Sylvia Sanchez becomes a concert producer

by Rommel R. Llanes
Apr 16, 2007
"Dapat na kahit papaano, may fallback ka rin dahil hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari bukas-makalawa," says Sylvia Sanchez.


Isa nang producer ang aktres na si Sylvia Sanchez. No, hindi naman siya mag-a-a la- Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment or Vic del Rosario ng Viva Films. Sa pagpo-produce ng concert and shows naisipang pumasok ni Sylvia.

"Alam naman natin na hindi panghabambuhay ang pag-aartista," sabi ni Sylvia. "Dapat na kahit papaano, may fallback ka rin dahil hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari bukas-makalawa.

"Puwedeng ngayon, sunud-sunod ang TV shows or movies ng isang artista, pero paano kung wala nang dumarating na offers or projects para sa ‘yo? Paano ka na? Kaya naisipan kong mag-venture into concert producing kasama ang ilan kong mga kaibigan. With this, enjoy na kami, kikita pa kami, di ba ?" paliwanag pa ng character actress.

Isa si Sylvia Sanchez sa mga producers ng Bamboo... Rocks!, isang bonggang concert ng sikat na bandang Bamboo sa Metro Concert Bar (matatagpuan sa West Avenue sa Q.C.) ngayong Biyernes, April 20, at 9 p.m.

Continue reading below ↓

Guests sa naturang concert ang First High Kids, isang grupo ng mga kabataang high school students na mahuhusay humataw sa dance floor.

Ito ay for the benefit ng streetchildren of Metro Manila (selected areas) at ng Punta, Nasipit sa Agusan del Norte na hometown ni Sylvia.

By the way, months ago ay may mga kumukumbinsi kay Sylvia na tumakbong board member or vice-mayor sa kanilang probinsiya. Pero dahil alam niya kung hanggang saan lamang ang kaniyang kakayahan, tumanggi ang aktres. Bukod dito, maaari naman daw siyang makatulong sa kaniyang mga kababayan kahit hindi siya isang pulitiko.

Read Next
Read More Stories About
Sylvia Sanchez, Bamboo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dapat na kahit papaano, may fallback ka rin dahil hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari bukas-makalawa," says Sylvia Sanchez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results