Myrus will join international singers in Then and Now concert, May 15


Myrus (in photo) will perform in the Then and Now concert that will take place at the SM Mall of Asia this Saturday, May 15. Foreign acts TQ, SWV, P.M. Dawn, Diana King, Baby Bash, Frankie J, and JoJo are slated to perform in the massive music festival. CLICK HERE to buy show tickets.


Myrus is a new addition to the Viva family. Along with his manager Cris Cahilig, pumirma si Myrus ng five-year contract with Viva Records.


Di naman itinago ni Myrus na excited siya sa bagong recording company na kinabibilangan at inisa-isa niya ang mga projects na sisimulan niyang gawin sa ngayon.


"It’s a five-year contract with Viva. Ang nakaktuwa sobrang dami silang magagandang plans for me. Gagawin ko na ’yong second album ko, iko-conceptualize na namin siya more likely June ’yong regular show ko tapos I will have my second concert this June 11 with Princess Velasco and campus tours so sobra akong nae-excite.

Ayon kay Myrus, sobra rin ang excitement niya dahil nasa iisang recording company sila ni Sarah Geronimo at ng crush niyang si Rachelle Ann Go.


"Wala naman talaga akong expectations, wala naman talaga akong expectations sa buhay ko. Ako, I just go with the flow lang kung ano ang mangyari pero siyempre positive naman ’yung pag-iisiip ko at alam ko na magiging maganda naman talaga ang kalalabasan now na nasa Viva na ako.


"Nakakatuwa kasi magkakasama na kami. Before siyempre ina-idolize ko lang ang mga yun and hanggang ngayon pa rin naman pero di ko naisip na darating ang time na magkakasama-sama kami sa iisang bubong.


"Of course mas happy ako na kasama ko na ngayon sa isang label si Rachelle Ann na open naman akong crush ko talaga. Pag tsinita kasi ang lakas-lakas ng dating sa akin tapos ang ganda-ganda ng boses niya, I also like how she carries her self. I know si Rachelle din, she’s family-oriented, nakakatuwa kasi ganun din ako."


"Ako I’m looking forward na makatrabaho ko siya. Di na nga ako nage-expect sa abum kasi alam kong super busy siya, kahit siguro maka-duet ko lang siya kahit sa isang guesting lang, okay na ’yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ni Myrus ang pagkakaroon ng isang regular show, since marami sa mga alaga ng Viva ang napupunta sa Party Pilipinas, inaasahan ng marami na mukhang dito raw mapupunta ang singer.

"Maraming haka-haka pewro di ko pa talaga alam kung saan ako lalabas. Si Boss Vic ang magde-decide niyan, ginagawa nila ang best nila para ilagay ako sa show na feel nila maggo-grow ako as an artist.

"Ako naman kasi kahit saan okey kasi ang kine-cater naman ng lahat ng shows ay ang mga Filipino audience so walang probelma sa akin ’yun."

MASSIVE MUSIC FESTIVAL. Balita rin na si Myrus daw ang kasama sa Then and Now concert kunsaan puro mga international artists ang makakasama ni Myrus. Masaya namang binalita sa amin ng singer na siya lang pala ang kaisa-isang Filipino singer na magge-guest sa event na ito.


Ang mga guests sa naturang concert ay ang SWV (the trio behind the song "Weak," American hip hop/R&B musical group P.M. Dawn, reggae singer Diana King, Mexican-American singer Frankie J, American rapper Baby Bash, and American pop and R&B singer JoJo.


"It’s on May 15, at the SM Mall of Asia grounds, nandun sila Jojo, SWV, Diana King and ako ’yung featured artist nila, the only Filipino artist.


"Siyempre nakaka-flatter, nakaka-overwhelm kasi ang dami namang artists sa Phlippines , ako ang nabigyan ng chance na maging guest dun sa big event, big concert na ’yon. Ang dami-daming international artists plus telecast pa dun sa U.S. kasi at the same time, album launching ’yun ni Jojo so sobrang masaya ako."


Tickets to the Then and Now concert are available in Ticketnet and Ticketworld outlets. Call Ticketworld at Tel. No. 891-9999. For more information, visit the official site.


Click here to buy show tickets


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN