Yeng Constantino denies snubbing Pinoy fans in the US

by Ruel J. Mendoza
Apr 29, 2007
"Alam ko ang trabahong pinasok ko. Alam ko rin ang hirap ng mga kababayan natin doon, na bumili sila ng tickets at bumiyahe pa sila nang malayo para lang makita kami nang personal. Tsaka, bakit naman ako magsusungit?" says Yeng Constantino. In this photo with her co-Pinoy Dream Academy scholars in the US, she is seen in the middle.


Nagtataka ang Pinoy Dream Academy (PDA) Grand Dreamer na si Yeng Constantino kung bakit may nagkakalat ng balitang nagmaldita raw sila ni Panky Trinidad sa ilang Pinoy fans sa Amerika. Kababalik lang ng dalawa—kasama sina Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, Irish Fullerton, at Chad Peralta—mula sa kanilang U.S. concert tour.



Ayon kay Yeng, wala raw siyang matandaang insidente na nagtaray o nagsungit siya sa U.S. tour nila. Parati raw siyang accommodating sa mga lumalapit sa kanyang mga fans.

"Iniisip ko nga kung kailan ako nagsungit sa States. Wala naman akong matandaan na nagpakita ako ng pangit na ugali. Alam ko ang trabahong pinasok ko. Alam ko rin ang hirap ng mga kababayan natin doon, na bumili sila ng tickets at bumiyahe pa sila nang malayo para lang makita kami nang personal. Tsaka, bakit naman ako magsusungit? Wala akong karapatan na maging ganon, di ba?" sagot ni Yeng sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓



Kahit nga raw pagod siya sa biyahe nila sa U.S. ay parati pa rin siyang nakangiti. Hangga't maaari raw ay pinagbibigyan niya yung mga gustong humingi ng autograph niya o magpapa-litrato na kasama siya.



"Malaki ang utang na loob ko sa mga fans," diin ni Yeng. "Kasi sila ang nagpanalo sa akin sa PDA. Kung hindi dahil sa text votes nila sa akin, walang Yeng Constantino na mananalo. Kaya hinding-hindi ako magbabago dahil ako pa rin ang Yeng na minahal nila."



Sa totoo nga ay tuwang-tuwa si Yeng sa mga Pinoy fans sa U.S. dahil halos lahat ng naiuwi niyang pasalubong mula sa Amerika ay regalo ng mga fans! Kabilang sa mga iniregalo sa kanya ay laptop, play station, mga sapatos, bags, damit, at kung anu-ano pa. Dahil nga sa pag-asikaso ng mga fans doon, hindi na raw nagastos ni Yeng ang allowance na ibinigay sa kanila.



Sa ngayon ay may hinala na raw ang Dream Big Productions kung sino ang naninira kay Yeng, at pati na sa ibang hawak nilang galing sa PDA. Kapag nakasigurado na raw sila, kakausapin daw nila ito para alamin kung bakit ito nagkakalat ng mga paninira laban sa PDA.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko ang trabahong pinasok ko. Alam ko rin ang hirap ng mga kababayan natin doon, na bumili sila ng tickets at bumiyahe pa sila nang malayo para lang makita kami nang personal. Tsaka, bakit naman ako magsusungit?" says Yeng Constantino. In this photo with her co-Pinoy Dream Academy scholars in the US, she is seen in the middle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results