Four PDA scholars given sanctions because of "smoking and drinking"


According to director Jon Ilagan (below, left, with director Laurenti Dyogi), the sanctions given to the four Pinoy Dream Academy scholars—namely, (above, from left) Irish Fullerton, Jay-R Siaboc, Chad Peralta, and Panky Trinidad—were for "smoking and drinking." Because of this, he added, the four have been told to get "much needed rest."



Sanctions lang—at walang suspension or contract termination—ang ipinataw sa apat na top scholars ng Pinoy Dream Academy (PDA). Ito ay ayon sa pamunuan ng Dream Big Broductions (DBP). Anim ang total top scholars ng PDA.

Humarap si Jon Ilagan, managing director ng DBP sa ilang piling entertainment press Thursday night, May 3, sa Dencio’s restaurant near ABS-CBN. Dito ay nagpaliwanag siya tungkol sa mga kaguluhang nagaganap sa PDA ngayon. May dala rin siyang two-page official statement ng ABS-CBN.

Full Official PDA Statement: "Of late, there have been tabloid columns written about three issues that gave a negative impression of Dream Big Productions (DBP), its reason for being and the people that run it.

"The first issue revolves around the Top 6 PDA scholars—Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Panky Trinidad, Ronnie Liang, Chad Peralta, and Irish Fullerton—who recently went on a US Concert Tour. While doing the tour, they were reported to have committed certain indiscretions that led to the issuance of sanctions for four ‘misbehaving scholars,’ namely Jay-R, Panky, Irish, and Chad.

"Let us make it clear. Yes, there were indiscretions committed by the four named artists but were limited to smoking and drinking in the hotel room where they were staying. They were penalized for doing so by the hotel management with a fine, but not 10,000 US dollars as reported by one columnist.

"In this regard, the DBP management has recommended that Jay-R Siaboc and Panky Trinidad take their much needed rest and go back to their respective hometowns in Cebu, while waiting for their next project with DBP. Chad Peralta, on the other hand, expressed his desire to fly back to Australia after fulfilling his earlier scheduled album promotion. Chad at the moment feels that show business is not for him. Irish Fullerton was likewise advised to take a breather in her hometown in Los Angeles, USA, which came very timely since she has an impending June 12 Independence show there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The second issue is their disappearance in ASAP ‘07 last April 29, 2007. Rightly so, the four were not there because their three-month performance stint with the show ended even before they left for the USA. Henceforth, however, each of the PDA scholars will be moved and managed individually.

"The third issue is the insinuated ‘rift’ between Star Magic’s Johnny ‘Mr. M’ Manahan and Business Head Direk Lauren Dyogi. The two major personalities in ABS-CBN entertainment are working well together. In fact, they are in the process of launching a new project—the opening of a performance academy that will offer certificate courses to aspiring actors, actresses, singers, and production people.

"DBP does not condone misbehavior. Rest assured that we abide by our code of ethics and conduct to decide on what actions to take given specific circumstances. Our six PDA scholars will continue to work with DBP and ABS-CBN after the recommended rest and recreation that they rightfully deserve.

"To our valued friends in media, thank you for monitoring our PDA scholars and DBP. We thank you for your sincere reminders to us and our artists.

"We remain committed to bring quality talents and performances to our beloved audiences.

"Thank you.

"(Signed) Jon Ilagan, Managing Director—Dream Big Productions"

"Smoking and drinking." Lumalabas na "smoking and drinking" lang ang pinakamalaking kaso sa kaguluhang nangyayari ngayon sa PDA, ayon kay Direk Jon at sa official statement ng ABS-CBN. As singers, bawal daw kasi sa PDA scholars ang naninigarilyo at umiinom as both destroy their voices.

Ito raw ang dahilan kung bakit napag-fine din sila ng tinuluyan nilang hotel, ang Miramar Inn sa San Diego, which is inside a military camp. No smoking daw ang kuwartong assigned sa kanila at nagsigarilyo pa rin ang ilan sa kanila.

Isang ashtray raw ang nahulog sa carpet kung kaya’t nalaman na nagsisigarilyo sila, kaya pinag-fine sila ng hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Asked about the alleged pag-inom ni Yeng at balitang pagsusuka nito, sinabi ni Direk Jon na kung napainom daw si Yeng, malamang ay nakikisama lang sa iba, at hindi rin raw nagsuka ang Grand Champion. Si Panky raw ang nagsuka, ngunit sa ibang okasyon at lugar.

Isa pa raw sa naging rason ng pag-fine sa apat ay ang pagkasira ng wire cable sa TV.

Sa isyung "room swapping" daw among Irish, Jay-R, Panky, and Chad, Direk Jon could only conjecture na malamang nangyari ito para na rin sa non-smokers at non-drinkers na sina Yeng and Ronnie. Ipinagsama sa isang kuwarto ang dalawa while the rest indulged their vices.

Walang comment si Direk Jon sa isyung pagmamaldita raw ng iba sa mga fans, or even the intentional vandalism of their hotel rooms. Ang pagkakaalam niya raw, wala namang ganoong nangyari—both ang pagmamaldita at ang pagba-vandalize ng mga kuwarto.

Convenient explanation? Ayon na rin sa official statement, may convenient explanation din sa pagkakawala nina Jay-R, Irish, Panky, at Chad sa ASAP ’07. Pati na ang pagbalik ni Chad sa Australia, ang pagkakatanggal ni Panky sa Cebalo Band, ang hindi pagtuloy ng Warner Music sa debut album ni Irish, at ang pagkakatanggal ni Jay-R sa isang soap na pinag-audition-an nito—issues all connected sa nangyaring kaguluhan sa kanila.

"Ayaw na niya talagang mag-showbiz," sabi ni Direk Jon about Chad. "Music lang ang gusto niyang gawin, ayaw niya ng acting. Na-realize niya ito habang dumarami ang trabaho niya. Hindi naman siya agad makakauwi dahil may kontrata pa siya sa kanyang debut album, na out in the market na. After the promotion, he can go if he wants to."

As for Irish, sinabi ni Direk Jon na: ‘Hindi pa talaga pirmado ang kontrata ni Irish sa Warner bago sila umalis papuntang States. Pagbalik nila at nangyari na ang lahat, hindi na itinuloy ng Warner ang pagpirma sa kanya, and we have nothing to do with it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung hindi na bibigyan ng album ng Warner si Irish, why not Dream Records ang magbigay sa kanya?

"Iba ang musicality being pursued by Dream Records, mellow rock and band type, katulad ng kina Yeng, Jay-R, at ng Cebalo," sagot ni Direk Jon.

Kusa naman daw na umalis si Panky sa Cebalo Band.

"Ever since, hindi makasundo ng iba ang music ni Panky, so she left. Walang ipapalit kay Panky, contrary to rumor na baka si Iya Ginez ang ipalit sa kanya," paliwanag ni Direk Jon.

Hindi naman daw inalis ng DBP si Jay-R sa soap na pinag audition-an nito, ang Pangarap Na Bituin. Ang pagkakaalam nila, hindi pumasa si Jay-R sa final audition kung kaya’t hindi siya nakapasok.

Sa pagkakatanggal ng apat sa ASAP ‘07, ayon na rin sa official letter, may three-month tenure lang daw ang segment nilang "Dream Request."

We asked Direk Jon kung bakit na-retain sina Yeng and Ronnie sa ASAP ’07. Ayon sa kanya, ibang segment na raw kasi ito, and besides, may pinu-promote na respective albums ang dalawa. Riding high pa raw kasi ang debut album ni Yeng na Salamat at nag-triple platinum na nga ito. Nasa peak naman ng promotion si Ronnie for his Ngiti debut album from Universal Records.

No answer on Jay-R’s case na may debut album din namang ipu-promote, or that of Cebalo band, and even Chad na nakalabas na nga rin ng debut album.

Underpaid scholars? The last issue we were interested in ay ang balita/comment ng ibang PEP readers na underpaid ang PDA scholars. Inirereklamo raw ng ibang scholars ito sa management at ito raw ang naging totoong dahilan ng sanctions. Nabanggit namin kay Direk Jon that one PEP reader mentioned a hatian of 10-90, 10 percent sa scholars at 90 percent sa DBP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A certain "exbeat" posted this comment in PEP on May 3: "direk lauren dyogi should be blamed for this! 90% ang komisyon ng production niya? 10% lang ang napupunta sa mga talent?! i have met and talked to the Final 6 ng ilang beses... may malalim na dahilan kung bakit ’nagwala’ ang mga ito. i must say na true artists do not conform most of the time sa ipinagagawa sa kanila. BDP should have addressed this sa simula pa lang. pinaasa mo lang ang mga taong ito, then, nang nagrebelde dahil sa may mali sa sistema, ibabasura mo na lang. ABS-CBN should investigate sa pangyayaring ito, lalo na sa isyu ng TF..."

"Definitely not true," mariing tanggi ni Direk Jon. "Twenty percent lang ang kinukuha ng DBP sa earnings nila above 25 thousand [pesos].

"In four months time, we produced seven albums, one multi-platinum [Salamat], one platinum [PDA Compilation Volume 1], two golds [PDA Compilation Volumes 2 and 3], at maggu-gold na rin ang isa pa [Hiling ni Jay-R]. They have regular shows, provincial tours, out-of-the-country tours. Paano sila makakapagreklamo na maliit lang ang nakukuha nila with so many jobs we gave them in a short time? Hindi sila tatagal sa Manila kung hindi sila kumikita."

May isa pang gustong linawin si Direk Jon about the setup of DBP: "Dream Big is ABS-CBN. Therefore, it is ABS-CBN ang nagpadala sa PDA sa ibang bansa.

"Ang kontrata nila [PDA scholars] is with DBP, but only for the first two years for the top three scholars at one year naman for the rest. After their contract, ibibigay namin sila sa Star Magic [talent arm of ABS headed by Johnny Manahan], at may first option ito whether they want to continue the contract or not."

Nakahanda ang DBP na respetuhin ang kontratang napirmahan sa kanila ng Top 6 PDA scholars. Ibig sabihin nito, after their "recommended rest," puwede silang bumalik kung gusto pa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN