Sofia will release bossa nova album by January 2010


Sofia says that she is not out to compete with fellow bossa nova singer Sitti. Sofia’s bossa nova album will be released in the Philippines under Vicor Music.


Three years ago tinawag ang bossa nova singer na si Sofia na "accidental recording star" dahil na rin sa hindi niya planadong pagpasok sa Philippine music industry.


"Dapat kasi session singer lang ako," pag-amin ni Sofia nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala nga dapat pangalan e. Doon po yun sa first album ko under Ivory Records. Compilation album po kasi yun ng mga bossa nova songs. Dapat po resource person lang ako noon. Tutulong lang ako sa pagtuturo kung paano kantahin yung bossa, yung intonation. Meron kasi silang gustong kanta, e wala silang mahanap na baguhang singer. Eh, memorize ko yung song. Sabi ko, ’Sige ako na. Ide-demo ko.’ Tapos nagustuhan nila. Hanggang sa ako na po yung kinuha nilang singer mismo. Kasi hindi po kasi ako professional singer. Wala po akong experience sa mga bars. Sa bahay lang po kasi marami pong mahilig sa music. Yung paggigitara ko nga po self-taught lang e."


Okay lang ba sa kanya na tinatawag siyang accidental recording star?


"Para sa akin it’s not something negative kasi yun naman talaga ang totoong nangyari e. Looking back okay lang din. I didn’t know I would be here, di ba? Fortunate turn of events led me here. From the first time na I was supposed to coach lang somebody. And then this happened."

INTERNATIONAL ALBUM. Pero ngayon nahaharap si Sofia sa mas malaki pang challenge sa pagpasok niya sa international recording scene. Ang kanyang international debut album ay released ng kanyang international record company na S2S. Ang S2S din ang nag-release ng hit album ni Aiza Seguerra na Open Arms sa Asia at ginawaran pa nga ito ng Gold Record Award sa Singapore.


Bumilib sa talento ni Sofia ang S2S lalo na ang album producer na si Jun Kagami, a well-known Japanese samba-bossa nova producer. Sinabi pa nilang, "Sofia is another talent who can easily conquer the Asian market. Sofia sings from the heart."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Naunang ini-release sa Japan last October 7 ang Japanese edition album ni Sofia na Blue Moon. Ito ay may 14 songs: 13 covers at isang original song na composed ni Sofia mismo, ang Broke My Heart. Ang cover songs ay kinabibilangan ng Human Nature, How Deep Is Your Love, Don’t It Make My Brown Eyes Blue, Moon River, Out Of The Blue, Dreaming Of You, Only Love, You And me Song, By Your Side, Solitaire, I Believe at dalawang Japanese songs with English lyrics na Dogwood Flower (Hanamizuki) at Miagetegoran Yoruno Hosio.


Sunod namang ini-release ang Asian edition album noong December 7 sa mga bansang Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia, Taiwan, Hong Kong at South Korea. Pareho rin daw ang lineup ng songs na nakapaloob dito sa Japanese edition. Ang tanging kaibahan ay ang pagkakasunud-sunod ng mga kanta sa album plus ang carrier single sa Asian edition ay ang I Believe.


Inaasahan namang maire-release sa January 2010 ang Philippine edition ng album ni Sofia under Vicor Music.

INTERNATIONAL SINGER. Kabilang din sa mga naging tanong ng PEP kay Sofia kung paano siya kinuha ng S2S para maging recording artist nila?


"Pumunta po sila sa Philippines kasi gusto nilang i-license yung album ko before. Nakakuha po kasi sila ng kopya ng first and second album ko under Ivory Records, yung dati kong label. Hinanap po nila ako para i-license yung mga kanta sa album at gagawin daw nilang best of. So, nung nalaman nila na hindi naman ako nakakontrata sa kahit anong label, pinapirma nila ako sa label nila. Yun, nagpadala po sila ng contract," paliwanag ni Sofia.


Ano ang feeling na may international album na siya?

"Sobrang overwhelming kasi hindi ko nga alam na kakanta ako noong una e. Tapos nagkaroon ako ng first then second album. Tapos ngayon international album pa. Kasi noong una kong nalaman na gusto nilang i-license yung album ko ang tanong ko, ’Why do they know me?’ and ’Why me?’ Tapos na-license na, ’Wow, ni-license yung album ko!’ Akala ko kasi ganun lang. Tapos yun pala isa-sign up pa nila ako. Sobrang saya ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ano ang expectations niya ngayong international singer na siya?

