Bagong Himig includes songs targeted at today’s youth


Kyla (left) and Yeng Constatino (right) are some of the singers whose songs will be included in the upcoming album Bagong Himig.


Nagsanib-puwersa ang mga magagaling na mang-aawit at ang Bagong Henerasyon Foundation, Inc. para sa bagong nitong proyekto: ang Bagong Himig CD album.


Layunin ng BHFI founder and album producer na si Bernadette Herrera-Dy na maabot ang mga kabataan na inaasahang magiging pag-asa ng bayan sa hinaharap...sa pamamagitan ng mga makabuluhang awitin.


Sinigurado rin ng BHFI—sa tulong ng mga kompositor na sina Junn Sta. Maria at Lito Camo—na ang mga kanta sa album ay magsilbing inspirasyon at gabay, makatotohanan at angkop sa kabataan.


Layunin ng BHFI na gamiting pangtulong sa ating mga kababayang nangangailangan ang mga malilikom na pondo sa album na ito.


Ang awiting "Galing ng Pinoy" ni Yeng Constantino (Pinoy Dream Academy Season 1 Grand Champion) ay behikulo upang maabot ang mga kabataang siyang inaasahang magiging pag-asa ng bayan sa hinaharap sa pamamagitan ng musika. Ito ay nagbibigay-pugay sa kagalingan at kabutihan ng loob ng mga kabataang Pinoy.


Ang awiting "Barkada Habangbuhay" ni Lito Camo (kasama ang bandang Calsada) ay alay para sa mga magkakaibigang pinagtibay ng panahon at kailan man ay hindi nag-iwanan.


Ang "Alon at Agos" ng Alibata ay alay para sa ating kalikasan na ating napapabayaan. Ang Bicolano band na Alibata ang nagpasikat ng kantang "Maghihintay na Lang." Binigyang kahalagahan at saysay sa awit ang malinis na tubig na malaki ang bahagi sa ating buhay.


Inawit naman ni OJ Mariano ang "Gandang Napapansin." Si OJ ay "Soulful Balladeer" na nagpasikat ng kantang "Pangako Ko" na kabilang sa kanyang album called OJ Mariano: Ballads. Si OJ rin ay isa sa mga SongBees ng ABS-CBN game show na The Singing Bee.


Si Juris ng MYMP (nagpasikat ng kantang "Especially For You," "Talaga Naman" at iba pa...) ang kumanta ng "Itaga Mo Sa Bato (Di Kita Iiwan)" na awit na tumutukoy sa pagmamahal at samahang walang hanggan sa kabila ng maraming paghahadlang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang awiting "Tanging Ikaw" naman ni Kyla ay awit na tumutukoy sa sariling pag-gabay at pagtungo sa tamang landas ng buhay. SI Kyla ay kabilang sa GMA-7 variety show na S.O.P. at may album na Heart to Heart. Layunin ng kanta niya na maabot ang mga kababaihan at kabataan na siyang inaasahang magiging pag-asa ng bayan sa hinaharap.


Ang kantang "Huwag Hayaang Mawala" ay aawitin ng Fil-Hispanic singer na nagpasikat ng kantang "Eres Tu" na si Josh Santana. Ito ay laan para sa samahang wagas ang pag-ibig at dapat paka-iingatan. Kasama ni Josh si Kristine Petilla sa awiting ito.


Ang kantang "Saludo Kami sa Babaeng Moderno" ni Lito Camo at ang kanyang bandang Calsada ay nagbibigay pugay sa kababaihan na makabago, matatag at buo ang loob. Si Lito Camo ang sumulat ng awiting ito, na siya ring gumawa ng iba pang novelty songs tulad ng "Otso-Otso," "Boom Tarat Tarat" at "Giling Giling."


Ang "Kabataan Tayo ang Magsimula" ni Makisig Morales (feat. Badang) ay awit tungkol sa kabutihang-asal at pagiging ehemplo ng mga kabataan para sa ikauunlad ng bayan at pag-iingat ng ating kalikasan.


Ang "Bagong Henerasyon Hymn" ay inawit ni Jessa Mae Gabon (Grand Finalist/SUTASI, Finalist/SEA Solo Category) na isang inspirational song para sa mga kabataan at kababaihan. May kasama ring minus 1 ito sa album.


Inawit rin ni Jessa Mae ang "Aming Inspirasyon" (Tita Cory song) na awit ng pasasalamat na alay para sa kabutihang idinulot ng mahal nating Pangulong Corazon Aquino.


Ang album ay nagkaroon ng successful launch last October 21, Miyerkules, sa Metro Concert Bar na dinaluhan ng BHFI Founder at album producer na si Bernadette Herrera-Dy, ng composer na si Mr. Sta. Maria at ng mga artists ng album maliban kina Yeng at Juris na may previous commitment na.


Dumalo rin sa launch ang executive director ng BHFI na si Mr. Butch Lucban at ang BHFI President na si Mr. Alexis Herrera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa naturang launch, bukod sa open forum with the media people, inawit ng mga artists ang lahat ng nilalaman ng album.


Ang Bagong Himig CD album ay ire-release ng Star Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN