ni Bez.

Nilinaw din ni Hershey na kahit nabibigyan na sila ng kanya-kanyang projects ay buo pa rin ang grupo nila at hindi sila mabubuwag.

"Ever since po talaga magkakaibigan na kami. Wala pong masisira sa samahan namin kahit na may kanya-kanyang ginagawa ang bawat isa sa amin. Solid pa rin po ang grupo namin. Hindi po kami maghihiwalay. Maganda rin naman po yung nakikilala kami isa-isa bukod sa nakikilala yung grupo," ani Hershey.

Pinabulaanan naman ni Mocha ang isyu ng insecurity at inggitan daw sa grupo nila.

"Hindi po totoo yan. Sobrang love na love po namin ang isa't isa. Kami po ang laging magkakasama. Para na po kaming magkakapatid. Proud po kami sa success ng bawat isa," paliwanag ni Mocha.

Bilang bahagi ng promotion nila ng kanilang Take A Sip CD pack ay magkakaroon ng mall tours ang Mocha Girls sa SM North Edsa on October 10 at sa Robinsons Place Manila on October 16. Mayroon din silang bar tours on October 19 sa Bagaberde Roxas Blvd.; October 20 sa Mugen Metrowalk Ortigas; October 21 sa Bluewave Macapagal Highway; at October 22 sa Hardrock Makati.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN