Myrus will perform with Regine Velasquez on February 27


The concert dubbed as Myrus The Sentimental Prince will take place at Teatrino, Greenhills on February 27, 2010. Myrus will be joined by Regine Velasquez and former MYMP vocalist Juris.


His album Love Recycle was awarded gold last Decmeber 13 in ASAP ’09 kaya’t din a kataka-taka kung isang malaking concert na ang pinagkakaabalahan sa ngayon ni Myrus. Dubbed Myrus The Sentimental Prince, gaganapin ito on February 27 sa Teatrino, Promenade, Greenhills, dalawa sa pinakamalaking guests ni Myrus sa gabing ito ay sila Juris, dating vocalist ng MYMP, at ang Asia’s Songbird, Ms. Regine Velasquez.


Nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Myrus, agad naming tinanong ang singer kung di ba siya nakakaramdam ng kaba o pressure na sa galing ni Regine ay baka masapawan o ma-upstage siya nito sa mismong concert niya.


"Base sa napapapanood ko and knowing Ms. Regine, di siya ’yung tipo ng taong mananapaw saka sa kanya talagang tulungan sa pagkanta dahil kung maririnig mo siya na may ka-duet, talagang nakikpag-blend siya. Ngayon di ako kinakabahan masyado kasi sa halos naman ng mga male artists sa Philippines even sa ibang bansa, gusto na siya ang maka-duet. Iba siya makipag-work, talagang teamwork."


Kampante ngang masasabi si Myrus na walang sapawang mangyayari dahil nagpa-move pa pala ng Singapore trip si Regine para lang makapag-guest sa kanya. Bukod pa rito, ni hindi raw nila pinag-usapan ang talent fee ng Asia’s Songbird. Masaya ring kinuwento sa amin ni Myrus na nakapunta na pala sila sa bahay ng singer in Bulacan dahil na rin sa invitation ni Regine at maging sa online Twitter account ni Regine ay nag-shout out ito na sana suportahan ng fans niya si Myrus.


"Mayroon ibang mga artists ang dapat nandun tapos parang in-offer ni Ate Cacai si Ms. Regine na mag-guest sa concert ko. Nung una di muna okay kasi mayroon yatang Singapore trip si Ms. Regine sa Feb 27. Ang ginawa niya, pina-move niya ang Singapore trip niya. Heto na, finally buung-buo na, kasama ko sila Juris and Ms. Reg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Support talaga siya sa akin, ’yung pagge-guest niya sa concert ko na wala siyang hinihinging kapalit, sobrang malaking utang na loob ko sa kanya. Sobrang na-inspire ako na lalong galingan ko pa."


"Dun sa Twitter niya, ang sabi niya, ’Let’s support Myrus, I believe in his talent.’ Super flattered ako at the same time, na-amaze ako. As a newcomer, iba yung pakiramdam mo na may mga tao na super big sa industriya na sinusuportahan ka at naniniwala sa iyo.


"Yan ang mga talagang priceless, walang katumbas na halaga at hanggang pagtanda ko, tatandaan ko ’yung utang na loob na ’yun sa kanya."


"Nakapag-lunch and dinner na kami ng manager ko sa kanila, siya mismo ang nag-invite sa amin. Star Awards nun for Music, sinabihan niya ako, ’Uy, punta kayo on Thursday sa bahay.’ Ganun siya ka-warm, ganun siya kasarap magluto."


Excited rin na kinuwento ni Myrus ang dapat na abangan na repertoire ng mga kakantahin niya at maging ang mga numbers nila together ni Juris.


"Bukod sa mga guests ko, pinaghahandaan ko ito ng sobra, lahat ng mga songs na hindi na naririnig, ipaparinig ko uli. Mga OPM, puro sentimental songs, mga jukebox, para siyang regalo kasi nandun ang lahat. Kakantahin ko rin ang ’Sayang.’ Medyo malungkot nga lang ako kasi ang akala ko makaka-duet ko si Tita Claire [dela Fuente]. Unfortunately di siya yata puwede na sa kahit na anong shows so kakantahin ko na lang yung ’Sayang’ mag-isa.


"Kami naman ni Juris, duet kami at ’yun ang isa sa dapat nilang abangan kasi matinding sagutan ang mangyayari. Kumbaga ’yung isang kanta, guguluhin namin, lalagyan namin ng isa pang kanta."


Sa isang issue ng Pinoy Songhits, nabanggit doon na si Myrus raw ang Favorite New Male Artist ni Jed Madela. Ayon kay Myrus, sobrang flattered siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga hinahangaang tao sa larangan ng musika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Nagulat ako na pagbukas ko ng songhits, ang nalagay na favorite Male Artist ni Jed ay ako. Nung nabasa ko ’yun, nag-message ako agad sa Facebook niya, nag-thank you ako. Nag-reply naman agad siya, ’you’re welcome.’ At sabi niya gusto niyang manood ng concert ko kung wala lang siyang concert on Feb 27. Ang saya sa pakiramdam, ang sarap!"


Tickets to Myrus The Sentimenetal Prince are available at Teatrino, Promenade, Greenhills. Intereted parties can also call Tel. Nos. 687-2649 or 664-7213.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN