Jonathan Manalo shares details about the Rosary album of Aquino sisters


Jonathan Manalo of Star Records has collaborated with many singers in the past, including Charice Pempengco (shown above). In fact, he composed the song "Always You," which is included in Charice’s second album My Inspiration.


Ang rosary album ng Star Records ang isa sa proyektong sama-samang ginawa ng mga Aquino sisters na sina Maria Elena "Ballsy" Cruz, Aurora Corazon "Pinky" Abellada, Victoria Eliza "Viel" Dee at Kris Aquino. Ang naturang "Rosary" album ay inilabas kaugnay ng 55th wedding anniversary ng kanilang mga yumaong magulang, President Cory Aquino at political leader Benigno Aquino.


Ang Himig Handog 2001 grand prize winner na si Jonathan Manalo ang nagsilbing instrumento upang ang ideyang ito ng mga magkakapatid na Aquino ay malapatan ng musika at malagyan ng tamang tunog.


"The idea came from the Aquino sisters, they wanted to do it coz promise nila sa Mommy nila tapos nangyari pa ’yung sa bagyong Ondoy and Pepeng," kuwento ni Jonathan. "Panahon pa ng crisis, [so it’s] encouraging Filipinos to pray again. They offered the project sa Star Records, ako naman, I did the musical scoring, the mixing, the mastering."


"Actually these are songs from the church, walang commercials. It’s strictly a religious double CD project. Ang bago dun ay yung mysteries, nagdarasal ang magkakapatid while the church choir, sila yung kumakanta. Tapos mayroong painting ng rosary si President Cory, yun ang ginamit as cover ng album."


GALING NG PINOY. Kamakailan ay kinuha si Jonathan ng isang financial service company upang mag-provide ng lyrics at melody ng kantang "Galing ng Pinoy."


Ani Jonathan, "Now, I have an advocacy project ng Western Union sung by Rhap Salazar, titled ’Galing ng Pinoy.’ I write so many songs about Pinoys since this is my personal advocacy, ’Galing ng Pinoy’ focuses on the talents of Pinoys and what we expose around the world."


Ayon sa in-house songwriter, arranger, at record producer ng Star Records, ang kantang ito ay nagpapakita na "world-class" ang Pinoy kahit saan man mapunta.


Si Direk GB Sampedro naman (ang Best Director ng Cinemalaya 2009 para sa Astig at ang dating director ng ABS-CBN morning show na Ruffa and Ai) ang kinuha ng Western Union upang gumawa ng music video base sa kanta. Ang World Championship Of the Performing Arts junior grand champion na si Rhap Salazar naman ang nagbigay buhay sa kantang "Galing ng Pinoy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROFILE. A graduate of Polytechnic University, si Jonathan ay nagkaroon ng break sa music industry sa pamamagitan ng isang singing contest ng Kapamilya Network.


"I graduated year 2000 in PUP tapos, I joined Himig Handog of ABS-CBN. After my graduation, I was discovered there. I was the grand prize winner. Ang kanta ko dun ay ’Tara Tena’ na naging show ni Senator Loren Legarda. It’s a positive song, encouraging the youth."

Ilan sa mga nanalong kanta at album sa nakaraang 1st Star Awards for Music ay produced ni Jonathan. Kabilang na rito ang Open Arms ni Aiza Seguerra, which won as Best Acoustic Album, "Ikaw Ang Pangarap" as Song of the Year and Lovelife ni Boy Abunda as Compilation Album of the Year.


Si Jonathan din ang nasa likod ng mga sikat na theme song ng Pinoy Big Brother at iba pang theme songs ng mga teleserye ng ABS-CBN.


"I composed the song, ’Pinoy Ako,’ yung kanta ng Orange and Lemons [for PBB]. I also composed ’Sikat Ang Pinoy’ by Toni Gonzaga and Sam Milby, and ’Kabataang Pinoy’ for PBB Teen Edition, yung edition na sumali sina Gerald Anderson and Kim Chiu.


"I also did the theme song for Star Circle Quest, Sharon, soap operas like Maria Flordeluna, Mga Anghel na Walang Langit. I produced Dahil May Isang Ikaw, Lovers in Paris, I did the arrangement, the mixing. May mga na-compose din ako love songs like yung ’Pagbigyang Muli’ ni Erik Santos and ’Para Lang Sa ’Yo’ ni Aiza Seguerra."


Nakipag-collaborate na rin si Jonathan sa maraming kilalang singers tulad ni Charice Pempengco. Sa katunayan, siya ang nag-compose ng kantang "Always You," na kabilang sa second album ni Charice titled My Inspiration.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN