Ronnie Liang saddened by fate of fellow "PDA" scholars


Ronnie Liang is deeply affected by the sanctions imposed on his fellow Pinoy Dream Academy scholars.



Ronnie Liang should be happy these days for several reasons. Malakas ang feedback ng kanyang debut album na Ngiti, enough for ASAP ‘07 to retain him and fellow Pinoy Dream Academy (PDA) scholar Yeng Constantino, and for them to be given their own new segment.

Busy na nga si Ronnie ngayon sa promo ng kaniyang album. This Saturday, May 12, he will be in SM Cebu. Magta-trial acting din muli si Ronnie sa isang episode ng Your Song, ang "Salamat" ni Yeng, kung saan makakapareha niya ang 2005 Miss International na si Precious Lara Quigaman.

Kumbaga, tuloy pa rin ang ikot ng mundo ni Ronnie.

Kaso, lungkot na lungkot ngayon si Ronnie sa nangyari sa group nila, specifically kina Jay-R Siaboc na pinagpapahinga muna sa Cebu; Irish Fullerton na hindi na tuloy ang planong album sa Warner Music; Chad Peralta na pagkatapos ng kanyang debut-album promotion ay babalik na sa Australia dahil ayaw na raw nitong mag-artista; at si Panky Trinidad na umalis na rin sa Cebalo Band due to differences in musical preferences.

Silang dalawa na lang ni Yeng ang natira among the Top 6 PDA scholars.

Sabi sa amin ni George Roca, ang manager ni Ronnie, hindi niya na raw ipinapakita kay Ronnie ang mga diyaryo dahil naapektuhan ito. Itinuturing daw kasi niyang mga kaibigan ang mga co-scholars niya.

Still, tuloy pa rin naman ang mundo kay Ronnie, what with schedules left and and right, including guest stints sa Homeboy and Pilipinas Game KNB?.

Ayon pa rin kay Direk Jon Ilagan ng Dream Big Productions, tuloy pa rin ang next U.S. tour ng PDA this July or August. Pero sina Yeng, Ronnie, at Jay-R na lang ang makakasama, plus three new additions from the bottom six of the 12-member original PDA scholars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN