Sylvia Sanchez's first venture as a concert producer, a success!

by Rommel R. Llanes
Apr 28, 2007
"Kabado ako sa venture naming ito since first nga. Marami ang nagsasabi sa akin, ihanda ko na ang sarili ko dahil usually daw, pag una, either lugi or break-even lang," said actress Sylvia Sanchez at the start of her first venture as a concert producer.


Tuwang-tuwa ang aktres na si Sylvia Sanchez dahil successful ang first venture niya bilang concert producer, ang Bamboo...Rocks!, last April 20 sa Metro Concert Bar, West Avenue.

Napuno ang naturang venue ng mga dumalo sa event. Aminado naman si Sylvia na marami sa kanila ay mga kabigan niya, in-and-out of show business.

"Talagang kinusap ko ang mga kaibigan ko. Sabi ko sa kanila, since first venture ko ito as a concert producer, kailangang suportahan nila ako. Or else, magsasaulian kami ng kandila!" tawa nang tawang kuwento sa amin ni Sylvia nang nakausap namin siya last April 23 sa Podium.

Ang ilan sa mga celebrity friends ni Sylvia na bumili ng tickets at nanood ng Bamboo... Rocks! ay sina Bayani Agbayani, Shyr Valdez, Smokey Manaloto, Mymy Davao, Gary Lim, Maureen Mauricio, at Lotlot de Leon.

"Kabado ako sa venture naming ito since first nga. Marami ang nagsasabi sa akin, ihanda ko na ang sarili ko dahil usually daw, pag una, either lugi or break-even lang," sabi ni Sylvia.

Continue reading below ↓

Pero masaya namang ibinalita ni Sylvia na kumita sila sa naturang show.

"Hindi naman ubod ng laki ang kinita namin, tama lang. At least, hindi nalugi at hindi rin break-even lang," sabi pa ng aktres.

Ikinuwento rin ni Sylvia na bukod sa mahusay na performance ni Bamboo, very happy and proud din siya na marami ang na-impress sa guests ng show, ang First High Kids dancers. Tatlo sa mga members ng teen dance grupo ay mga anak ni Sylvia na sina Pia, Ria, at Arjo Atayde.

"May mga lumapit sa akin na mga talent scouts. Interesado silang kunin ang mga bata para sa mga TV shows. Hindi sila makapaniwalang first time na nag-perform ang mga bagets, dahil mahuhusay raw at hindi nagkamali sa mga steps nila at hindi kinabahan," very proud na sabi ng aktres.

"Naku, dapat lang na naging maganda ang ipinakita nilang performance! Binantayan ko talaga ang bawat rehearsal nila. Ayoko talagang mapahiya sila dahil first guesting nila yun. Ayoko rin namang may magsabing porke mga anak ko, isinali ko sa show kahit walang karapatan. Isa pa, sila naman ang may gusto. Mahilig kasing sumayaw yung tatlong anak kong teenagers.

Continue reading below ↓

"Dahil mahusay naman ang naging participation nila sa show, at least, napatunayan ko naman na may K ang mga anak ko na mapasali sa concert. And masaya naman ako na hindi nila ako ipinahiya."

Dahil sa success ng unang production venture nila, isa na namang concert ang pinaplanong i-produce ni Sylvia, under First High Productions, with her partners Myles Gamboa, Bobby Casuela, and Ann Rigor. This time, they are eyeing Sam Milby for a solo concert in August.

Read Next
Read More Stories About
Sylvia Sanchez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kabado ako sa venture naming ito since first nga. Marami ang nagsasabi sa akin, ihanda ko na ang sarili ko dahil usually daw, pag una, either lugi or break-even lang," said actress Sylvia Sanchez at the start of her first venture as a concert producer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results