Regine Velasquez to produce Piolo Pascual's next album

by Rey Pumaloy
Apr 30, 2007
Piolo Pascual was so inspired by his work with Regine Velasquez for the soundtrack of their movie, he has decided to do a complete album under the Songbird's record label.

Magpu-produce ng album si Regine Velasquez para sa kanyang leading man sa Paano Kita Iibigin, si Piolo Pascual. Ito ay sa ilalim ng IndiMusic, ang record label na joint venture ng Asia's Songbird at ni Ogie Alcasid.

Sa pagtatapos ng kontrata ni Piolo sa Star Records, hindi na raw magre-renew dito ang actor-singer. Sa halip ay pipirma raw ito ng kontrata sa record label nina Regine at Ogie. Sa kasalukuyan ay dalawa pa lang ang artists ng IndiMusic, sina Dennis Trillo at ang bandang Mom's Cake.

Ayon kay Piolo, na-inspire daw siya kay Regine nang i-produce nila ang soundtrack ng pelikula nilang Paano Kita Iibigin, a joint production of Star Cinema and Viva Films directed by Joyce Bernal.

Si Regine daw ang naging vocal coach at teacher ni Piolo habang ginagawa nila ang soundtrack ng kanilang pelikula. Tinuruan daw si Piolo ng mahusay na singer ng tamang paraan ng pagkanta at kinorek din siya sa maling paraan ng paggamit ng kanyang boses. Nagsilbing eye-opener at learning experience daw ang ginawang pagga-guide sa kanya ni Regine kaya naging palagay ang loob ng aktor sa kanya.

Continue reading below ↓

Ayon pa rin kay Piolo, may mga bagay raw siyang hindi ginawa sa kanyang mga naunang albums na magagawa niya sa album na gagawin for Regine and Ogie. Base sa kanilang initial meetings, mga original songs daw ang ilalagay sa kanyang album.

Matatandaang si Ogie ang nag-compose ng awiting "Kailangan Kita," na isa sa mga naging hits ni Piolo at naging theme song ng pelikula nina Aga Muhlach at Claudine Barretto. Si Ogie rin ang lumikha ng theme song ng Paano Kita Iibigin, na inawit naman nina Regine at Piolo.

Nililinaw lang ni Piolo na hindi siya nagrereklamo sa pakikipagtrabaho niya sa Star Records. Ipinagpapasalamat nga niya ang pagbigay sa kanya ng apat na albums na pawang bumenta sa record bars.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual was so inspired by his work with Regine Velasquez for the soundtrack of their movie, he has decided to do a complete album under the Songbird's record label.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results