"Sana po pagpalain ng Diyos na magkaroon ng follow up album if it does well. Pero ito pa lang unang international album ko sobrang overwhelming na. Feeling ko ang laki ng blessing nito. So, sa ngayon I’m concentrating on this one. And whatever happens after, God willing kung anuman ang mangyari."


Wish niya ba na maabot din ng album niya ang tagumpay ng album ni Aiza Seguerra na parehong S2S din ang nag-produce at nag-release sa Asia?

"Siyempre naman po. Lahat naman ng singer wini-wish na maging successful ang album niya, di ba? Ipinagdadasal ko po talaga na maging successful yung album kasi po malaki rin ang ipinuhunan ng S2S dito sa album ko. Gusto ko lang ibalik sa kanila yung trust and belief na ibinigay nila sa akin. Sobrang ang babait nila sa akin at todo suporta sila sa akin. Kaya ang focus ko ngayon is to work harder."

SONGWRITER. Bukod sa pagkanta, songwriter din si Sofia. Nasubukan nga ang galing niya sa paggawa ng kanta sa nag-iisang original song sa album niya na "Broke My Heart." Natural lang din daw na ito ang maging favorite niya sa lahat ng mga kanta sa album niya.


Saan siya kumuha ng inspirasyon para maisulat ang kantang ito?

"It’s based on the experience of my friend. Meron kasi akong kaibigan na nakipag-break sa longtime boyfriend niya. Parang Broke My Heart is about... syempre kapag break na kayo, you think you’re over him or her e, na wala ka nang napi-feel. This song is about she’s looking out at the window and then she saw him. She thought na okay na siya. Pero noong nakita niya yung lalaki, he still broke her heart. So, meaning meron pa, she still loves him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ayon kay Sofia, hindi naman daw sawi ang puso niya ngayon kaya hindi para sa kanya ang song na ito.


"Happy naman ang lovelife ko. May boyfriend po ako ngayon. Going two years na kami. Magkasundo po kami kasi pareho kaming mahilig sa music."


NOT COMPETING WITH SITTI. Samantala, hindi naman maiwasang maintriga si Sofia sa tinaguriang Philippine Bossa Nova Queen na si Sitti lalo na nga’t pareho ang kanilang genre of music.


Ano ang feeling niya na tila na-dominate na ni Sitti ang larangan ng bossa nova?

"I don’t see it as she dominated this or something. For me it’s not like dominating. I don’t look at it like that. What I’m saying is if you really like music, in the end what’s important is not you, e. Parang what you are creating and what’s the emotion you are giving to your song, I think that’s more important."


Ayon pa kay Sofia , hindi naman daw siya nakikipagkumpitensiya kay Sitti kaya sana raw ay huwag na silang intrigahin.

"I don’t think artists should be competing kasi it’s not helpful to the music industry. Of course, you can’t blame people for comparing kasi we’re both female singers. We’re both in the same genre. But if you’re an ambassador of music, I don’t think it’s helpful to be thinking about competition. I think it’s better to focus and be better on your craft. Kasi pag nawala yung competition mo, what’s the reason to get better pa, di ba? What’s more important is giving the people more music, more songs to hear and appreciate."


Ano sa tingin niya ang edge niya kay Sitti?

"I can’t say I have this edge and she has this edge. I don’t know how to put it. Siguro one thing I can be proud of is that I can play different musical instruments like the guitar, drums, violin. And I also have an international album."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Given the chance, willing ba siyang makipag-collaborate kay Sitti?

"Oo naman, why not? Okay naman kahit sinong artist, okay sa akin."


Hindi man siya kasing sikat ni Sitti ngayon, hindi naman daw naiinip si Sofia na maabot ang tugatog ng kasikatan?


"Ang philosophy ko in life is kung ano yung dumating sa iyo, bigay yun ng Diyos, tanggapin mo. Like ako, yung past ko nagtapos ako ng medicine pero ngayon singer ako. Tapos I also have a day job as a copywriter. Life is about grabbing all the opportunities and not about thinking na you have competition. Work hard for your self."


Umaasa rin si Sofia na mas marami pa ang maka-appreciate ng kanyang musika lalo na ngayong may international album na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN