Wushu champ Janice Hung wants to be a successful singer


A practitioner of the Chinese martial art and sport called wushu since the age of seven, Janice Hung also wants to be successful in her chosen career now as a singer. "Right now, I want to pursue my singing career at the same time, enjoy the journey. Hindi po ako nagmamadali pero siyempre, I also want to be recognized as a good performer. Kasi, hindi madali yun, di ba? From my transistion from martial arts to singing, although, parehong nagpe-perform," says Janice.


Janice Hung wants to be as successful in singing as she did in the Chinese martial art and sport called wushu.

THE WUSHU CHAMP. Starting her training at the age of seven, marami nang sinalihang wushu competitions si Janice both here and abroad. Marami na rin siyang nauwing medalya from 1999 to 2007. Although sumasali-sali na rin siya sa mga singing contests noong nag-aaral pa siya, sa wushu raw talaga siya naka-focus noon.

Janice was born in a middle-class Chinese family in Manila. She finished her college under full academic scholarships at the University of Santo Tomas (UST). Nakagawa na rin siya ng dalawang libro about wushu: ito ang 42 Steps Taiji Quan Compulsory Routine at 42 Steps Taiji Jian Compulsory Routine.

ENTERING SHOWBIZ. Nung magsimula naman siyang pumasok sa showbiz, sinubukan muna niya ang pagmomodelo sa mga TV commercials ng iba’t ibang produkto, Chevron, Accel, Cream Silk, McDonalds, Nescafe at marami pang iba. Napasali rin siya noon sa ilang teleserye tulad ng Rounin, Kung Fu Kids at Kung Tayo’y Magkakalayo.

Magiging debut niya as a singer ang July 17 concert na Pinoy Rock Icon na gagawin sa Fontana Hot Spring and Leisure Park sa Clark, Pampanga. Makakasama niya ang bandang Pupil, ang all-female singing group na La Diva at ang balladeer na si Christian Bautista.

"As a professional singer...siguro ngayon pa lang magsisimula ang journey ko as professional singer," banggit ni Janice nang makausap ng PEP (Phililppine Entertainment Portal) sa Packo’s Grill in Quezon City last July 2.

"Hindi naman ako nagmamadali. I believe that if you want to be successful, dapat unti-unti lang. There’s no such thing as shortcut. Meron ka talagang kailangang pagdaanan para, you know, maging successful.

"Right now, I want to pursue my singing career at the same time, enjoy the journey. Hindi po ako nagmamadali pero siyempre, I also want to be recognized as a good performer. Kasi, hindi madali yun, di ba? From my transistion from martial arts to singing, although, parehong nagpe-perform," patuloy ni Janice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGING IS PRIORITY NOW. So ang singing career na ba niya ang priority ngayon over wushu?

"Sa martial arts, I’m okay na. Na-achieve ko na po, sobrang satisfied na po ako sa na-achieve ko sa martial arts. Right now, nagkaroon pa ako ng opportunity na ibang segment or ibang path ng career ko naman ang bigyan ko ng pansin. Kaya sabi ko, why not, it’s not too late to start.

"And the good thing about it, we have a foundation, it’s Janice Hung Arts and Sports Foundation or simply JHAS. Sobrang sayang kasi sa mga less fortunate na kids kung walang magbi-bridge ng gap between the reality and their dreams. Sobra pong sayang. And I’ve seen a lot. So, I want to give them the best guidance in any way I can.

"And para sa akin naman kasi, the real meaning of success, it’s not yung marami kang pera, successful ka na. Sa akin kasi, the real measure of success is not how much money you have in the bank but by how much people you have helped along the journey to success, and for me, that’s more meaningful," makabuluhang paglalahad pa ni Janice.

As Janice told us, her genre of music now is more on acoustic. Though she has Taylor Swift, Beyonce and Regine Velasquez among her favorites.

"Actually, I want to be versatile. So, kahit na anong genre. In terms of instruments, I’m actually learning the guitar. "

At present, Janice is 27, sexy and single. She believes, it’s never too late to pursue her dream of being a singer.

"For me, it’s not too late. It’s never too late to start something that you want to do. It’s better to start now than start later when you’re already 70 years old," natatawa niya pang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And now, I have the opportunity to be a performer for Fontana Rocks, so, why not, natutuwa rin ako na sobra ang pagtitiwalang ibinibigay nila sa akin. At the same time, I can also entertain Chinese guests because I can also sing in Chinese."

Isa na rin daw sa plano ni Janice ay ang pagkakaroon naman ng sarili niyang album which they are working on right now.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN