Red-haired rocker Allison Iraheta will not eat balut but loves pork adobo


American Idol Season 8 fourth-place finalist Allison Iraheta was in Manila last May 4 to promote her new album Just Like You. (CLICK HERE to view the video of her performance at Robinsons Manila)


Inamin ng American Idol Season 8 top 4 finalist na si Allison Iraheta na kailanman ay di siya mapapakain ng kahit na sinuman ng masarap, mainit at masabaw na balut.

Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kasama ang ilan pang miyembro ng press nung May 4 sa Manila Peninsula, sinabi raw sa kanya ng ka-batch niya at Idol season 8 winner na si Chris Allen na huwag kumain ng balut.

"He said it was a baby bird," lahad ni Iraheta.

"So, go ahead and tell me, what kind of bird is it?" ang pabalik na tanong naman ni Iraheta sa press. Ikinagulat niya ang sagot ng isa sa miyembro ng press na sisiw ng pato ang laman ng balut.

"It’s a baby duck! Oh, that’s nice! It’s a baby duckie!" bulalas ni Iraheta.

Doon na inilahad ng teen singer kung paano siya sinabihan ng kapwa niya American Idol stars tungkol sa balut.

"I was actually at a table with David Cook and Chris Allen. They were just talking about how I’m gonna love it here and then he brought up...that, the baby duckie. I was like...’What is that?’

Patuloy sa kwento si Iraheta: "Both of them looked at each other. David was like, ’It’s good!’ [and Chris was like], ’are you trying to mess with me?’ Well, maybe he [David] did like it. I didn’t see it. But Chris was like...’It’s a bird, a baby bird... and you eat it!’"

Nang kinulit kung may balak siya kumain ng balut sa malapit na hinaharap, ang sagot ng Idol finalist, "No! I mean I can handle diarrhea at some point..."

SHE LIKES PORK ADOBO. Bagama’t di nagpakita ng pagnanais sa balut, nagpahayag naman si Iraheta na lubusan niyang nagustuhan ang pork adobo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You have huge malls by the way! They’re enormous! They took us to a restaurant where I had declared that my favorite food here is adobo. Pork adobo. So far, I love it and I know I will keep on loving it."



Nang kasali pa si Iraheta sa American Idol, nakilala siya para sa kanyang magandang rendition ng mga awiting "Don’t Speak" ng No Doubt, "I Don’t Want To Miss A Thing" ng Aerosmith at ang awitin ni Janis Joplin na "Cry Baby."

Nagpunta sa Pilipinas ang dalaga para sa tatlong araw na pagbisita para i-promote ang bago niyang album na Just Like You released under Sony Music.



TOUR WITH ADAM LAMBERT. Samantala, handa nang sumabak si Allison sa parating na tour nila ni Idol season 8 runner-up Adam Lambert at nagpakita siya ng kagalakan sa nalalapit nilang pagsasamang muli pagkatapos ng kanilang American Idol stints.

"We’re touring, so, we’ll be doing a lot of that...hanging out."

Si Iraheta ang opening act ni Lambert sa mga tour nito ngayong summer.

"It just worked out. At first we didn’t know what was gonna happen. Like let’s just see...and then at the last minute it’s happenning! So let’s do it then!" paglalahad pa ni Allison.

Nagpakita rin ng pagnanais si Iraheta na sumulat ng kanyang mga sariling awitin nang kanyang ipinahayag, "I’m really excited to focus on writing more. Yes, definitely, the main reason why I just wanna be somewhere I can just focus on the music and just write down my thoughts, because I didn’t get a chance to do that for my first album because I was on the road touring with Idol. So, I’m gonna focus on that."

Sa kung paano nagdaos ng kanyang ika-18 kaarawan noong nagdaang April 27, inilahad ni Iraheta na, "I celebrated with the family. They got their Hallmark Cake. The deal of, you know, shoving my face in the cake routine with the family of course! I love cake, oh!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ring inilahad ni Iraheta kung ano ang iniregalo niya sa kanyang sarili, "I bought myself an apartment...yeah. So I’m moving out and actually when I get back from here I’m gonna be moving my stuff in and I’m getting a car."

TALKING ABOUT THE IDOL JUDGES. Binanggit din ni Iraheta na sa naturang apartment na ito sa West Hollywood siya didiretso pagbalik niya sa U.S. Tinanong ng PEP kung sino sa tingin niya sa mga judges ng American Idol ang bumugbog sa kanya ng husto pagdating sa pagbabatikos sa kanyang performances noong Season 8. Natigilan ito sumandali bago nagsalita.

"Everybody’s thinking about Simon [Cowell], right? But, none of them really beat me up!

"I guess whoever was more like up-forward and a bit too honest, Simon will always have to be and take that place, of course. He’s a little bit too honest," ang natatawang dagdag pa ng dalaga.

Sa tanong kung mahihigitan niya ang "glam" ni Lambert, nakipaglaro naman ang singer sa kanyang sagot, "I cannot...oh well... Adam creates his own glam. I don’t think I’d win. He definitely would win...definitely [Adam has] a lot of glam."

Pagkatapos humarap ni Iraheta sa press, nagtungo na ito sa Robinsons Place Manila kung saan nagpakitang gilas at pinatunayan nito kung bakit siya naging isa sa finalists ng American Idol Season 8.

Ibinuhos niya ang kanyang sarili sa mga awiting "Robot Love," "No One Else," "Scars" at "Friday I’ll be Over U." Bahagi ang mga awiting ito ng kanyang bagong labas na album na Just Like You.

Tunay na kinagiliwan ang kanyang pagtatanghal ng mga "Alliholics" na nagsipaghintay sa Robinsons Place Manila, dalawang oras bago pa ginanap ang kanyang mini-concert.

Matapos ang concert, nagpaabot ng pasasalamat ang rakistang may pulang buhok sa kanyang mga fans, "Salamat po! I will definitely be back!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN