Aiza Seguerra’s Perhaps Love album is now available in various Asian countries


Aiza Seguerra’s latest album from Star Records, titled Perhaps Love, is available in Singapore, Japan, Taiwan, Hong Kong, Malaysia, Thailand, Indonesia, and Korea.


Successful ang mall show ni Aiza Seguerra na ginanap sa activity center ng Robinson’s Galleria kahapon, May 30, na dinaluhan ng mga fans ng singer. Dubbed as Asia’s Acoustic Sensation, pino-promote ni Aiza ang kanyang latest album under Star Records titled Perhaps Love.


Kabilang sa mga songs na inawit ni Aiza during the show ay Sukiyaki, Ellie My Love, at Perhaps Love, Ngayong Wala Ka Na (from the movie Kimmy Dora), at ang carrier single na I’ll Be Over You.


Ang ibang songs sa kanyang album ay Almost Over You, She’s Gone, A Thousand Miles, Forever and A Day, and Angel.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aiza after ng kanyang mall show, kung saan nagkaroon siya ng autograph signing at picture taking with her fans.


Nakabandera sa tarpaulin ang mga katagang Asia’s Acoustic Sensation kaya hiningi namin ang reaction ni Aiza sa label sa kanyang iyon.


Honestly, I feel very uncomfortable kasi ever since naman ayoko nang mga label-label. ’Yong mga alam mo na, acoustic-acoustic ever na...well, thank you for the recognition. Pero I’d rather na tinatawag lang nila ako as Aiza," pahayag ng singer.


May pressure ba sa iyo being labeled as such?

"Wala naman pressure. Parang nako-kornihan lang ako. Pero gusto ko simple lang kasi simple lang naman ako. Gusto lang tawagin ako as Aiza Seguerra, wala nang Asia’s Acoustic Sensation na label," pakiusap ng hitmaker.


Tinanong din namin si Aiza if she feels pressured kapag may bagong labas siyang album. Napi-pressure ka ba na dapat higitan nito nang sales ang huli niyang album?

"Actually, iyan ang number one na inaalis namin sa utak namin, na pag may bago akong album dapat higitan namin ang ginawa namin before kasi honestly, mahirap kasi gawin iyon. Kung ganoon ang magiging thinking namin, alam mo iyon, baka ma-disappoint o ma-frustrate lang kami pag di namin nagawa. So ang thinking namin all the time is to make beautiful and good music. Kasi it’s up to the people naman kung gusto nila bilhin ang iyon [album] o hindi. Basta gagawa kami ng maganda tapos suntok sa buwan, sana magustuhan ng mga tao," pahayag ni Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Masaya si Aiza sa partnership niya with Star Records dahil mayroon siyang creative control sa kanyang album.


"Oh yes, I do have creative control. Kaya nga very happy ako with Star Records. Kasi hindi lahat ng labels binibigyan nila ng full control sa creative aspect. Pero kami, kung anong areglo ang gagawin namin, kung sino ang mga musikero, kami ang nasusunod. Very seldom na ibinibigay iyon and I am very grateful na ang Star Records pinagkakatiwalaan ako and my producer na si Mike Villegas na gawin ang gusto namin at nararapat para sa album. And kami naman, in return sa trust na ibinibigay sa amin, we make sure na kung anuman ang gagawin namin would be very beautiful and we don’t fail them.


Kakaiba pala ang album na ito (Perhaps Love) kasi it was released simultaneously all over Asian countries, namely Singapore, Japan, Taiwan, Hong Kong, Malaysia, Thailand, Indonesia, and Korea.


"Well, the master was done abroad pero dito pa rin sa Pilipinas ito ginawa. Tapos, the album was released in Asia. Hindi naman ako ganoon ka-special if that’s what you are trying to say kasi sa Singapore at sa ibang lugar sa Asia, considered naman ako as an independent artist ako, hindi talaga mainstream which is okay lang for me. Pag sinabi natin pop music, di ba more of dance music and stuff like that. And obviously, ayoko naman ng ganoon. Okay na ako sa estado ko ngayon. Masayang-masaya ako. Mas masaya ako kasi mas maraming tao ang nakakantahan ko.


What would you say is the secret or the key to your success, kung bakit patuloy kang successful in your music career?

"Honestly, hindi ko alam. Basta ang alam ko, sa lahat ng ginagawa ko, buong puso ko ibinibigay ko. And I try to be very professional, kahit sa singing, sa acting. Anuman ang trabaho na ibigay sa akin, I make it a point to do my best. Well, I expect nothing less also. Ibinigay sa akin ni God ang opportunity na ito. Bakit ko hahayaan na lumagpas ito sa akin," sagot ni Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sobrang happy si Aiza sa kanyang career at kung mayroon man daw siya hiling, ito’y ang magtagal siya sa business.

"Ang wish ko ay longevity. I want to be in this business for as long as I can, hangga’t gusto ako ng mga tao. Sana matagal pa nila akong magustuhan. Ako naman, in return, lagi kong gusto na maging masaya sila.


Don’t you wish magkaroon ng album or song na makakapasok sa Billboard Hot 100 Chart?

"Honestly, para sa akin, kung ibigay sa iyo, ibibigay sa iyo. I think there are people destined for that. There are people who are destined for local stardom and there are more people who are destined to make beautiful music. Iba-iba talaga siguro ’yung nakasulat sa stars natin. And for Charice, I am very, very proud of her kasi na-reach niya iyon. Not all Filipinos ay nagawa iyon. So, happy ako for her, really. Ako, ang wini-wish ko for me, well, nakakabalik naman ako sa acting once in a while like sa Maalaala Mo Kaya. [Naging bida si Aiza sa May 22 episode ng MMK kunsaan nakasama niya si Gina Alajar at Dominic Ochoa]


"Okay na ako roon. Honestly, ngayon, pag iniisip ko, parang wala akong mahihiling pa. Masaya ako. Masaya ako sa balance. Hindi ako sobrang sikat na sikat. At the same time, hindi naman ako nawawala. Nariyan pa rin ako. And I think iyon ang maganda. Suwabe lang. I think para tumagal ka sa trabahong ito dapat suwabe lang. And I am very happy na sa trabaho kong ito, 27 na ako ngayon and I’ve been in the business for 23 years and I am still here. Doon pa lang sa aspeto na iyon, happy na ako.


Aside from her usual mall shows to promote her Perhaps Love album, magkakaroon ng special show si Aiza sa Zirkoh Tomas Morato bilang bahagi pa rin ng kanyang promo para sa kanyang album mula sa Star Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Dito kasi sa mall shows, pailan-ilan lang ang nakakanta namin na songs from the album. Yung magiging show namin sa Zirkoh, lahat ng songs sa album kakantahin namin. Well, besides the songs from the album, it’s going to be a full show. Ang special lang sa kanya, it’s going to be a promo show. Para makapasok ka, you need to buy an album [Perhaps Love]. Yung mga bumibili ng album dito sa mall shows, binibigyan namin sila ng entrance stub para makanood sila ng show. Sana mapasaya rin namin sila sa show namin sa Zirkoh," pagwawakas ni Aiza.


Kasamang nag-perform ni Aiza sa kanyang mall show noong Linggo ang Pogi Band, led by her musical director Mike Villegas. Naging front act din sa nasabing event ang baguhang singer na si Drizzle.


The event was sponsored by Robinsons Galleria, Odyssey Music and Video, GBX Shoes, at 93.9 IFM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN