Gary V. a hit in Singapore!

by Nitz Miralles
Apr 24, 2007
Mr. Pure Energy Gary Valenciano (in photo) recently staged a concert in Singapore and, according to his wife and manager, Angeli Pangilinan-Valenciano, the show was a success and the promoter was very impressed with Gary's performance.

Nai-text ni Angeli Pangilinan-Valenciano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na successful diumano ang concert ng kaniyang mister na si Gary Valenciano sa Suntec Hall sa Singapore noong April 21. Singaporeans and non-Singaporeans daw ang pumuno sa 3,000 capacity venue.



Ayon kay Angeli, sobrang impressed daw ang promoter nitong si Tata Tabrani na kumuha kay Gary kahit never pang napanood nitong mag-perform ang beteranong singer-performer. Nababalitaan lang nito sa mga kaibigan at kakilala kung gaano kagaling ang ating kababayan. According to Tata, si Gary raw ang Asia's best-kept secret.



Kabilang din daw sa mga nanood ng concert ni Gary ay ang number one photographer ng Asia na si Russell Wong. Siya ang fotog na kumuha ng picture ni Donita Rose nang ma-cover siya sa TIME Asia. Nag-enjoy raw sa concert at sa pagkuha ng pictures ni Gary si Russell at umabot diumano sa four CDs ang nakuha niyang mga litrato.



Kuwento pa ni Angeli, kasama ni Russell na nanood ng concert ang kaibigang British fotog named Rupert na na-impress din kay Gary. Sabi raw nito after Gary's performance, "I have seen quite a few great performers, it is a privilege to have watched you. You connect to your audience, and it is quite an experience."

Continue reading below ↓



Nagulat yata ang British photographer nang makitang may nag-iiyakan sa audience dahil sa touching spiel and performance ni Gary. Sa June 4, sa Beijing naman magpapamalas ng kaniyang galing si Gary, dahil kinuha siya ng Hewlett Packard na maging main performer sa gala night ng Global Convention nila.



Also by now, nakapag-shooting na si Gary sa indie film na Gulong para sa Cinemalaya. First directorial job ito ni Sockie Fernandez, formerly in-house director and production boss ng Unitel. Si Butch Jimenez daw ang nag-request kay Gary na mag-guest sa movie. Kasama niya rito ang mag-asawang sina Barbara Perez at Robert Arevalo.



Excited si Gary na muling mag-pelikula dahil nabulilyaso ang comeback movie niya last year na Father's Day presentation sana ng film company ni Dondon Monteverde, kung saan nakasama sana niya ang mga anak na sina Paolo at Gab Valenciano.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mr. Pure Energy Gary Valenciano (in photo) recently staged a concert in Singapore and, according to his wife and manager, Angeli Pangilinan-Valenciano, the show was a success and the promoter was very impressed with Gary's performance.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results