Suy releases her 12-track album under Ivory Music


Suy has recently released her 12-track album titled Simply Suy. The acoustic singer will have a solo gig at the House of Runes on May 14.


A new acoustic singer has been launched by Ivory Music. With her three letter name, listeners will easily remember her, especially upon hearing her sultry voice. Ivory Record’s new recording artist is Suy.


Suy recently serenanded members of the press at the House of Runes in West Avenue during the launching of her self-titled album titled Simply Suy.

Isang original song, ang "You’re All That I Need" ang kasama sa 12 tracks ng album with three more bonus tracks. Ilan sa mga cover songs included in her debut album are Words Get In The Way, Every Now And Then, Simple Lang, Lucky (Featuring: Paolo Santos), The Show, MoonShadow, Could’ve Been, Later, Cry, Everyday I Love You, Lost In Your Eyes at ang bonus tracks na Love Story, Poker Face and I’m Yours.


Si Suy ay ipinanganak sa Cavite but raised in Davao City. She started in the music industry as one of the lead singers ng bandang Natural High noong 2004. During the press launch, halos lahat ay naintriga sa pangalan niya na Suy.


"Suy, kasi po, ang tawag talaga sa akin Bunsoy kahit hindi naman po ako ang bunso sa aming magkapapatid. Nang dumating po ako sa Manila , naging Suy na lang ang tawag nila. We’re five in the family at pangatlo po ako, pero, nasanay na po sila sa tawag na ’yun."


Her real name is Dorothy Galvez, but since mas kilala na rin daw siya bilang Suy kung kaya’t ’yun na ang ginamit niyang pangalan.


When asked about her background before siyang ini-launch ng Ivory Music, Suy was with Ivory na rin pala for almost four years.


"Nagsimula nga po ako sa band na Natural High noong 2004, then, naghiwa-hiwalay na nga po kami. Naging recording artist po ako ng Ivory Music. Gumagawa po ako ng mga recording songs sa kanila, mga album. So, ako po ang boses dun like sa Unplugged, Volumes 1 and 3. Pero hindi po nila ako ipinapakilala na ako po ang boses dun hanggang sa ’eto nga po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Naging maganda raw ang pagtanggap sa mga acoustic Unplugged Volume 1 and Softly Acoustic kung kaya’t finally, her record label decided to give her a solo album. Aside from being a singer, Suy also composes songs tulad ng "You’re All That I Need" na siya raw mismo ang sumulat.


Para sa 25-year-old acoustic singer, para sa kanya ay "unique" naman daw bawat isa sa kanilang mga acoustic singers sa bansa.


"Ang masasabi ko lang, siguro po sa akin, kapag kumakanta ko, sobrang nakakalimutan ko na ang mundo sa sobrang damang-dama ko ang kanta."


Pero noong nasa banda raw siya, she sang a wide variety of songs that fall under R&B, pop at iba pa.


"’Yun nga lang po, nang mag-solo ako, napunta ako sa acoustic na ang sarap pala. Rinig na rinig mo ang boses," nakangiting sabi niya.


Hindi naman itinanggi ni Suy that she’s already married for four years sa dati rin niyang kasamahang drummer sa banda. Mayroon na rin silang five-month-old baby girl.


At present, Suy has a lot of faith in her record label when it comes to her career. So far, her music video for "Words Get in The Way," her first single, is enjoying good airtime in MYX bukod pa sa sunod-sunod na guesting niya sa iba pang TV shows.

On May 14 at 10 pm, Suy will have a solo gig at House of Runes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN