Bugoy Drilon releases second album under Star Records


According to Bugoy Drilon, the people behind Star Records were the ones who chose the seven tracks to be included in his self-titled album. Bugoy admitted that he once courted fellow PDA scholar Liezel Garcia.


After the success of his first album, heto’t may second album na muli ang 2nd Star Dreamer na si Bugoy Drilon under Star Records. In this self-titled album, kasama sa track list ang revival ng mga sumikat na kanta tulad ng "Hindi Na Bale" na unang pinasikat ni Jessa Zaragosa.


Aminado naman si Bugoy na nandun ang pressure at kaba dahil sa tagumpay na tinamo ng kanyang first album pero umaasa siyang tatangkilikin at susuportahan din ng tao ang kanyang second album lalo’t No. 1 song na ito sa mga radio stations.


"Actually nung nag-click yung first album ko na Paano na Kaya, tapos yung ’Muli,’ inisip ko na sana maging successful at mag-click din itong second album ko. Actually, three weeks na sa isang radio station, Number One ang song ko ("Hindi Na Bale"), tapos sa ibang radio stations nag-Number One na din siya.


"Happy ako coz pine-play nila at malakas ang airing ng song ko kaya thankful ako sa suporta ng mga listeners at ng mga DJs sa akin."

Composed of seven tracks, ang album na Bugoy ay may carrier single na "Hindi Na Bale."


"Mayroon siyang 7 tracks, kasama ang "Paano Na Kaya?" for the Paano Na Kaya movie, tapos may carrier single na ’Hindi Na Bale’ na ni-revive ko at unang pinasikat naman ni Ate Jessa Zaragosa. Ginagamit siya sa isang teleserye ng ABS ngayon, actually dalawa sa mga kanta ko sa album ang ginagamit sa shows ng ABS-CBN sa ngayon.


"Actually, Star records ang namimili kung ano ang isasama sa album ko and magaganda naman ’yung choices nila. ’Hindi Na Bale’ and ’Sana Ibigin Mo’ ang favorites ko, magaganda kasi yung lyrics niya, gusto ko rin yung tono niya at saka nararamdaman ko yung pagkakanta ko sa kanya, yung emosyon."

CONFUSED BUGOY? Sa mini-presscon na binigay kay Bugoy, paulit-ulit na sinabi ng singer na hindi pa siya nai-in love at nagmamahal talaga kaya di siya nakaka-relate sa mga pinasikat na kanta. Agad ay tinanong namin sa kanya kung di ba siya na-in love sa kapwa PDA Star Dreamer na si Liezel Garcia. May balitang niligawan niya ito noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Confused ako that time, di pa naman din siya ready, masyado rin daw akong bata para sa kanya. Aaminin ko na in love ako sa kanya dahil yun ang tipo ko sa babae. Simple lang siya, di maarteng tao, tapos tulad ko wala pa rin siyang nagiging relationship. Ayaw niyang magkailangan kami as friends, ako kasi kung ayaw ng isang tao sa akin, di ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Marami pa naman akong ibang makikilala, ’saka nirerespeto ko ang desisyon niya."

Bukod sa pagkanta, gusto ring subukan ni Bugoy ang pag-arte, lalo na kung makakasama niya ang mga showbiz crushes niya.


"Gusto kong umarte, gusto kong maranasang umarte in front of a real camera.... Gusto kong makasama sila Toni Gonzaga, Angel Locsin and Anne Curtis. May iba’t ibang characters kang makikita sa kanilang tatlo kaya hinahangaan ko silang tatlo.

"Si Toni kasi kahit na ano ang ipagawa sa kanya, nagagawa niya, comedy, drama, hosting, ’yan ang professional na artista, na kahit na anong gawin, kaya niya. Si Anne naman, iba e, pag nakikita mo sa TV, may iba siyang karakter na pag tinitingnan mo sasabihin mo sa sarili mo, ’ang ganda-ganda nito, ang gandang panoorin sa TV.’"


Wala naman akong masasabi kay Angel kundi napakabait niya kasi nagkasama na kami, napakabait niya, napaka-down to earth niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN