Pokwang totally denies US concert with Piolo, Sam, and Rica was a flop

by Melba R. Llanera
Apr 28, 2007
"Di maiiwasan yung ganyan na intriga. Pero kami kasi yung nandun, kami yung nakaalam. Sa sobrang tuwa nga ng mga producers namin, nasa Pilipinas na ako, may mga humahabol pang regalo... sobrang natuwa sila sa sobrang ganda ng resulta," says Pokwang.


Bumista ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng ABS-CBN sitcom na Aalog-Alog, kung saan kasama ang comedienne na si Pokwang. Sinamantala na namin ang pagkakataon upang tanungin si Pokwang sa lumabas na balitang nag-flop ang series of concerts niya sa US with Piolo Pascual, Sam Milby, and Rica Peralejo.

Pinabulaanan ni Pokwang ang balitang ito. Ayon sa kanya, malaking tagumpay ang mga show nila sa Chicago, Stockton, Las Vegas, at New York.

"Diretso akong tao. Pag sinabi kong kumita, kumita talaga. Pag hindi, hindi talaga kumita," mariing sabi ni Pokwang.

"Ang masasabi ko lang, success talaga yung show namin nila Piolo," masayang balita ni Pokwang. "As in, grabe yung tao, soldout ang tickets, jampacked ang tao. Saka saan ka naman nakakita na nakapanood na sila from Chicago, lilipad pa sila pauwi ng New York para makapanood uli? Then, yung nakapanood sa New York, pupunta pa ng Stockton para makapanood uli. Ganun sila na-addict sa show, ganun nila na-appreciate yung show."

Continue reading below ↓



Dagdag niya, "Di maiiwasan yung ganyan na intriga. Pero kami kasi yung nandun, kami yung nakaalam. Sa sobrang tuwa nga ng mga producers namin, nasa Pilipinas na ako, may mga humahabol pang regalo—mga signature shirts at naloka ako! Sobrang natuwa sila sa sobrang ganda ng resulta. Ayan nga, may booking kaming bago, from June to December. Puro out of the country shows ako."

Sa kasalukuyan, tatlong shows ang ginagawa ni Pokwang para sa ABS-CBN—Aalog-Alog, At Home Ka Dito, at ang hindi pa naipalalabas na Ysabella. Nagpapasalamat si Pokwang na nauunawaan ng ABS-CBN management ang kanyang mga raket abroad. Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa staff ng shows na kinabibilangan niya dahil sa pag-a-adjust sa kanyang availability.



"Buti na lang nakuha sa pakiusapan at saka ginagawa talaga nila na ma-adjust yung araw. Kailangan before taping, nakabalik na ako. Sa akin kasi, hanggang may trabaho, dapat lalo mong sipagan. Kasi pag nawala na ‘yan, wala na talaga. Sabi ko nga, hanggang mainit ang sabaw, higop lang nang higop," paliwanag ni Pokwang.

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Pokwang sa PEP na suwerte siya pagdating sa kanyang career, pero tila malas naman siya sa larangan ng pag-ibig. Aminado ang komedyana na hindi pa niya isinasara ang kanyang puso sa tawag ng pag-ibig, pero hindi raw kasama sa mga dasal niya ang magkaroon na ng bagong lovelife.



"Sa ngayon, araw-araw na lang akong nagpapasalamat sa mga biyaya at magagandang dumarating sa buhay ko. Kung may pangit man, yun ang pinagdarasal ko na malagpasan ko sana. Ang lovelife kasi kahit ayaw mo, kahit iwasan mo, kung talagang sa iyo, darating at darating yun. Siguro, yung para talaga sa akin, di pa sa ngayon. Siguro ang sabi ng Diyos, ‘Dito ka muna. Mag-focus ka muna sa trabaho at sa anak mo,'" nakangiti niyang pahayag.

Bagama't dalawang taon pa lang si Pokwang sa show business, nakapagpundar na siya ng sarili niyang bahay. Bukod pa rito ang kanyang mga sasakyan, na ang isa ay ginawa niyang service sa mga estudyante sa lugar nila. She's also the co-owner of Blue Without U, a bar located sa Esquinita, malapit sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Di maiiwasan yung ganyan na intriga. Pero kami kasi yung nandun, kami yung nakaalam. Sa sobrang tuwa nga ng mga producers namin, nasa Pilipinas na ako, may mga humahabol pang regalo... sobrang natuwa sila sa sobrang ganda ng resulta," says Pokwang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results