Kuh Ledesma and friends embark on U.S. Unity Concert Tour


Kuh Ledesma (in photo) will be joined by her daughter Isabella as well as fellow singers Christian Bautista, NanetteInventor, Carlo Orosa, and Charlie Green for the ongoing U.S. UnityConcert Tour.


Nakausap ngPEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Kuh Ledesma sa presscon ng U.S. UnityConcert Tour na ginanap noong October 9 sa Dulcinea Restaurant sa TomasMorato. Kasama ng Pop Diva sa nasabing concert ang kanyang anak na si Isabella, sina Christian Bautista, NanetteInventor, Carlo Orosa, Jograd dela Torre at young singer Charlie Green.


TheUnity Concert tour will have the following performances: October 17 at BCI Church, NewJersey. Susundan ito ng show sa October 20 sa Jubilee Center, San Josetapos sa October 24 sa Long Beach Convention Center, Long Beach,California. Magtatapos ang tour sa October 25 sa Gladtidings, Vancouver,Canada.


Ayon sa PopDiva, naisip niya ang concert na ito para makapagbigay ng inspirasyon sa atingmga kababayan na naapektuhan ng recession sa U.S., gayundin din ang mgakababayan natin na biktima ng bagyong Ondoy.


"We aregoing to ask our fellow Filipinos sa abroad kung puwede silang magbigay ngkanilang mga old clothes that we can distribute to the victims of Ondoy,"pahayag ni Kuh. "Maraming mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Aware namanang mga kababayan natin abroad sa calamity na tumama sa ating bansa. We don'tknow kung sino-sino sa atin ang naapektuhan ng bagyo pero I know of somefriends who were victims of the typhoon.


"Hindi langang mahihirap kundi pati ang mayayaman ay naapektuhan ng Ondoy. Pero ang mga mahihirap lalong naghirap dahilsa nangyaring calamity. Nagmagandangloob ang Forex Cargo na dadalhin nila dito sa Pilipinas free of charge ang mgabalikbayan boxes ng donations na makakalap namin from our concert venuesabroad," dugtong pa ng Pop Diva.


Gusto rin niKuh na maging involved at hingan ng tulong ang mga kababayan natin sa abroad nanapanood sa TV ang devastation na sinapit ng bansa, pati na rin ang kinasapitanng mga typhoon victims.


"Maraming gustongtumulong and we are confident na maraming tutugon sa ating panawagan na whenthey go to the Unity Concert, they will bring donations for the victims. Nagulatsila sa napanood nila on TV and they were asking if that was the situation inthe entire country. Buong Pilipinas ba ang devastated, tanong nila? Or kung may lugar na maayos pa. Marami pa rinsa ating mga kababayan ang nagsa-suffer. Hindi pa nakabalik ang marami sakanilang mga bahay dahil nasira ang mga ito o baha pa rin hanggang ngayon. Kayawe need all the help we can get para makatulong sa mga nasalanta," wika pa ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sinabi pa niKuh na nais nilang ma-tap ang mga social networking sites tuald ng Facebook at Twitter paramaka-encourage ng mas maraming tao to watch the show and bring their donations.


"I felt weneed to come up with a show like this to appeal for help as well as to upliftthe spirits of the victims. The show is very timely kasi parang nawawalan nghope ang mga tao dahil sa disaster na nangyari dito sa ating bansa. This anopportunity to unite and give help to those who are really in need," sabi pa niKuh.


Hinimok dinni Kuh ang media na tumulong sa pagpapalaganap ng information na tayong lahatay dapat tumulong sa pangangalaga ng kalikasan. Sa nangyari kasi sa mga victims ng Ondoy, parang binabalikan tayo ngkalikasan sa ginawang pagmamalabis ng tao rito.


Sinabi rinni Kuh na dapat din kumilos ang mga local government officials para i-educateang mga tao about proper waste management and recycling.


"Dapatturuan ang tao na mag-segregate ng basura in the proper way. On the part of the government, dapat nakolektahin nila ang basura regularly. Pero dapat segregated ang basura.


"Perokailangan din na maging disiplinado rin tayong lahat. Dapat sumunod tayo sa mgarules na pinapatupad. Parang yung batas about seat belt. Dati ayaw natinmagsuot ng seat belt pag nakasakay tayo sa sasakyan but when it became a law,sinusunod naman natin. Kailangan lang talaga na maging disiplinado tayo," sabipa ni Kuh.


Here is the schedule of the U.S. Unity Concert Tour

SATURDAY, October 17, 8 PM - Randolph, New Jersey
TUESDAY, October 20, 8 PM - San Jose, California
SATURDAY, October 24, 7 PM - Long Beach, California
SUNDAY, October 25, 7 PM - Vancouver, British Columbia, Canada


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN