Christian Bautista's major concert on April 28 postponed

by Rommel R. Llanes
Apr 11, 2007
Singing heartthrob Christian Bautista is happy about the cancellation of his major concert at the Araneta Coliseum on April 28.

Imbes na malungkot ay natuwa pa ang singing heartthrob na si Christian Bautista sa cancellation ng major concert niya this April 28 sa Araneta Coliseum.

Ayon kay Christian, wala raw siyang sapat na panahon para makapag-rehearse para sa naturang concert. May U.S. tour kasi si Christian with girlfriend Rachelle Ann Go kaya alam niyang hindi niya mapag-uukulan ng sapat na panahon ang pagre-rehearse.

Alam din kasi ni Christian na kapag sa Big Dome gaganapin ang isang show, kailangang maging perfect ang lahat. Kailangang walang palpak dahil nga napakalaking venue nito.

Bukod pa dito, alam ni Christian na magiging abala ang lahat ng tao dahil sa nalalapit na May 14 elections. At dahil bakasyon at kapag summer ay nasa probinsiya ang halos karamihan sa mga tao, baka hindi mapuno ang Araneta Coliseum.

Sa darating na May naman, mapapako ang atensiyon nila ni Rachelle sa isang pelikula na sa kauna-unahang pagkakataon ay pagtatambalan nila. Hindi lamang silang dalawa ang bida rito dahil may dalawa pang loveteams silang makakasama.

Continue reading below ↓

Kaugnay ng pelikulang gagawin nila, sasabak sina Christian at Rachelle sa isang acting workshop, lalo na si Rachelle na first time pa lang gagawa ng pelikula. Si Christian ay na-introduce na sa 2006 Metro Manila Film Festival entry na Mano Po 5: Gua Ai Di.

Ayon kay Christian, honesty ang sikreto ng kanilang relasyon kaya sila tumagal ng one year and two months. Kapag may tampuhan sila, inaayos agad nila at hindi hinahayaang tumagal. Usually, mga simpleng bagay lang naman daw kasi ang dahilan ng misunderstanding nila—tulad ng schedules or may nakalimutan lang na bagay—kaya mabilis lang nilang naaayos.

Wala pa sa plano nila ang pagpapakasal, ayon kay Christian. Masyado pa raw bata ang kanilang relasyon, bukod pa nga sa pareho pa silang masyadong busy sa kanilang career.

Nilinaw rin ni Christian ang balitang lilipat na siya sa SOP ng GMA-7 mula sa ASAP ng ABS-CBN.

"Hindi totoo yun. May narinig nga akong ganun, e. Pero happy kami sa ABS. Ang proof na binibigyan pa rin kami ng support ng ABS is one of the firsts kami ni Rachelle na binigyan ng concert. So hindi totoo yun. Happy kami sa ASAP. We just renewed our contracts," paglilinaw pa niya bilang pagtatapos.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singing heartthrob Christian Bautista is happy about the cancellation of his major concert at the Araneta Coliseum on April 28.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results