Zaijian "Santino" Jaranilla records inspirational talks for his album


Zaijian Jaranilla’s inspirational talks with ‘Bro’ are compiled in the album titledMay Bukas Pa Soundtrack‘Conversations of Bro and Santino.’ It also features songs of Erik Santos, Toni Gonzaga, and Rhap Salazar.


Lumikha ng ingay ang child superstar siZaijan Jaranilla, o mas kilala bilang Santino, mataposmagwagi ang kanyang pinagbibidahang teleserye na May Bukas Pa bilang Best TVSeries sa 31st Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Ang tagumpay ni Santino ay hindi lamang natatapos sakanyang patok na teleserye. Pinasok na rin ng batang aktor ang mundo ngrecording.

Muli na namang magbibigay ng pag-asa si Zaijian sapamamagitan ng kanyang bagong album na pinamagatang May Bukas Pa Soundtrack‘Conversations of Bro and Santino.’ Tampok dito angkanyang pakikipag-usap kay ‘Bro’ at mga kantang hango sa hinahangaangteleseryeng May Bukas Pa, na inawit ng mga pinakasikat na OPM artistsgaya nina Erik Santos, Toni Gonzaga, Rhap Salazar, at Juris ng MYMP.

Naikuwento ng walong-taong gulang na child superstar kung paano magbibigayinspirasyon ang kanyang pakikipagpalitan ng salita kay ‘Bro.’ Aniya, "Magkukuwentokaming dalawa kung paano po maging mabait, paano mag-pray at paano pomaging masunurin."

Samantala, hindi lamang ang bagong album ni Santino angkatibayan ng kanyang kabutihan at kamusmusan. Ang child superstar ay rumamparin sa Star Magic for a Cause fashion show na ginanap kamakailan. (CLICK HERE to see photos of the show mounted for the benefit of typhoon victims)


Napapanood ang May Bukas Pa sa ABS-CBN gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol World.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN