Ronnie Liang cried on his first trip to the US


One of the tourist spots Ronnie Liang visited when he went to the United States was Disneyland. In this photo, Ronnie (leftmost) is joined by co-Pinoy Dream Academy scholar Yeng Constantino (center) and a young fan.



Napaiyak at niyakap ng Pinoy Dream Academy (PDA) runner-up na si Ronnie Liang ang mga pader ng Los Angeles Airport nang makarating siya roon. Kasama ng iba pang PDA scholars, naroon si Ronnie bilang panimula ng U.S. concert tour nila pagkatapos ng Holy Week.



Dalawang linggong manghang-mangha si Ronnie sa ganda ng U.S., na noon ay sa panaginip lang niya napupuntahan. Kaya nga walang sawang nagpalitrato si Ronnie sa magagandang lugar na pinuntahan nila.



"First time ko kasi sa U.S. kaya hindi ko mapigilang maiyak," medyo nahihiya pang sabi ni Ronnie. "Noon, sa pictures ko lang nakikita ang U.S., lalo na ang Disneyland. Ngayong narating ko na, hindi pa rin ako makapaniwala."



Kuwento pa niya, "Nakakatawa nga kasi sa mga unang pinuntahan namin, puro mga Pinoy ang nakikita namin. Napaka-generous nila sa amin. Parang hindi rin kami umalis ng Pilipinas. Pati mga pagkain namin, puro Filipino foods. Akala namin maiiba lahat kapag nandoon kami, pero parang Pilipinas pa rin ang nasa paligid mo.



"Kaya hindi kami masyadong na-homesick kasi very warm ang pagtanggap sa amin ng mga tao roon. Lalo na noong nasa Las Vegas kami, in-acknowledge pa ni Ms. Lani Misalucha ang presence namin. Sinabi niya sa audience, na mostly mga Americans, na suportahan daw kami kasi kami raw ang new breed of singers sa Pilipinas."



Among the six PDA scholars na pumunta sa U.S., si Ronnie raw ang pinakamaraming naiuwing pasalubong. Panay raw kasi ang bigay sa kanya ng mga fans doon, kaya halos di niya nagastos ang allowance nila.



"Ang babait ng mga tao roon," sambit ni Ronnie. "Nagugulat na lang ako kasi may mamahaling regalo sila sa aming lahat. Nakapag-uwi nga ako ng laptop, iPod, at mga damit at sapatos. May ibinigay pa silang pasalubong para sa pamilya ko."



Samantala, si Ronnie na mismo ang nagsabi na hindi nagtaray sa mga Pinoy fans sa U.S. sina Yeng Constantino at Panky Trinidad. Nagulat din siya sa lumabas na balita dahil parati raw silang magkakasama sa mga lakad nila roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala namang ganong nangyari. Kung nagtaray sila, dapat alam naming lahat. Mapagsasabihan namin sila. Kasi nga kung gagawa sila ng hindi maganda, madadamay kaming lahat. Pero wala namang ganun, e. Kawawa naman sina Yeng at Panky. Wala silang kaaalam-alam na naiintriga na sila rito habang nandoon kami sa U.S.," paliwanag niya.



Sa pag-uwi ni Ronnie ay agad siyang nag-mall tour para sa kanyang debut album, ang Ang Aking Awitin. Isa nga sa mga most-requested songs sa FM stations ang carrier single niyang "Ngiti," which is the theme song of the ABS-CBN teleserye Hiram na Mukha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN