Piolo Pascual goes retro through his Decades album


Piolo Pascual’s 12-track Decades album contains standards chosen from the ’50s, ’60s and ’70s. It will be formally launched during the December 13 episode of ASAP ’09.


Bukod sa pagiging isang award-winning actor, napatunayan na rin ni Piolo Pascual ang kanyang pagiging certified platinum recording artist sa paglalabas ng limang albums. At ngayon sa kanyang ika-anim na album under Star Records na pinamagatang Decades: The Greatest Songs of the 50’s, 60’s and 70’s, mula sa pagiging isang pop icon ay ilulunsad si Piolo bilang isang ganap na crooner.


Kung nasanay tayo na napapanood at naririnig siyang kumakanta ng pop songs, ngayon naman sa kanyang Decades album ay pawang mga standard songs ang inawit niya. Tampok sa nasabing 12-track album ang mga kantang mula sa dekada ’50: I’ll Be Seeing You, Beyond The Sea, True Love, Are You Lonesome Tonight; mula sa dekada 60: Can’t Take My Eyes Off You, You’ve Lost That Lovin’ Feelin’, If I Fell, Strangers In The Night; at mula sa dekada ’70: Just The Way You Are, Your Song, Terminal at ang carrier single na Babe.


Bukod sa bagong concept, pinaganda rin daw nila ang packaging ng Decades para maging collector’s item dahil nasa loob nito ang 12 best photos ni Piolo representing each song with matching lyrics at kalendaryo pa. Recorded live din daw ang instruments na ginamit dito na kasabay niya sa recording.

SHIFTING TO STANDARDS. Malaki ang pasasalamat ni Piolo sa Star Records dahil pinayagan siyang maging co-producer ng album niya. Kaya may say siya sa pagpili ng mga kantang ipapasok sa album. Pero kanino galing ang idea na kumanta siya ng standard songs?


"Concept ito ni Tita Malou [Santos , Star Records and Star Cinema executive]. Kasi she wanted me to do something retro. Tapos tinulungan ako ng co-producer kong si Jonathan Manalo together with the Star Records team sina Nixon Sy na mamili ng mga kanta. Napakarami kasi ng magagandang kanta mula sa ’50s, ’60s and ’70s."


Bakit napili niyang standard ang kantahin ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wanted to pay tribute to my dad because isa rin siya sa mga nagturo sa aking kumanta. I would remember vividly nung kinakanta niya sa akin yung ’Strangers In The Night.’ Yun actually ang unang song na natutunan ko. Yung mga ganung kanta kasi ang kinakanta ng dad ko sa amin. Singer kasi siya. Mahilig ako sa mga ’50s, ’60s, ’70s songs kasi nare-relax ako pag naririnig ko yun noon pag tinutugtog sa turntable.


"Those eras have so many classic songs, so many nice songs na pwede nating balik-balikan. And ako, being a fan of Frank Sinatra, Barry Manilow, Bing Crosby, lahat yan gusto ko. Pinapakinggan ko yan hanggang ngayon, e. So, parang, you know, we added a different feel. Uso ngayon yung standards, especially noong pumasok si Richard Poon sa scene. So, parang gusto mo lang ng feel good. Ang dami na kasing nangyayari. So, you want something na pag pinakinggan mo easy listening lang, hindi ka maririndi."

FROM TIMELESS TO DECADES. Taong 2007 pa nang huling maglabas si Piolo ng solo album niya, ang Timeless. Bakit umabot ng dalawang taon bago siya nakapaglabas ulit ng bagong album?


"Because as a recording artist hindi naman pwedeng labas ka lang nang labas ng album e. Same thing with acting, you have to constantly reinvent your self. Creat a new sound and you have to adjust also sa trend. Ito [standards] kasi ang uso ngayon, e. When I came up with my Timeless album, it was during the time na I was making soaps, movies, so nakiayon lang tayo.


"It took me this long cause we really want to be sure with the concept that we’re gonna do. And at the same time, hindi na kasi yug habol mo dito yung makapag-release ka lang ng album, e. You want something special. You want something na alam mong pinagtuuan ng pansin, pinagbuhusan ng oras. True enough, actually si Tita Malou [Santos], siya yung matagal na nagpi-pitch nitong Decades, retro. This came about when I was taping already for Lovers In Paris. So, sinabay lang namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Nahirapan kaming mamili ng songs kasi ang dami-daming standards. So, let’s just say na sa estado ko as a recording artist, mas gusto ko na lang mag-create ng bago or makagawa ka ng isang bagay na hindi mo pa nagagawa. Kasi marami-rami na rin naman akong nagawang albums, so mas gusto kong mag-focus dun sa bagay na pwede ko pang baguhin."

FAVORITES. Ano ang personal favorite niya sa album?

"Halos lahat, e. Pero ako ang pinakikinggan ko talaga lagi yung ’True Love,’ because para siyang lullaby. That was the last song we recorded. Actually, we didn’t want to record it kasi it’s boring. Pero noong kinanta ko na... si Jonathan [Manalo, album producer] tapos ako noong after recording at mixing noong narinig ko na okay siya. Yun ang pinapakinggan ko sa kotse pag nasa biyahe ako kasi para siyang lullaby lang, yung talagang magaang lang. Nakakagaan ng pakiramdam.


"Gusto ko rin yung ’You’ve Lost That Lovin Feelin’ kasi medyo rock na ito yung uso sa videoke, di ba? Tapos yung ’Terminal,’ yun ang maraming may paborito kasi kaboses ko raw yung original, si Rupert Holmes. Di ba ang lakas ng loob?"


Ano naman ang song niya from his album para sa leading lady niyang si KC Concepcion?

"Unang-una yung ’Can’t Take My Eyes Off You,’ dahil sa napaka-mesmerizing na ganda niya. Tapos yung ’Beyond The Sea’ kasi siya si Little Mermaid, e. Di ba siya yung gumanap noon sa play?"

ON RICHARD POON. Okay ba sa kanya yung idea na maiko-compare silang dalawa ni Richard Poon na napasimula ng pagkanta muli ng standard songs sa Pilipinas?


"Siguro hindi naman maiiwasan yung comparison. But it doesn’t mean na we’re competing with each other. Actually, Richard is a very good friend of mine. We go to the same church, we go to the same small group, and he is my kuya. Kuya in the sense na mas marami siyang alam sa akin sa musika, so I asked him kung ano pa yung pwedeng gawin, kung paano pa mapapaganda yung kanta ko. Tinutulungan niya pa ako. So, I don’t see any point of competing with him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MYX CELEBRITY VJ. Ang opisyal na paglulunsad ng Decades ay matutunghayan sa ASAP ’09 ngayong Linggo, December 13. Mapapanood naman ang music video ng carrier single niyang ’Babe’ sa Myx music channel.


Sa January 2010, birthday month ni Piolo, ay masisilayan ang hunky actor-singer bilang MYX Celebrity VJ.


Abangan naman si Piolo sa kanyang mall shows sa December 13 sa SM Sta. Rosa at January 10 sa SM Dasmariñas.

CLICK HERE to watch Piolo Pascual singing the carrier single of Decades titled "Babe."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN