Sarah Geronimo to stage major concert in July


Young pop star Sarah Geronimo is scheduled to hold her next major concert in July. Viva Concerts is reportedly eyeing a Fil-Am performer to be her special guest.



Nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkakaroon ng another major concert sa Araneta Coliseum si Sarah Geronimo sometime in July. Sa preliminary meeting ng Viva Concerts, napili si GB San Pedro na siyang magdirek ng wala pang title na concert ni Sarah.



Sa May 5 meeting ng mga producers, ang guests sa concert na ang pag-uusapan. Kung makukuha ang isang Fil-Am performer na mag-guest ay malaking panghatak ito para panoorin ng mga tao ang concert ni Sarah. Bawal pang sabihin kung sino ang tina-target na maging main guest ni Sarah, pero marami ang matutuwa ’pag natuloy ang Fil-Am singer.



Ang plano’y magpapalitan ng paggi-guest sina Sarah at ang Fil-Am performer dahil magkakaroon din ng solo concert ang huli after Sarah. Kapag nag-click sa local audience, dadalhin sa abroad ang pagsasamahing concert.



Samantala, tuloy ang pagtatambal sa pelikula nina Sarah at John Lloyd Cruz, pero hindi pa sigurado kung ang remake ng Dear Heart pa rin ang kanilang gagawin. Nagpahayag ang singer-actress na gugustuhin niyang original material ang gawin, matapos mabasa ang sinabi ni Sharon Cuneta na ayaw niya sanang i-remake ang first movie nila ni Gabby Concepcion. Ang pakiramdam kasi ng Megastar ay panganay na anak ang kukunin sa kanya kapag itinuloy ang remake ng kauna-unahan niya ring pelikula. Sensitive naman si Sarah sa kagustuhan ng nakatatandang singer-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN