Ex-Pinoy Idol finalist Carol Leus grabs another chance at singing


Carol Leus, the first finalist who got eliminated from Pinoy Idol, bounces back with a self-titled album. The Batangas lass says she and her batchmates have lost touch since the local franchise of Americal Idol ended last August 17, 2008.


Sa mga naging tagasubaybay ng Pinoy Idol, siguradong familiar na kayo kay Carol Leus, na siyang kauna-unahang natanggal among the 14 finalists noon. Pero hindi natuldukan ang kanyang pangarap bilang singer noong gabing na-eliminate siya sa contest.

Sa totoong laban ng buhay, ang importante pa rin ay kung sino ang tatagal at magniningning. Napakarami na ring nasalihan na contest si Carol, at nagwagi pa nga ito sa ilan, gaya ng—StarQuest 2003 Dubai, where she emerged as the First Runner-up; TFC Popstar Duibai 2004, where she was the Grand Champion; UPLB Star in Carillon, where she was also hailed Grand Champion, to name a few.

After Pinoy Idol, mas nag-concentrate muna si Carol sa kanyang kursong Music Production sa La Salle Benilde.

Aniya, "After po kasi ng competition, bumalik din po ako agad sa school. Parang nag-L.O.A. lang ako sa school. 17 pa lang ako nun, mag-e-eighteen. Parang naisip ko, siyempre, kahit paano po naghihintay rin ako kung may magiging offer, e, wala rin po, so bumalik muna ko sa school dahil wala rin naman po akong balak na hindi tapusin."

It was only late last year when she decided to have a fresh start with her singing career, with the help of his manager/album producer Boy Christopher.

Out na sa market ang kanyang self-titled album na Carol Leus, na may 12 tracks—including her carrier single "Timang," a composition of Boy Christopher, who also did Willy Garte’s "Bawal Na Gamot."

Other songs included are "Magkaibigang Nagkaibigan," "Just To Make You Stay," "Hindi Ako Laruan," "Kung Magbabalik Ka," "Senti," "Ngayon Lang," "Our Love Will Always Stay," "Tunay Na Pag-Ibig," "Malilimutan Din Kita," and "Paalam at Good Luck."

Pangarap daw niya talaga ang pagkanta. At masaya siya sa second chance na ibinigay ng kanyang manager at co-manager nitong si Roldan Castro. Para kay Carol, it’s never too late to resume her aborted singing career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong matanggal po ako ng Idol, inisip ko po na paano nga po kung hindi pala ako para rito. Iba pala dapat yung career na ginagawa ko or sinusundan ko? Pero noong medyo tumagal-tagal na, na-realize ko na [sa] competition, lahat naman natanggal, nauna nga lang ako. At saka, nasa ano rin ’yan, kung panahon mo talaga," ang paliwang ni Carol.

Maraming singers sa bansa, ano ang edge niya sa kanila?

Ang sagot ng Batangueña, "Siguro po yung course ko na rin po because kahit paano, may alam din po ako sa technical side ng music. Kaya ko rin po pinili ang course na ito para hindi naman po ako yung singer na marunong lang kumanta. Kumbaga, alam ko rin po yung behind the scene sa paggawa ng kanta."

During the music video shoot for her carrier single, she has Joross Gamboa as her leading man.

"Noong una nga po, akala ko non-showbiz ang kukuhanin nilang ka-partner ko, natuwa po ako noong malaman ko na pumayag siya," ang kuwento ni Carol. "Actually, SCQ days pa lang po nila noon, kilala ko na sila. Kaya noong malaman ko na siya ang ka-partner ko, na-excite po ako."

Kuwento pa ni Carol, hindi raw niya akalain na magiging supportive rin sa kanya ang young actor.

Dugtong ng dalaga, "Nakakatuwa po siya kasi, siyempre po siya, mas sanay na po sa pag-arte, pero, nagawa po niya na hindi ako mailang at mas maging relaxed sa shoot namin. Minsan po, siya pa po ang nagko-coach sa akin."

At nang papiliin siya kung sino ang singer na gusto niya pamarisan, "Sarah Geronimo" ang sagot nito.

"Kasi hindi lang po siya singer, umaarte rin siya. Gusto ko po, ganundin na kapag medyo gamay ko na ang music scene, makakapag-explore rin ako ng ibang area ng showbiz. Makakasayaw, makaka-arte, yun po sana," ang sabi ni Carol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And although Carol was first seen in GMA-7 because of Pinoy Idol, open daw siya ngayon sa kahit na anong network na puwede siyang bigyan ng pagkakataon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN